Bineto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 11 panukalang batas na inaprubahan ng nakaraang Kongreso, kabilang ang dalawa sa kanyang mga pangako noong kampanya.
Ano ang beto? Kailan ito nangyayari at ano ang mangyayari matapos itong gawin?
Narito ang tatlong bagay na dapat mong malaman.
Ano ang beto?
Ang beto ay isang katangi-tanging karapatan ng pangulo na tanggihan ang isang panukalang batas na ipinasa ng lehislatura upang maging isang batas.
Nakasaad sa Art. 6, Sec. 27 ng 1987 Konstitusyon na dapat “iharap” ng Kongreso ang bawat panukalang batas na ipinapasa nito sa pangulo para sa kanyang pag-apruba at pirma. Kung hindi sang-ayon ang pangulo:
“he shall veto it and return the [bill] with his objections to the House where it originated…
(kanyang ibebeto ito at ibabalik ang [panukala] kasama ang kanyang mga pagtutol sa Kapulungan kung saan ito nagmula)…”
Kailangang iparating ng pangulo ang kanyang beto sa loob ng 30 araw pagkatapos matanggap ang panukalang batas, kung hindi, ito ay magiging batas “na parang nilagdaan niya ito.”
Maaari ring aprubahan ng pangulo ang “panukalang appropriation, revenue, o tariff” ngunit ibeto ang ilan sa mga probisyon nito.
Ano ang mangyayari pagkatapos ng isang beto ng pangulo?
Matapos ang isang beto, ang mga mambabatas ay maaaring muling ipanukala ang batas na may o walang mga susog, o ipawalang-bisa ang desisyon ng pangulo.
Pinapayagan ng batas ang mga miyembro ng lehislatura na ipawalang-bisa ang veto:
“If, after such reconsideration, two-thirds of all the Members of such House shall agree to pass the bill, it shall be sent, together with the objections, to the other House by which it shall likewise be reconsidered, and if approved by two-thirds of all the Members of that House, it shall become a law
(Kung, pagkatapos ng muling pagsasaalang-alang, dalawang-katlo ng lahat ng mga Miyembro ng nasabing Kapulungan ay sumasang-ayon na ipasa ang panukalang batas, ito ay ipapadala, kasama ang mga pagtutol, sa kabilang Kapulungan na kung saan ito ay susuriin din, at kung aprubahan ng dalawang-katlo ng lahat ng mga Miyembro ng Kapulungan na iyon, ito ay magiging batas).”Pinagmulan: Official Gazette, The Constitution of the Republic of the Philippines
Ano ang nangyari sa binetong mga panukalang batas ni Duterte?
Nang magsimulang isumite ang mga panukalang batas sa ika-18 Kongreso noong Hulyo 1, tanging ang Security of Tenure (SoT) Act at Coconut Farmers and Industry Development Act — dalawa sa mga pangako sa kampanya ni Duterte — ang muling ipinanukala sa parehong Kapulungan.
Security of Tenure Act
Noong nakaraang buwan, bineto ni Duterte ang SoT Bill, na naglalayong ipagbawal ang ‘endo,’ o ‘end of contract‘ — isang kalakaran kung saan trabaho ng mga manggagawa ay hindi aabot ng anim na buwan, upang maiwasan ang regularisasyon sa ikaanim na buwan na ipinaguutos ng Labor Code.
Sa kanyang kampanya, nanumpa si Duterte na wakasan ang ‘endo,’ na sinabi niyang “isang kawalan ng katarungan” na dapat itigil.
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang taon, hinikayat ni Duterte ang Kongreso na “magpasa ng batas na tatapos sa kontraktwalisasyon sa wakas.” Noong Setyembre 2018, pinilit niya ang mga mambabatas na aprubahan ang panukala sa pamamagitan ng pag-certify nito bilang “urgent.”
Sa kanyang mensahe sa pagbeto noong Hulyo 26, sinabi ni Duterte:
“Indeed, while labor-only contracting must be prohibited, legitimate job-contracting should be allowed, provided that the contractor is well capitalized, has sufficient investments, and affords its employees all the benefits provided for under the labor laws.”
