Sinabi ng Commission on Elections na higit sa 61 milyong rehistradong botante ang inaasahang magpapasya sa kalalabasan ng eleksyon sa Mayo 13.
Ito ay isang pagtaas ng 13.8 porsiyento sa rehistradong botante mula noong 2016, na may isang-katlo ng mga botante na nagmumula sa kabataan, o mga may eded na 18-30.
Noong Marso 3, pinapaalalahanan ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang publiko tungkol sa ilang maraming gagawin at hindi dapat gawin sa pagboto, dalawang buwan bago ang halalan.
Sa isang serye ng mga tweet, inilista ni Jimenez ang bilang ng mga kandidato na dapat i-shade ng mga botante sa kanilang mga balota para sa bawat posisyon na pagbobotohan. Ipinaalala niya na bagamat ang mga botante ay maaaring mag abstain sa pagboto o pumili ng mas kaunting mga kandidato kaysa sa kinakailangang bilang – halimbawa, isa lamang sa halip ng 12 senador – hindi sila maaaring “bumoto ng higit sa kinakailangan.”
Alamin kung sino ang mga botante ngayong taon sa infographic na ito.
MGA PINAGMULAN
Commission on Elections, Number of Registered Voters for May 2019 Elections
Commission on Elections, Number of Registered Voters, Voters Who Actually Voted and Voters’ Turnout, Oct. 17 2016
National Youth Commission, Republic Act No. 8044
Twitter.com, @jabjimenez, March 3, 2019
Twitter.com, @jabjimenez, March 4, 2019