Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ng opisyal ng NTF-ELCAC na nagbigay ng ‘matapang na pahayag’ at ‘posisyon’ ang international community sa CPP-NPA nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Nagbigay ng matapang na pahayag at posisyon ang international community na nagdeklara sa Communist Party of the Philippines at ang armadong grupo nito, ang National People’s Army, bilang isang teroristang grupo.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Ang deklarasyon ng ibang bansa sa isang entity bilang “terorista” ay hindi bahagi ng mga kinakailangan ng Pilipinas para italaga ang mga grupo bilang “terorista” sa ilalim ng Anti-Terrorism Act (ATA) ng 2020.

By vera files fact check

Sep 30, 2022

4-minute read

BASAHIN SA INGLES

ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Emmanuel Salamat na ang international community ay “nakagawa na ng isang matapang na pahayag” at “posisyon” na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines (CPP) at armadong grupo nito, ang New People’s Army (NPA), bilang isang teroristang grupo.

Ito ay nangangailangan ng konteksto.

PAHAYAG

Sa isang panayam, hiningi ni ABS-CBN News Channel anchor Karmina Constantino kay Salamat ang reaksyon ng NTF-ELCAC sa desisyon ng Manila trial court na ibasura ang petisyon ng Department of Justice para ideklara ang CPP-NPA bilang isang “terorista” na grupo.

Sabi ni Salamat:

“Maging ang international community ay gumawa ng matinding paninindigan laban sa Communist Party of the Philippines bilang isang dayuhang teroristang organisasyon. ‘Yun ‘yung nakakatawa. Tayo dito sa Pilipinas ay nagsasabing ang CPP-NPA ay hindi isang teroristang organisasyon habang, sa katunayan, ang ibang organisasyon, ang international community, ay gumawa ng isang matapang na pahayag, at maging posisyon, na sila ay isang teroristang grupo.”

 

Pinagmulan: ANC 24/7 Official Youtube Channel, NTF-ELCAC reacts as court junks case vs CPP-NPA | ANC, Setyembre 22, 2022, panoorin mula 1:05 hanggang 1:43

ANG KATOTOHANAN

Ang ilang mga bansa tulad ng United States, New Zealand at Australia ay tinukoy ang CPP-NPA, mag-isa o magkasama, bilang isang teroristang grupo. Idineklara rin ng United Kingdom at European Union ang CPP-NPA bilang isang teroristang entidad. Gayunpaman, ang deklarasyon ng ibang bansa na “terorista” ang isang entidad ay hindi bahagi ng mga kinakailangan ng Pilipinas para magtalaga ng mga grupo bilang “terorista” sa ilalim ng Anti-Terrorism Act (ATA) ng 2020.

(Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Ang mga panganib ng red-tagging sa ilalim ng Anti-Terrorism Law)


“Sa katunayan, ang Korte Suprema mismo ang nagtanggal ng partikular na bahagi ng (ATA) kung saan sinabi nito na maaaring gamitin ng gobyerno ng Pilipinas [ang kahilingan para sa pagtatalaga] ng iba pang mga pambansang entidad, internasyonal na entidad, kahit na supranational na entidad,” sabi ng abogadong si Edre Olalia, interim president ng International Association of Democratic Lawyers at presidente ng National Union of Peoples’ Lawyers, sa isang panayam sa telepono ng VERA Files Fact Check.

BACKSTORY

Tinanggal ng Korte Suprema noong Disyembre noong nakaraang taon ang dalawang bahagi ng ATA dahil sa pagiging labag sa konstitusyon. Ang mga mahistrado, na bumoto ng 9-6, ay nagsabi na ang ikalawang talata ng Section 25 ng ATA ay labag sa konstitusyon, partikular:

“Ang kahilingan para sa mga pagtatalaga ng ibang hurisdiksyon o supranational na hurisdiksyon ay maaaring pagtibayin ng AT pagkatapos ng pagpapasya na ang iminungkahing itinalaga ay nakakatugon sa pamantayan para sa pagtatalaga ng UNSCR No. 1373.”

Binanggit ng kataas-taasang hukuman na “walang wastong mga safeguard sa pamamaraan at mga remedyo para sa isang maling pagtatalaga (ng isang tao o isang grupo bilang terorista)” na ginawa sa ilalim ng ganitong uri ng mga kahilingan.

Sa desisyon ng Manila Regional Trial Court

Sa petisyon nito, binanggit ng Justice department ang siyam na insidente ng umano’y kalupitan na ginawa ng NPA, ngunit tinanggihan ito ng Manila Regional Trial Court, na nagsabing:

“Wala sa mga ebidensyang ipinakita ng petitioner ang nagbibigay ng anumang impresyon na ang mga insidenteng ito ay nasa kategorya ng mga pagkilos na opisyal na pinahintulutan ng mga respondent na organisasyon.”

Pinagmulan: Manila Regional Trial Court Branch 19, Department of Justice vs. The Communist Party of the Philippines and the New People’s Army (pahina 115), Setyembre 21, 2022

Ipinaliwanag ng korte na bagama’t hindi nito binabalewala o minamaliit ang mga buhay na nawala sa mga insidente, walang makapaglalarawan na nagdudulot ang mga ito ng “laganap at hindi pangkaraniwang takot at gulat.”

Ang mga pagkilos na naghahasik at lumilikha ng kondisyon para sa “malawak at pambihirang takot at panic” ay mga pamantayan para sa terorismo na itinatag sa pinawalang-bisa ngayon na Human Security Act of 2007 kung saan ibinatay ng DOJ ang petisyong nito.

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader request form na ito.

Mga Pinagmulan

ANC 24/7 Official Youtube Channel, NTF-ELCAC reacts as court junks case vs CPP-NPA | ANC, Setyembre 22, 2022

Countries’ designation

Supranational designation

Philippine Supreme Court Public Information Office Official Twitter Account, MEDIA ADVISORY, Disyembre 9, 2021

Supreme Court of the Philippines, G.R. No. 252578, et al. Dec. 7, 2021, Pebrero 15, 2022

Manila Regional Trial Court Branch 19, Department of Justice vs. The Communist Party of the Philippines and the New People’s Army, Setyembre 21, 2022

Official Gazette of the Philippines, Republic Act No. 9372, Marso 6, 2007

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.