VERA FILES FACT CHECK: Duterte nag-flip-flop muli sa Charter change
Suportado na raw ni dating pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan ang 1987 Constitution basta hindi makikinabang ang mga kasalukuyang opisyal at ang susunod dito. Noong Enero, sinabi ni Duterte na "in perfect condition" ang Saligang Batas at wala siyang nakikitang dahilan para baguhin ito.