Maraming bagay at kuwento ang nasa likod ng sinasabing “flattening the curve” kaugnay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang mga bilis ng pagkamit ng tagumpay sa isang pandemic ay kinabibilangan ng mga teknikal na salita tulad ng mortality at case fatality, recovery, case doubling time, positivity, at critical care utilization. Ano ang ibig sabihin ng mga ito at paano nakakasabay ang Pilipinas sa mga ito?
Ang pinakabagong datos mula sa Department of Health (DOH) ay nagpapakita na ang case fatality rate ng bansa na 1.68 porsyento hanggang Agosto 10 ay mas mahusay kaysa sa 3.70 porsyento na pandaigdigang average. Ang positivity rate na 10 porsyento ay doble ng limang porsyento na global benchmark.
Samantala, ang pagdami ng mga kaso ay bahagyang bumaba mula sa 1.04 na mga tao na nahawahan sa average na 1.31 hanggang noong Agosto 11, habang ang case doubling time ay halos dumodoble bawat siyam na araw.
Sa ilang mga press briefing, ipinagmalaki ng Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga istatistika na ito ay sumasalamin sa epektibong tugon ng gobyerno sa krisis sa kalusugan. Sinabi ni Roque na ang mga estratehiya sa quarantine ng gobyerno tulad ng paglalagay ng buong Luzon sa ilalim ng enhanced community quarantine(ECQ) mula Marso 17 hanggang Abril 30, at pinalawak hanggang Mayo 31 sa mga napiling lugar, ay “inihanda” ang kakayahan sa pangangalaga sa kalusugan ng bansa bago niluwagan ang mga paghihigpit para sa ekonomiya.
Kung ikukumpara ang inaasahan at ang realidad, ang lumalang bilang ng mga kaso ng COVID-19 ang nagtulak sa medical community na pakiusapan si Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 1 na ibalik ang ECQ sa loob ng 15 araw sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lalawigan. Pinagbigyan ni Duterte ang distress call ng mga frontliner, ngunit sa pamamagitan lamang ng modified ECQ sa NCR, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan bilang isang compromise sa business community.
Mahigit sa 80 mga medical institution na pinangungunahan ng Philippine College of Physicians (PCP) ang humiling ng ECQ bilang isang “time out” para sa “labis na nahihirapang” healthcare system. Sinabi ng mga grupo na ang mga COVID-19 ward sa ospital ay punung-puno na matapos na libu-libong mga nahawaang pasyente ang nagpuntahan sa kanilang mga pasilidad at ang mga health workforce ay “nasunog na,” na may ilang mga nahawa sa virus.
Hinala ng mga grupo ang kabiguan ng testing, kasama ang ilang mga lokal na pamahalaan na gumagamit ng rapid testing kits sa halip na iyong “gold standard” reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR), at ang hindi sapat na isolation measures ng gobyerno ang nag-ambag sa pagdami ng mga bagong kaso.
Sinabi ng health workers na ang ECQ ay maaaring maging isang pagkakataon upang matugunan ang pitong “kagyat na mga problema” na kanilang tinukoy sa tugon ng gobyerno sa COVID-19. Ang mga problemang ito ay kinabibilangan ng mga siksikang ospital, kulang na kulang na health workforce, naantalang pamamahagi ng tulong ng gobyerno at hindi pagsunod ng publiko sa mga health protocol.
Ngunit ang ilan sa mga alalahanin na kanilang binanggit ay kabilang sa mga pangako ng gobyerno mula pa noong mga unang yugto ng pagpapataw ng quarantine measures noong Marso. Nagtalaga pa si Duterte ang mga czar noong Hulyo upang pangunahan ang mga diskarte sa testing, tracing, treatment, at isolation strategies ng gobyerno.
Sa kabila ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19, sinabi ni Roque na ang publiko ay hindi dapat “mabigla” at inulit niya na ang estratehiya ng gobyerno laban sa pandemic ay “epektibo” bunga ng pinaigting na testing, contact tracing, at isolation capacities. Nauna nang sinabi ni Roque na ang tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay hindi “nakakatakot” ngunit isang bagay na “dapat ikabahala nating lahat.”
