VERA FILES FACT CHECK: Marcos bumaligtad sa isyu ng Philippine membership sa ICC
Bumoto si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ng pabor sa pagpasok ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) noong siya ay senador noong 2011. Bilang head of state ngayon, idineklara niya noong Ago 1 na hindi na muling sasali ang bansa sa korte na nakabase sa The Netherlands matapos mag-withdraw noong 2018.