(Sa katunayan, bagamat ang pagkontrata para sa trabaho lamang ay dapat na ipinagbabawal, ang lehitimong pagkontrata ng trabaho ay dapat pahintulutan, sa kondisyon na ang kontratista ay may kapital, may sapat na puhunan, at nagbibigay sa kanyang mga empleyado ng lahat ng mga benepisyo sa ilalim ng mga batas sa paggawa).”
Idinagdag niya:
“Businesses should be allowed to determine whether they should outsource certain activities or not, especially when job-contracting will result in economy and efficiency in their operations, with no detriment to the workers, regardless of whether this is directly related to their business
(Ang mga negosyo ay dapat pahintulutan na matukoy kung dapat nilang ipagawa sa labas (ng kumpanya) ang ilang mga aktibidad o hindi, lalo na kapag ang pagkontrata sa trabaho ay magreresulta sa ekonomiya at kahusayan sa kanilang mga operasyon, na walang kasiraan sa mga manggagawa, kahit na ito ay direktang nauugnay sa kanilang negosyo o hindi).”Pinagmulan: Official Gazette, Veto Message on House Bill No. 6908/ Senate Bill No. 1826, Hulyo 26, 2019
Sa isang talumpati noong Hulyo 28, ipinagtanggol ni Duterte ang kanyang desisyon na tanggihan ang panukalang batas, na sinabing ayaw niyang ang pamahalaan ay “gawin itong mahirap para sa mga kapitalista na umusad din.”
Coconut Farmers and Industry Development Act
Bineto ni Duterte ang Coconut Farmers and Industry Development Bill, na naglalayong ibalik ang P100 bilyong halaga ng pondo mula sa coco levy sa mga magsasaka ng niyog. Noong kumakandidato bilang pangulo, nangako siyang ibabalik ang pondo sa loob ng kanyang unang 100 araw sa Malacañang.
Ang pondo ay mga buwis na binayaran ng mga magsasaka ng niyog noong Martial law, para sa pagpapaunlad umano ng industriya ng niyog at kapakinabangan ng mga magsasaka. Ngunit ang pondo ay ginamit ng mga crony ni Marcos, kabilang sina Juan Ponce Enrile at Eduardo “Danding” Cojuangco, para bumili at magpalawak ng mga negosyo.
Sa kanyang SONA noong nakaraang taon, nanawagan si Duterte sa mga mambabatas na “ipasa sa lalong madaling panahon ang panukalang batas na magtatatag ng Coconut Farmers’ Trust Fund.”
Sa kanyang mensahe kaugnay ng beto, sinabi niya na ang kasalukuyang panukalang batas ay hindi sumasalamin sa “pangwakas na layunin na mapabilis ang paggamit ng buong asset ng coco levy at pondo para sa kapakinabangan ng mga nangangailangan na magsasaka ng niyog at industriya ng niyog.” Hindi na siya nagpaliwanag pa.
Bineto rin ni Duterte ang kakambal na panukalang batas, isang pinagsama-samang ulat ng bicameral conference sa SB 1976 at HB 8552 na nagmungkahi na palakasin ang Philippine Coconut Authority (PCA). Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sa tingin ng Pangulo ang balangkas ng PCA ay tulad ng Road Board, na labis na tinuligsa dahil sa mga alegasyon ng katiwalian at maling paggamit ng mga pondo.
Kung ang magkakambal na panukala ay nilagdaan para maging batas, ang bagong PCA ay pamamahalaan ang P100-bilyong pondo ng coco levy.
Sa SONA ngayong taon, muling hinimok ni Duterte ang Kongreso na magpasa ng isang “mas tumutugon na bersyon ng panukalang batas na magtatatag ng Coconut Farmers’ Trust Fund upang tiyak na mapabilis ang paggamit ng pondo ng coco levy para sa kagalingan at pagpapalakas ng mga magsasaka ng niyog.”
Sa parehong talumpati, iminungkahi ni Duterte na bigyan lamang ng P5 bilyon ang sektor ng niyog sapagkat ang gobyerno ay “hindi na matukoy ang tunay na may-ari ng lupa.” Ito ay isang pag-urong ng kanyang pangako na ibalik nang “ganap” ang pondo sa mga magsasaka.
