Sa Abril 13, magsisimula ang mga Filipino na nasa ibang bansa na bumoto ng mga kandidato para sa mga pambansang posisyon sa 2019 midterm elections — 12 senador at isang kinatawan ng partylist. Ang absentee voting ng Commission on Elections sa labas ng bansa ay isasagawa sa loob ng isang buwan, na magtatapos sa Mayo 13.
May kabuuang 62 mga kandidato ang naglalaban para sa 12 puwesto sa Senado habang 134 grupo ng partylist ang tumatakbo para sa 59 mga puwesto sa House of Representatives.
Sa mga tumatakbo para senador, hindi bababa sa kalahati ang may karanasan sa paglilingkod sa gobyerno. Dalawampu’t-isang porsiyento ang nagmumula sa larangan ng negosyo.
Hindi bababa sa 30 iba’t ibang mga sektor ang naglalaban para maging kinakatawan sa Kongreso, batay sa mga layunin ng mga grupo ng partylist.
Narito ang ilang mga impormasyon tungkol sa mga kandidato pagka-senador at kinatawan ng partylist sa 2019 midterm elections: