Sa paglampas ng isang milyong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas noong Abril 26, binigyang diin ng mga health expert na kailangang “pabilisin ang pagbabakuna” sa bansa.
“Ang 350,000 [shots bawat araw] ang kailangan natin para mabakunahan ang 70% ng ating populasyon … Ito ay isang target na dapat nating pagsikapan,” sabi ni John Wong, epidemiologist at miyembro ng national COVID-19 task force on data analytics, sa isang press briefing sa parehong araw na inihayag ng gobyerno na ang mga kaso ay lumampas sa isang milyon.
Noong Abril 27, humigit-kumulang 35,300 lamang na mga Pilipino ang nababakunahan araw-araw ng dosis mula sa Sinovac at AstraZeneca, batay sa pitong araw na average na ulat ng Department of Health (DOH). Mas mababa ng 1% (o 246,986) sa target na 70 milyong katao ang nakakumpleto ng dalawang dosis. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ano ang kinakailangan para maging ‘handa’ sa pag roll out ng COVID-19 vaccine)
Ipinagpatuloy ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng AstraZeneca COVID-19 jab para sa mga taong wala pang 60 taong gulang matapos ang isang pansamantalang suspensyon kasunod ng mga ulat ng mga pambihirang blood clotting reaction sa ibang bansa, na binanggit na ang “mga benepisyo ng bakuna ay higit sa mga panganib nito.”
Narito ang apat na bagay na kailangan mong malaman tungkol sa hindi pangkaraniwang blood disorder:
1. Ano ang nalalaman natin sa ngayon tungkol sa blood clotting at COVID-19 vaccines?
Sa magkakahiwalay na ulat sa umpisa ng buwan na ito, sinabi ng European Medicines Agency (EMA) na ang mga hindi pangkaraniwang blood clots na may low platelet count ay dapat na ilista bilang “napakapambihirang” side effects ng dalawang COVID-19 vaccines: ang Oxford-AstraZeneca at Janssen Pharmaceuticals.
Natagpuan ng awtoridad sa kalusugan ng Europa ng isang posibleng link sa pagitan ng mga bakuna at kundisyon ng dugo — na tinatawag sa medisina na thrombosis with thrombocytopenia syndrome (TTS) — matapos suriin ang mga naiulat na kaso, na nangyari sa dalawa (AstraZeneca) hanggang sa tatlo (Janssen) lang na linggo matapos matanggap ang kanilang jabs.
(Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Alamin ang mga prospect na COVID-19 bakuna sa Pilipinas)
Ang thrombosis ay ang abnormal na pamumuo ng clots. Ang thrombocytopenia ー mula sa mga salitang thrombus (clot), cyto (cell), at penia (bumabang bilang) — ay isang kondisyon ng mababang bilang ng platelet na maaaring humantong sa labis na pagdurugo o pasa.
“Ang isyu dito ay ang kabalintunaang pagkakaroon ng clotting kapag mababa ang iyong mga platelet dahil inaasahan mo ang pagdudugo, hindi pamumuo ng dugo, na magaganap … Talagang bihira na magkaroon ng thrombosis sa pagkakaroon ng thrombocytopenia,” sinabi sa Ingles ni Rosalio Torres, blood expert at founding president ng Philippine College of Hematology and Transfusion Medicine (PCHTM), sa VERA Files Fact Check sa isang pakikipanayam.
Nagmumukhang hindi pangkaraniwan ang TTS dahil sa nakitang mga kumpol ng dugo sa alinman sa utak o tiyan. Ang mga ito ay “bihirang nasasangkot sa karaniwang mga kaso ng trombosis,” sabi ni Torres, na pinuno din ng hematology section ng Makati Medical Center.
“Karaniwang nabubuo ang clots sa mga binti … ito ay maglakbay at masasadlak sa ilang mga lugar at mapupunta sa baga (pulmonary embolism),” dagdag niya.
Karamihan sa mga naiulat na kaso ng TTS kasunod ng dalawang bakuna ay nangyari sa mga babaeng wala pang 60 taong gulang. Ngunit binigyang diin ng ng EMA na “ang pangkalahatang mga benepisyo ng bakuna sa pag-iwas sa COVID-19 ay higit sa panganib ng mga side effect.”
Ang ilang mga bansa na pansamantalang itinigil ang paggamit ng AstraZeneca jabs para masuri ang epekto ng kondisyon sa kanilang populasyon — tulad ng France, Germany, at Italy — ay nagpatuloy na sa pagbibigay ng bakuna matapos ang ulat ng EMA.
Sa isang pahayag noong Abril 16, sinabi ng World Health Organization (WHO) na kung ang mekanismo ay likas sa vaccine platforms (ang parehong mga bakuna ay mga viral vector vaccine) ay “hindi tiyak ngunit hindi maisasantabi.”