Sinabi niya:
“Kaya … ang gusto ko o baka nagustuhan rin ninyo, i-deposito ko na lang. Let it remain as a remembrance to the people who lost their…at that time (Hayaan itong manatili bilang isang alaala sa mga taong nawalan ng kanilang…sa oras na iyon). Tapos ‘yung 5 bilyon,’ yun ‘yung (sana) [para]…sa pagpapabuti sa muling pagtatanim sa (ng) niyog.
Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, 4th State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte, Hulyo 22, 2019, panoorin mula 1:25:42 hanggang 1:26:17
The Supreme Court’s landmark decision in 2012 ruled that the coco levy funds shall be:
Noong 2012 nag desisyon ang Korte Suprema na ang pondo ng coco levy ay:
“used only for the benefit of all coconut farmers and for the development of the coconut industry
(gagamitin lamang para sa kapakinabangan ng lahat ng magsasaka ng niyog at para sa pagpapaunlad ng industriya ng niyog).”Pinagmulan: Supreme Court of the Philippines, G.R. 177857-58
Ang mga ito ay binanggit at muling inilahad sa mga executive order 179 at 180 na inilabas noong 2015 ng hinalinhan ni Duterte, si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.
Mga Pinagmulan
Senate of the Philippines, Performance of the Senate, Seventeenth Congress, Third Regular Session, July 23, 2018 – June 7, 2019
Official Gazette, The Constitution of the Republic of the Philippines
On Security of Tenure Act
Official Gazette, Presidential Decree No. 442, s. 1974
ABS-CBN News, Duterte says ‘ENDO’ an injustice that must be stopped, April 24, 2016
RTVMalacañang, State of the Nation Address 2018, July 23, 2018
Presidential Communications Operations Office, 3rd State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte, July 23, 2018
Philstar.com, Duterte certifies security of tenure bill as urgent measure, Sept. 25, 2018
Rappler.com, Duterte certifies proposed law vs ‘endo’ as urgent, Sept. 25, 2018
ABS-CBN News, Duterte certifies anti-contractualization bill as urgent, Sept. 25, 2018
Senate of the Philippines, Committee Report No. 392/Senate Bill No. 1826
House of Representatives, House Bill No. 6908
Official Gazette, Veto Message on House Bill No. 6908/ Senate Bill No. 1826, July 26, 2019
Presidential Communications Operations Office, Situation Briefing Presided Over by President Rodrigo Roa Duterte on the Effects of Earthquake in Batanes, July 28, 2019
On Coconut Farmers and Industry Development Act
GMA News, Duterte vetoes coco levy bill providing P100-B trust fund for farmers, Feb. 15, 2019
Philstar.com, Duterte vetoes Coconut Industry Code revisions, Feb. 10, 2019
DZRH News, Farmers slam Malacanang for wanting upper hand over coco levy, assets and Php10-B budget intended for coconut farmers, coco industry, Feb. 16, 2019
@PiaRanada, “LOOK: #PresidentDuterte explains why he vetoed Cocunut Farmers and Industry Development Act. @rapplerdotcom,” Feb. 17, 2019
CNN Philippines, Duterte promises farmers: I will return coco levy fund, March 30, 2016
Rappler.com, Duterte, Cayetano vow ‘return’ of coco levy fund in 1st 100 days, March 31, 2016
Inquirer.net, Coco farmers ask Duterte to fulfill his promise, Nov. 7, 2016
Presidential Communications Operations Office, 3rd State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte, July 23, 2018
Senate of the Philippines, Committee Report No. 8/Senate Bill No. 1233
House of Representatives, House Bill No. 5745
ABS-CBN News, Duterte vetoes bill strengthening PCA, Feb. 9, 2019
Philstar.com, Duterte vetoes bill strengthening Philippine Coconut Authority over corruption worries, Feb. 10, 2019
BusinessMirror, Warning of corruption risks, Duterte vetoes bill reconstituting PCA, Feb. 8, 2019
Senate of the Philippines, Senate Bill No. 1976
House of Representatives, House Bill No. 8552
Presidential Communications Operations Office, 4th State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte, July 22, 2019
Supreme Court of the Philippines, G.R. Nos. 177857-58
Official Gazette, Executive Order No. 179, s. 2015
Official Gazette, Executive Order No. 180, s. 2015
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)