Narito ang isang listahan ng mga istatistika na karaniwang binanggit sa tugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito:
1. Mortality at case fatality rates
Mayroong dalawang pamamaraan na ginagamit sa pagsukat ng pagkamatay na may kaugnayan sa COVID-19:
- case fatality rate (CFR), na hinahati ang bilang ng mga namatay sa bilang ng mga kumpirmadong kaso, pagkatapos ay minu-multiply ng 100; at,
- mortality rate, na karaniwang kinakalkula bawat 1,000 o 100,000 populasyon para sa isang tiyak na panahon.
Ang CFR ay nag-iiba dahil nagbabago ito sa konteksto, depende sa mga kadahilanan tulad ng lokasyon at katangian ng mga nahawaang populasyon, tulad ng edad at kasarian, ayon sa Our World in Data, isang research group na nakabase sa University of Oxford sa United Kingdom .
Tinukoy ng Johns Hopkins Coronavirus Research Center ang testing bilang isang kadahilanan na nakakaapekto sa dami ng namamatay, sinabing, “sa mas maraming testing, mas maraming mga taong may mas banayad na mga kaso ang nakikilala.” Pagkatapos, ibinababa nito ang CFR, sinabi nito.
Binanggit ang mga kaparehong alalahanin, sinabi ng health expert na si Nemuel Fajutagana ng nonprofit Medical Action Group sa VERA Files sa isang naunang pakikipanayam na ang CFR pa rin ang “pinaka-angkop” na panukat sa ngayon. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte’s remark that PH has low mortality rate needs context)
Gayunpaman, mas gusto ng ilang mga epidemiologist ang salitang case fatality “ratio” sa halip na case fatality “rate,” na sinasabing mas tumpak, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Sinabi ng World Health Organization (WHO) na tinangka ng ilang mga “may-akda” na iwasto ang gamit ng salitang “rate” sa CFR na nagsasaad ng “time component” na talagang wala naman rito.
Sinabi ng WHO na “totoong tindi” ng isang sakit, tulad ng COVID-19, ay maaaring ilarawan ng Infection Fatality Ratio (IFR), na “tinatantya (ang) proporsyon ng pagkamatay sa lahat ng mga nahawaang indibidwal.”
Ipinakikita ng datos ng Agosto 10 na ang case fatality rate sa bansa ay nasa 1.68 porsyento, mababa ng isang gatla sa WHO global rate na 3.70 porsyento noong Agosto 8. Sa isang case bulletin noong Agosto 10, sinabi ng DOH na ang pinakabagong global CFR ay 3.62 porsyento, ngunit hindi nito binanggit saan nagmula ang pagbabago.
Si Roque ay nagkamali nang pagpalitin ang mortality rate at CFR nang hindi bababa sa dalawang okasyon noong Hulyo lamang.
Ang datos ng DOH ay nagpapahiwatig ng isang rise and fall trend sa pang-araw-araw na bilang ng pagkamatay mula noong huli ng Marso. Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong Marso 19, iniulat ng departamento ang zero fatality noong Hulyo 9. Ito ay, gayunpaman, sinundan ng isang biglaang pag-spike ng 42 na pagkamatay na naitala nang sumunod na araw. Noong Agosto 11, 19 na mga pagkamatay ang naiulat, na umabot sa kabuuang 2,312.
2. Recovery rate
Ang case recovery rate ay ang proporsyon ng mga nakarekober na pasyente kumpara sa kabuuang bilang ng mga kaso na natukoy mula nang magsimula ang outbreak.
Noong Hulyo 30, naitala ng DOH ang mataas na rekord na bilang ng mga naka-rekober ng bansa na 38,075 sa isang araw, na umabot sa kabuuang 65,064, mula 26,996 nang nakaraang araw. Hanggang Agosto 11, ang recovery rate ng bansa ay nasa 49.04 porsyento, kasunod ng recovery na 68,432 na mga pasyente sa 139,598 kabuuang kaso.