Samantala, sinabi ng gumagawa ng bakuna sa Russia na Gamaleya sa isang pahayag na “walang mga kaso ng cerebral venous sinus thrombosis (mga blood clot na nangyari sa veins sa utak)” na iniulat sa kurso ng mga pagbabakuna sa masa gamit ang COVID-19 jab (Sputnik V), na gumagamit ng parehong platform.
Ang isang posibleng paliwanag sa paglitaw ng mga blood clot at low platelet count ay “isang immune response, na humahantong sa isang kondisyon na katulad ng nakikita minsan sa mga pasyente na ginagamot ng heparin (isang blood thinner),” sinabi sa ulat ng EMA.
Sinabi ni Torres na ang heparin-induced thrombocytopenia “ay napag-aralan nang mabuti” at kasalukuyang batayan ng maraming mga scientist sa pag-iimbestiga ng mga kaso ng TTS kasunod ng pagbabakuna.
Binigyang diin din niya na ang naiulat na mga kaso ng immune thrombocytopenia purpura (ITP) matapos mabakunahan ng Pfizer-BioNTech at Moderna noong unang bahagi ng Pebrero ay isang magkaibang hematologic complication dahil wala silang thrombosis. Ang kaugnayan ay hindi pa nakukumpirma. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Filipina abroad develops blood disorder after getting Moderna jab, but link is UNCERTAIN)
Sa kasalukuyan, walang standard case definition na “tinatanggap para magamit ng lahat ng mga bansa” para sa bihirang kondisyon, ayon sa WHO. Tinukoy din ito ng ilang mga eksperto bilang vaccine-induced thrombotic thrombocytopenia o vaccine-induced prothrombotic immune thrombocytopenia.
2. Ano ang posibilidad na magkaroon ng TTS pagkatapos maturukan ng COVID-19 vaccine?
Ang posibilidad ng malubhang masamang reaksyong ay “napakababa” batay sa magagamit na data.
Sa United Kingdom, ang peligro matapos matanggap ang AstraZeneca vaccine na Vaxzevria ay tinatayang nasa apat na kaso bawat milyon (o isa bawat 250,000), at isa bawat 100,000 na nasa sapat na gulang sa European Union, ayon sa pahayag mula sa WHO noong Abril 16.
Samantala, ang United States (U.S.) Centers for Disease Control and Prevention ay nag-ulat lamang ng 15 kumpirmadong mga kaso ng TTS sa 7.98 milyong dosis ng Janssen na nagamit hanggang Abril 21.
Hindi pa rin nakukumpirma mula sa magagamit na ebidensya ang partikular na mga risk factor na maaaring maging dahilan para magkaroon ng ganoong kondisyon ang isang tao.
3. Mayroon bang mga ulat ng mga lokal na kaso ng mga blood clot pagkatapos ng pagbabakuna?
Wala. Matapos ang 11-araw na paghinto sa paggamit ng AstraZeneca para sa mga Pilipinong wala pang 60 taong gulang, sinabi ng FDA sa Pilipinas na hindi pa ito nakakapagtala ng kaso ng pambihirang blood clotting kasunod ng inoculation hanggang Abril 23.
Sinabi ni FDA Director-General Eric Domingo sa isang pahayag noong Abril 8 na ang paghinto ay “hindi nangangahulugan na ang bakuna ay hindi ligtas o hindi epektibo,” sa halip, ang ahensya ay “nagsasagawa ng mga pag-iingat na hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Pilipino.”
Kamakailan ay naglabas ang FDA ng isang emergency use authorization para sa isang dosis ng bakunang Janssen, na nakatakdang dumating sa ikalawang kalahati ng taong 2021. Samantala, inaasahan ang pagdating ng Sputnik viral vector vaccine sa unang bahagi ng Mayo.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum: “Kailangan nating sanayin ang ating mga health worker upang madali nila makita ang ganitong adverse events sa ating mga mamamayan na mababakunahan para ligtas tayo.”
Sinabi din ni Vergeire sa isang pahayag sa press briefing noong Abril 23 na “ang karamihan sa mga adverse events dahil sa mga bakuna ay banayad at limitado ang itinatagal,” tulad ng mga nakitang mga kaso sa bansa.
4. Ito ba ay isang dahilan para hindi magpabakuna?
Sinabi ni Torres na ang mga tao ay dapat na “tumingin muna sa panganib na dala ng COVID na napakataas, kontra sa peligro na makakuha ng masamang epekto mula sa isang bakuna upang hindi makakuha ng COVID, na napakababa.”
“Ang mga benepisyo ay mas malaki kaysa sa napakaliit na peligro na ito,” dagdag niya.
Binabanggit ang mga scientist mula sa University of Oxford, isang grupo ng mga public health expert mula sa global nonprofit Meedan ang nagsabi na ang mga nahawahan ng sakit ay, sa katunayan, “100 beses na mas malamang na magkaroon ng blood clot kaysa sa mga taong hindi.”
