Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Robin Padilla maling ini-uugnay ang pagsabog sa Beirut sa terorismo para bigyang katwiran ang PH anti-terror law

Binigyang-katuwiran ng aktor na si Robin Padilla, isang lantad na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020 sa pamamagitan ng pagpapahiwatig na ang matinding pagsabog ng daungan na sumira sa kabisera ng Lebanon na Beirut ay gawa ng terorismo.

By VERA Files

Aug 17, 2020

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Binigyang-katuwiran ng aktor na si Robin Padilla, isang lantad na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020 sa pamamagitan ng pagpapahiwatig na ang matinding pagsabog ng daungan na sumira sa kabisera ng Lebanon na Beirut ay gawa ng terorismo.

PAHAYAG

Isang araw pagkatapos ng insidente ng Agosto 4, ipinost ni Padilla sa Instagram ang isang screenshot ng isang ulat ng balita tungkol sa pagsabog, na puminsala sa maraming mga pag-aari at pumatay sa higit sa 170 katao sa Beirut, na may caption:

“Ito ang masasakit na ganap na dapat ay magsilbing babala at aral sa mga bansang may mataas na threat (banta) ng Terrorismo katulad ng Inangbayan (sic) Pilipinas. Ngayon malinaw na sa ating lahat kung bakit kinailangang higit na maisabatas ang Anti Terrorism Law. Umabot na po sa ganito ang kalupitan ng tao sa kanyang kapwa. Wala ng awa ang mga Terorista sa sibilyan…”

Pinagmulan: Robin Padilla opisyal na account sa Instagram, “Ito ang masasakit na ganap na dapat magsilbing babala at aral sa mga bansang …,” Agosto 5, 2020

Pagkatapos ay iniugnay ng aktor ang isa pang artikulo ng balita na sinipi si United States President Donald Trump, na sumalungat sa kanyang sariling defense officials sa pahayag na ang pagsabog ay tila isang “kakila-kilabot na pag-atake.”

Dagdag ni Padilla sa seksyon ng komento:

“[L]ibo libong toneladang fertilizer (pataba) ang nakalagak at hindi po ito Basta na lang sasabog sigurado po may nag ignite (sindi) dito para magkaganyan.”

ANG KATOTOHANAN

Hindi pa natitiyak ng Lebanese government kung ano ang tunay na dahilan ng pagsabog ng hindi bababa sa 2,750 tonelada ng ammonium nitrates — isang mukhang kristal na puting chemical compound na ginamit upang gumawa ng mga pataba o bomba — na nakaimbak sa Port ng Beirut.

Isang araw pagkatapos ng pagsabog, na nagresulta sa isang pagyanig na katumbas ng 3.3 magnitude na lindol, bumuo ang gobyerno ng isang administrative investigation committee, na pinangunahan ni Lebanese President Michel Aoun kasama ang piling security at justice officials bilang mga miyembro, upang siyasatin at magsumite ng isang ulat sa insidente sa loob limang araw, Agosto 11.

Inutusan din ng komite na kilalanin ang mga “pabayang” opisyal sa ulat nito na isusumite sa korte upang ang “pinakamataas na antas ng parusa” ang maipapataw laban sa mga mapatunayan na responsible (sa pagsabog). Hindi bababa sa 16 na opisyal, kabilang ang mga opisyal ng customs, ang ipinasailalim sa house arrest mula noon.

Sa pagpapatuloy pa rin ng pagsisiyasat, sinabi ni Aoun, noong Agosto 16, ang mga bagay na may kaugnayan sa pagsabog “ay napaka-magkakaugnay at nangangailangan ng kaunting panahon” para imbestigahan. Bago ito, noong Agosto 11, pinirmahan niya ang isang kautusan na nagsasangguni sa “krime ng pambobomba ” sa Supreme Judicial Council ng bansa.

Sinisi ng mga opisyal ng Lebanon ang pamatay na pagsabog sa nakumpiskang ammonium nitrates na sumabog nang magkasunog sa bodega ng daungan ng Beirut kung saan naka-imbak ang stockpile ng kemikal. Itinago ito sa port sa loob ng anim na taon pagkatapos na dumaong sa Beirut ang isang Moldovan-flagged cargo vessel noong 2013, ngunit naharang bago pinabayaan ng mga tripulante nito ang barko, ayon sa iniulat ng CNN, The New York Times, at Reuters.