Ang mga bilang ng DOH ay hindi nagtutugma dahil sa mga pagwawasto sa “mga nadobleng kaso” sa mga nakaraang araw.
Sa isang press statement, ipinaliwanag ng DOH na ang malaking paglundag sa bilang ng mga naka-rekober na mga pasyente ay bunga ng data reconciliation sa mga lokal na yunit ng gobyerno sa pamamagitan ng Oplan Recovery. Sinabi nito na “ang mga pasyente na may banayad o walang mga sintomas ay binibilang bilang naka-rekober 14 na araw mula sa araw ng pagsisimula ng mga sintomas o sa pamamagitan ng petsa ng pagkolekta ng specimen,” kahit na walang mga test sa magpapatunay na sila ay negatibo na sa coronavirus.
3. Case doubling time
Habang tumatagal ang panahon ng pagdami ng bilang ng mga kaso, mas may pagkakataon ang mga opisyal na pigilan at pabagalin ang pagkalat ng COVID-19. Ang datos ng DOH, hanggang Agosto 10, ay nagpapakita na aabot ng 9.26 araw bago madoble ang kabuuang bilang ng mga positibong kaso sa bansa.
Sa kabilang banda, ang time-varying reproduction number ay isang “lagging indicator,” ayon sa DOH. Sinusukat ito sa simula ng paglabas ng sintomas at hindi isinasaalang-alang ang 14-16 araw “sa pagitan ng mga sintomas, health-seeking, testing, at reporting.” Ang pinakabagong datos mula sa DOH ay nagpapakita ng reproduction number na 1.31 hanggang Agosto 11, na nangangahulugang ang isang nahawaang tao ay maaaring nakapanghawa ng isa o dalawa pang tao sa nakaraang dalawang linggo.
Sinabi ng DOH na ang layunin ay upang maging mas mababa sa sang porsyento ang reproduction number, na nangangahulugang ang isang COVID-positive na tao ay nakakahawa ng mas mababa sa isang tao sa pangkalahatan. Ipinapahiwatig nito ang simula ng epektibong pagkontrol sa pagkalat ng sakit, ayon sa LEADS for Health Security and Resilience Consortium na pinamumunuan ng Philippine Society of Public Health Physicians (PSPHP).
Ang DOH ay nag-uulat ng higit sa isang libong mga bagong kaso araw-araw mula noong huling mga araw ng Hulyo. Ang mataas na rekord na bilang ng mga bagong kaso sa isang araw ay noong Agosto 10 na may 6,958 na kumpirmadong impeksyon.
Noong Agosto 7, ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia pati na rin sa mga WHO Western Pacific Region member state, kabilang ang China – ang pinagmulan ng COVID-19. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Roque mali sa COVID-19 data, pati WHO regional grouping)
4. Positivity rate
Ang positivity rate ay ang percentage ng mga taong lumabas na positibo sa COVID-19 sa testing kumpara sa kabuuang mga test na isinagawa.
Mula noong Hulyo 3, inuna ng gobyerno ang testing para sa mga may sintomas at asymptomatic mula sa mga piling sektor, kabilang ang mga health frontliners, media, at mga manggagawa sa gobyerno. Noong Hulyo 30, sinabi ni testing czar Vivencio Dizon na naisakatuparan ang 30,000 target tests sa bawat araw ng Hulyo at nalampasan na may 33,000 mga test na naitala noong Hulyo 25. Ngunit ipinakita ng datos mula sa DOH na ang pang-araw-araw na indibidwal na mga test sa mga sumunod na araw ay bumaba sa pagitan ng 24,000 at 32,000 hanggang Agosto 8 bago ito bumagsak sa 18,126 noong Agosto 9.
Pinayuhan ng WHO ang mga pamahalaan na panatilihin ang kanilang positivity rate sa limang porsyento o mas mababa nang hindi bababa sa 14 araw bago luwagan ang mga paghihigpit sa quarantine. Ang pinakabagong data mula sa health department ay nagpapakita ng positivity rate ng bansa mula sa 8.90 porsyento noong Hulyo 27 hanggang 10 porsyento noong Agosto 10.
