Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Escudero, kandidato pagka-senador, mali sa pag ugnay ng ekonomiya sa mga gold reserve

Ang patakaran ng Pilipinas hinggil sa pananalapi ay hindi umaasa sa ginto - o "gold standard" - sa nakalipas na pitong dekada.

By VERA FILES

Mar 10, 2019

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang pahayag ng independyenteng kandidato pagka-senador na si Agnes Escudero na ang ekonomya ng bansa ay nakasalalay sa mga reserbang ginto.

 

PAHAYAG

Sa senatorial debate ng ABS-CBN noong Peb. 24, tinanong ang mga kandidato pagka-senador kung paano nila pinaplano na matugunan ang kahirapan at ang pagtaas ng presyo ng mga kalakal.

Sumagot si Escudero:

 

“Naniniwala ako na itong mga taxation na ito is part of – what I call – (pagbabayad ng buwis na ito ay bahagi ng – tinatawag kong -) floating economy. But the true economy of our country is on the gold reserve because it is where we print money (Ngunit ang totoong ekonomiya ng ating bansa ay nasa gold reserve/reserbang ginto dahil dito tayo nag-iimprenta ng pera).”

Pinagmulan: ABS-CBN News, Harapan 2019: Ang ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate, 24 Peb. 2019, panoorin mula 34:58 hanggang 35:13

 

ANG KATOTOHANAN

Mali si Escudero. Ang patakaran ng Pilipinas hinggil sa pananalapi ay hindi umaasa sa ginto – o “gold standard” – sa nakalipas na pitong dekada. Mula noong paglikha nito noong 1948, ang central bank ang tumutukoy sa batayan ng patakaran hinggil sa pananalapi ng bansa, na kasalukuyang nakaugnay sa mga target sa inflation at growth rate.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang patakaran hingil sa pananalapi ay tumutukoy sa mga hakbang o aksyon na ginawa ng central bank upang maimpluwensyahan ang “timing, gastos at kakayahang makakuha ng pera at pautang … para sa pangunahing layunin ng pagpapatatag ng antas ng mga presyo.”

Ang gold standard ay ginamit lamang hanggang 1940s at 1950s, sabi ng researcher ng policy group Action for Economic Reforms na si AJ Montesa, na inilarawan ito bilang isang sistema kung saan ang pera ay maiimprenta lamang depende sa kung gaano karaming ginto mayroon ang isang bansa.

Ipinakikita ng kasaysayan ng BSP na ang bansa ay umasa sa isang sistema ng pananalapi na “sinuportahan ng 100 porsiyentong mga gold reserve” sa panahon ng Commonweath mula 1935 hanggang 1941:

 

 

“The country’s monetary system then was administered by the Department of Finance and the National Treasury. The Philippines was on the exchange standard using the US dollar—which was backed by 100 percent gold reserve—as the standard currency (Ang sistema ng pananalapi ng bansa noon ay pinangasiwaan ng Department of Finance at ng National Treasury. Ang Pilipinas ay nasa pamantayan ng palitan gamit ang dolyar ng US–na sinuportahan ng 100 porsiyentong gold reserve–bilang pamantayang pera).”

Pinagmulan: Website ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Creating a Central Bank for the Philippines,” n.d

 

MGA PINAGMULAN

Bangko Sentral ng Pilipinas website, “Creating a Central Bank for the Philippines,” n.d.

Bangko Sentral ng Pilipinas website, “Monetary Policy,” n.d.

Bangko Sentral ng Pilipinas website, “Monetary Policy – Glossary and Abbreviations,” n.d.

Lamberte, M. “Central Banking in the Philippines: Then, Now and the Future.” Philippine Institute for Development Studies Discussion Paper Series, 2002(10), 27.

Republic Act 265

Republic Act 7653

 

(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)

(Ang VERA Files ay bahagi ng Tsek.ph, isang pagtutulungan sa fact-checking na inisyatibo ng akademya at ng media para sa 2019 midterm na halalan sa Pilipinas.)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.