Pinalutang ni Aoun, isang dating Lebanese army general, ang posibilidad na may “panlabas na panghihimasok sa pamamagitan ng isang missile o bomba” sa pagsabog at sinabi niyang “personal” siyang humingi sa France (at hihingi sa ibang mga bansa, kung kinakailangan) ng aerial photos para matukoy kung mayroong mga aircraft o missile sa loob ng kanilang airspace sa oras ng insidente. Gayunman, siya ay tumanggi sa mga panawagan para sa isang internasyonal na pagsisiyasat, sinabing ito ay isang “pag-aaksaya ng oras.”

Umabot sa 170 ang namatay sa pagsabog, kabilang ang apat na mga Pilipino; nasugatan ang higit sa 6,000; at hindi bababa sa 300,000 mga tao ang nawalan ng tirahan. Ang paunang pagtatantya ng mga nawala dahil sa pagsabog ay higit sa $ 15 bilyon, ayon kay Aoun.

Ang nangyaring pagsabog ay humantong sa pagbibitiw ng pitong-buwang pamahalaan ng Lebanon na pinamumunuan ni Prime Minister Hassan Diab at ng kanyang mga ministro. Ang gobyerno ni Diab ay nagsisilbing tagapag-alaga hanggang sa mabuo ang isang bagong gabinete.

Sa Pilipinas, hindi bababa sa 27 mga petisyon ang inihain sa Korte Suprema laban sa Anti-Terrorism Act of 2020, na pinirmahan ni Duterte noong Hunyo 5. Kinuwestiyon ng mga petitioner, na nagmula sa iba’t ibang sektor, ang umano’y hindi malinaw at labag sa konstitusyon na mga probisyon ng batas, tulad ng pagpapahintulot sa isang anti-terrorism council na ideklara ang isang tao bilang isang terorista na walang utos ng korte at pagpapahaba ng detensyon nang walang isinasampang kaso mula sa tatlo hanggang 24 araw. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Roque na ‘hindi hiningi’ ni Duterte ang anti-terror bill nangangailangan ng konteksto; mali sa pagsasabi na naipasa ng Senado ang panukalang batas sa nakaraang Kongreso; VERA FILES FACT SHEET: Mga kailangan mong malaman tungkol sa panukalang anti-terrorism bill ng Senado)

Tala ng editor: Ang VERA Files ay isa sa mga petitioner laban sa Anti-Terrorism Act ng 2020.

 

Mga Pinagmulan

Lebanon Ministry of Information, The pattern, method, and approach of the investigation and the steps taken in the port explosion, Aug. 10, 2020

National Public Radio, A Massive Explosion Rocks Lebanon’s Capital, Beirut, Aug. 4, 2020

Robin Padilla official Instagram account, “Ito ang masasakit na ganap na dapat ay magsilbing babala at aral sa mga bansang…,” Aug. 5, 2020

Business Insider, Trump says Beirut explosion ‘looks like a terrible attack,’ contradicting Lebanese officials who implied it was likely an accident, Aug. 5, 2020

US Defense contradicted Trump

Ammonium nitrates

United States Geological Survey, M 3.3 Explosion – 1 km ENE of Beirut, Lebanon, Aug. 4, 2020

Lebanese President official website, Cabinet Statement: 5/8/2020 – Presidency of the Republic of Lebanon, Aug. 8, 2020

Lebanese officials arrested

Lebanese President official website, The President of the Republic, in an interview with BFMTV, Aug. 16, 2020

Lebanese president official website, President Aoun signed the decree referring the explosion crime to the Judicial Council., Aug. 11, 2020

Lebanese officials blame ammonium nitrates

Ship carrying the ammonium nitrates

Lebanese Presidency official website, President Aoun in a chat with reporters, Aug, 7, 2020

Human Rights Watch, Lebanon: Set Impartial, Expert Probe of Beirut Blast, Aug. 6, 2020

Global News, Lebanese have little hope investigation into explosion will bring answers, Aug. 14, 2020

The National, Beirut blast survivors and relatives of victims call for international investigation, Aug. 14, 2020

Lebanese President Official website, Information Office in the Presidency of the Republic…, Aug. 9, 2020

Casualties in Beirut

Lebanon Ministry of Information, Diab announced the resignation of the government, Aug. 10, 2020

Lebanese President official website, President Aoun continued to activate the work of ministries and departments which are in contact with citizens. – Presidency of the Republic of Lebanon

Al Jazeera, Lebanon president accepts gov’t resignation after Beirut blast, Aug. 10, 2020

France 24, Lebanese PM announces government’s resignation over Beirut blast, Aug. 10, 2020

New York Times, After the Beirut Blast, Lebanon’s Whole Cabinet Quit. Now What?, Aug. 11, 2020

Official Gazette, Republic Act No. 11479, June 5, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flop, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.