Hanggang Agosto 11, 99 na testing laboratories sa buong bansa ang nakapagsagawa ng test sa 1.70 milyong indibidwal at 2.97 milyong testing kits ang puwede pang magagamit, ayon sa datos ng DOH.
5. Critical care utilization
Noong Agosto 10, 809 mula sa 1,926 na dedicated facilities para sa COVID-19 ay nasa ligtas pa rin na antas. Ang mga natitirang pasilidad ay nasa warning (217) at danger (263) na antas. Kapag sinuma, ang kabuuan ay hindi nagtutugma. Nilinaw ng DOH na “ang mga pasilidad na walang alinmang dedicated COVID beds (sa nakaraang araw) o walang ICU beds, tulad ng mga infirmary” ay hindi kasama sa status tracker nito para sa mga pasilidad na nakatutok sa COVID.
Samantala, ang mga mechanical ventilator na kasalukuyang ginagamit ay 632 sa 2,088 na mga yunit, habang ang kabuuang bed occupancy ay nasa 50.09 porsyento, o 8,652 sa 17,270 kama.
Inihayag ni Roque sa isang pampublikong adress ng pangulo noong Hulyo 31 na ang mga kama na para sa may COVID sa mga ospital ng gobyerno ay kailangang dagdagan mula 30 hanggang 50 porsyento at, sa mga pribadong ospital, mula 20 hanggang 30 porsyento, dahil ang bilang ng mga kaso ay lumampas na sa 93,000 mula nang luwagan ni Duterte mga quarantine sa komunidad at muling binuksan ang ekonomiya.
Ang anunsyo ni Roque ay isinagawa dalawang araw matapos ideklara ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Hulyo 28 na ang pambansang occupancy rate ng lahat ng COVID-19 beds ay umabot na sa warning level 52.3 porsyento. Ngunit niliwanag noong Hulyo 30 ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega, ang itinalagang chief treatment czar, na ang mga ospital sa “danger zone” ay iyong mga hindi pa nakakumpleto ng kinakailangang 30 porsyentong kama para sa mga pasyente ng COVID-19, sinabing ang pangkalahatang alokasyon ay nasa 16 porsyento lamang.
Noong unang bahagi ng Hulyo, ipinagmalaki ni Roque na ang Luzon-wide ECQ ay ginawa upang palakasin ang kakayahan ng health care system ng bansa sa paggamot sa kritikal at malubhang mga pasyente ng COVID-19, na humigit kumulang sa 0.6 porsyento ng mga kaso sa oras na iyon, nang muling mabuksan ang ekonomiya.
Noong Agosto 11, ang mga malubha at kritikal na mga pasyente ay tig 0.60 porsyento ng 68,794 na aktibong kaso mula sa 139,538 na kabuuang kumpirmadong impeksyon. Ang iba pang mga kaso ay asymptomatics (7.20 porsyento) at mild (91.60 porsyento).
Ang mga lungsod at probinsiya na may mataas na bilang ng mga kaso hanggang Agosto 11 ay Quezon City (12,819), Manila City (9,289), Cebu City (9,142) at Laguna (6,000).