Ang peligro ng blood clotting pagkatapos ng impeksyon ng COVID-19 ay “walong beses na mas mataas kaysa sa blood clotting matapos magpabakuna ng AstraZeneca COVID-19,” dagdag nito.
Sinabi din ng DOH na ang mga pasyente na tumatanggap ng COVID-19 jabs ay sasailalim pa rin sa monitoring at surveillance sa vaccination site. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ano ang aasahan sa sandaling mailabas ang mga bakuna sa COVID-19)
Sinabi ni Torres sa VERA Files Fact Check na ang PCHTM, kasama ang Philippine College of Physicians, ay nagsumite na ng mga alituntunin sa DOH kung paano magpapatuloy kung at kailan lumitaw ang mga reaksyong ito.
Upang maiwasan ang maling impormasyon sa COVID-19 vaccine, alamin kung ano ang limang red flags ang dapat bantayan sa kuwentong ito.
Mga Pinagmulan
Philippine resumes AstraZeneca COVID-19 vaccine
- Rappler, Philippines resumes use of AstraZeneca vaccine for people below 60, April 19, 2021
- CNN Philippines, PH to resume use of AstraZeneca vaccines for people below 60, April 19, 2021
- Inquirer.net, DOH heeds FDA’s advice to continue AstraZeneca vaccination, April 17, 2021
Department of Health, DOH, FDA TEMPORARILY SUSPEND ASTRAZENECA VACCINATION FOR PERSONS BELOW 60, ASSURE SAFETY AND VALIDITY OF VACCINES | Department of Health website, April 8, 2021
European Medicines Agency, AstraZeneca’s COVID-19 vaccine: EMA finds possible link to very rare cases of unusual blood clots with low blood platelets | European Medicines Agency, April 8, 2021
European Medicines Agency, COVID-19 Vaccine Janssen: EMA finds possible link to very rare cases of unusual blood clots with low blood platelets | European Medicines Agency, April 20, 2021
On thrombosis with thrombocytopenia syndrome
- World Health Organization, Global Advisory Committee on Vaccine Safety (GACVS) review of latest evidence of rare adverse blood coagulation events with AstraZeneca COVID-19 Vaccine (Vaxzevria and Covishield), April 16, 2021
- Meedan Digital Health Lab, What do we know about the AstraZeneca vaccine and blood clotting?, April 21, 2021
- Brighton Collaboration, Interim Case Definition of Thrombosis with Thrombocytopenia Syndrome (TTS), April 21, 2021
- The New England Journal of Medicine, Thrombosis and Thrombocytopenia after ChAdOx1 nCoV-19 Vaccination | NEJM, April 9, 2021
- Meedan Digital Health Lab, What is vaccine-induced thrombosis and thrombocytopenia (VITT)?, April 16, 2021
- U.S. CDC, CDC Presentation, April 23, 2021
- U.S. Natinonal Institutes of Health National Heart, Lung, Blood Institute, Thrombocytopenia | NHLBI, NIH
- Johns Hopkins Medicine, Thrombosis
On the use of AstraZeneca’s COVID-19 vaccines
- Al Jazeera, Which countries have stopped using AstraZeneca’s COVID vaccine?, March 15, 2021
- Meedan Digital Health Lab, European countries pausing the Oxford-AstraZeneca vaccine over fears of blood clotting, March 16, 2021
- DW Akademie, AstraZeneca: Germany, other European countries to resume use of vaccine, March 18, 2021
- BBC News, Covid-19: EU states to resume AstraZeneca vaccine rollout, March 18, 2021
- Reuters, Germany, France among nations to resume use of AstraZeneca vaccine after regulators back shot, March 19, 2021
On the use of Johnson & Johnson’s COVID-19 vaccine
- The Washington Post, European regulator says J&J; coronavirus vaccine needs rare blood clot warning but that benefits outweigh risks, April 20, 2021
- The New York Times, Covid-19: Johnson & Johnson to Resume Its Vaccine Rollout in Europe, April 25, 2021
- BBC News, Johnson & Johnson vaccine: EU regulator says blood clot very rare side effect, April 21, 2021
Department of Health, Beat COVID-19 Media Forum, April 23, 2021
Food and Drug Administration, Reports of Suspected Adverse Reaction to COVID-19, April 11, 2021
Presidential Communications Operations Office Global Media Affairs, Status of Philippine COVID-19 Vaccine Procurement
Gamaleya Research Institute, The Gamaleya Center statement | Official website vaccine against COVID-19 Sputnik V.
Food and Drug Administration, ChAdOx1-S[recombinant] (COVID-19 Vaccine AstraZeneca) – Food and Drug Administration
Food and Drug Administration, Janssen COVID-19 Vaccine – EUA Fact Sheet for Recipients and Caregivers
Meedan Digital Health Lab, What kind of impact can COVID-19 have on blood and circulation?, July 3, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)