VERA FILES FACT SHEET: Mga numerong gamit sa pagsukat ng tagumpay ng tugon ng gobyerno sa COVID-19 ipinaliwanag
Maraming bagay at kuwento ang nasa likod ng sinasabing “flattening the curve” kaugnay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang mga bilis ng pagkamit ng tagumpay sa isang pandemic ay kinabibilangan ng mga teknikal na salita tulad ng mortality at case fatality, recovery, case doubling time, positivity, at critical care utilization. Ano ang ibig sabihin ng mga ito at paano nakakasabay ang Pilipinas sa mga ito?