VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ng opisyal ng NTF-ELCAC na nagbigay ng ‘matapang na pahayag’ at ‘posisyon’ ang international community sa CPP-NPA nangangailangan ng konteksto
Ang deklarasyon ng ibang bansa sa isang entity bilang "terorista" ay hindi bahagi ng mga kinakailangan ng Pilipinas para italaga ang mga grupo bilang "terorista" sa ilalim ng Anti-Terrorism Act (ATA) ng 2020.