Mga Pinagmulan
Department of Health, DOH: PHILIPPINES LEADS IN TESTING IN SOUTHEAST ASIA; INCREASING CASES ATTRIBUTED TO INCREASED TESTING AND COMMUNITY TRANSMISSION, Aug. 6,2020
World Health Organization, COVID-19 situation updates for week 32 (2 – 8 August 2020), Accessed Aug. 9, 2020
Department of Health, Philippine Situationer #104, Aug. 9, 2020
Department of Health, Philippine Situationer #105, Aug. 10, 2020
Department of Health, Case Bulletin #149, Aug. 10, 2020
Department of Health, Case Bulletin #135 , July 27, 2020
Department of Health, Case Bulletin #148, Aug., 9, 2020
Department of Health, Philippine Situationer #106, Aug. 11, 2020
Department of Health, Case Bulletin #150, Aug. 11, 2020
Presidential Communications Operations Office, Palace affirms gov’t recovery plan on COVID-19, July 28, 2020
RTVMalacanang, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 7/7/2020, July 7, 2020
Presidential Communications Operations Office, NCR is now MECQ; 20M face masks for the poor – Presidential Communications Operations Office, Aug. 2, 2020
Philippine College of Physicians, More than 80 medical societies are supporting the frontliners’ call for a timeout., Aug. 1, 2020
Phiippine College of Physicians, Joint Statement, Aug. 1, 2020
Official Gazette, Memorandum Order from the Executive Secretary, March 16, 2020
Official Gazette, Executive Order No. 112, April 12, 2020
Presidential Communications Operations Office, Palace releases MECQ details, May 13,2020
Presidential Communications Operations Office, Gov’t assigns PH anti-COVID czars, July 13, 2020
Department of Health, COVID-19 Philippine Situationer #102, Aug. 7, 2020
Rappler.com, Harry Roque virtual press briefing | Tuesday, August 4, Aug. 4, 2020
CNN Philippines, The Source: Harry Roque (07.22.20), July 22, 2020
World Health Organization, Estimating mortality from COVID-19, Aug. 4, 2020
Email correspondence, Interview with University of the Philippines Statistics Prof. Peter Cayton,
Center for Disease Control and Prevention, Principles of Epidemiology in Public Health Practice, Third Edition An Introduction to Applied Epidemiology and Biostatistics Section 3: Mortality Frequency Measures, Accessed Aug. 7, 2020
News Literacy Project, Understanding COVID-19 data: Case fatality rate vs. mortality rate vs. risk of dying, April 14, 2020
Department of Health, DOH UPDATES DATA PRESENTATION, HIGHLIGHTS THREE KEY INDICATORS OF IMPROVING SITUATION, May 30, 2020
Our World in Data, What do we know about the risk of dying from COVID-19?, March 25, 2020
Johns Hopkins Coronavirus Resource Center, Mortality Analyses, Accessed Aug, 7, 2020
LEADS for Health Security and Resilience Consortium, LEADS: Leading Evidence-based Actions through Data Science for Health Security and Resilience, Accessed Aug, 7, 2020
RTVMalacanang, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 7/7/2020, July 7, 2020
RTVMalacanang, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 7/9/2020, July 9, 2020
Department of Health, DOH COVID-19 Bulletin #117 , July 9, 2020
Department of Health, DOH COVID-19 Bulletin #118 , July 10, 2020
Department of Health, DOH COVID-19 Case Bulletin #146 , Aug. 7, 2020
Endcov.ph, Statistics, Accessed Aug. 7, 2020
Department of Health, COVID-19 tracker, Accessed Aug. 12, 2020
Department of Health, DOH tags 38K Recoveries from Oplan Recovery, July 30, 2020
Department of Health, Case Bulletin #137, July 29, 2020
Department of Health,TIGNAN…Paano nga ba madedeklarang “recovered” ang isang pasyenteng…, July 31, 2020
Department of Health, Philippine Situationer #98, Aug. 3, 2020
Department of Health, Case Bulletin #143, Aug. 4, 2020
Association of Southeast Asian Nations, ASEAN BioDiaspora Virtual Center, Aug. 7, 2020
World health Organization, WPRO COVID-19 DashboaRd, Accessed Aug. 7, 2020
Department of Health, ECQ Buys PH Time; Continued Practice of Healthy Behavior Needed to Sustain Gains, May 7, 2020
Presidential Communications Operations Office, IATF approves NTF’s new action plan, expanded testing strategy, July 3, 2020
Presidential Communications Operations Office, Palace reports decline in COVID-19 reproduction number, July 3, 2020
World Health Organization, , Public health criteria to adjust public health and social measures in the context of COVID-19, May 21, 2020
RTVMalacanang, WATCH: Palace virtual presser with Presidential Spokesperson Harry Roque | July 30, 2020, July 30, 2020
PTV, WATCH: DOH Presscon | July 28, 2020, July 28, 2020
RTVMalacanang, WATCH: President Rodrigo Roa #Duterte Public Address, July 7, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)