Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: FB post mali ang sinabi na COVID-19 ang unang pandemic ng isang siglo; ‘record-shattering’ bilang ng nakarekober sa COVID-19 sa isang araw nangangailangan ng konteksto

Mali ang pahayag ng nagpapakilalang political operator at strategist na si Franco Mabanta, isang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at natalong kandidato sa pagka-bise presidente na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na ang coronavirus disease na 2019 (COVID-19) ang unang pandemic “sa isang siglo.”

By VERA Files

Nov 17, 2020

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang pahayag ng nagpapakilalang political operator at strategist na si Franco Mabanta, isang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at natalong kandidato sa pagka-bise presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ang coronavirus disease na 2019 (COVID-19) ang unang pandemic “sa isang siglo.”

Nangangailangan naman ng konteksto ang isa pa niyang pahayag na ang inulat na 17,727 na nakarekober sa COVID-19 sa bansa noong Nob. 1 ay “record-shattering.”

ANG KATOTOHANAN

Sa isang Facebook post noong Nob. 2, sinabi ni Mabanta, dating social media strategist ni Marcos, na:

22 hours ago, the Philippines was smashed by one of the strongest recorded typhoons in history, compounded by the economic and social stress of the first global (sic) pandemic (COVID-19) in a century.

(22 oras na ang nakalilipas, ang Pilipinas ay hinambalos ng isa sa pinakamalakas na naitalang bagyo sa kasaysayan, na dinagdagan ng pang-ekonomiya at panlipunang stress ng unang pandaigdigang (sic) pandemic (COVID-19) sa isang siglo.)”

Idinagdag niya:

Yet here we are facing a national record-shattering total of 17,727 new Covid recoveries reported on Sunday ALONE. (We usually take in about 400 to 600 recoveries a day.)

(Ngunit narito tayo nakaharap sa isang pambansang makasirang-rekord na kabuuang 17,727 na bagong mga nakarekober sa Covid na iniulat noong Linggo LAMANG. (Karaniwand halos 400 hanggang 600 ang nakakarekober sa isang araw.))”

Pinagmulan: Franco Mabanta official Facebook account, Rise and shine!! It’s a beautiful, ultra-sunny Monday morning in Manila, Nob. 2, 2020 (Archive na kopya)

Ang kanyang post ay nai-share nang hindi bababa sa 222 beses, na may 110 comments at higit sa 3,500 likes at reactions, hanggang Nob. 16.

ANG KATOTOHANAN

Una, mali si Mabanta sa pagsabi na ang COVID-19 ang unang pandemic sa isang siglo (100 taon).

Mula noong 1918 “Spanish flu,” hindi bababa sa limang pandemic ang nangyari, na nakahawa sa milyun-milyong tao sa buong mundo. Kabilang dito ang H2N2 virus (na kalaunan ay kinilala bilang “Asian Flu”) noong 1957-1958, ang H3N2 virus noong 1968, at ang influenza A (H1N1) na pandemic noong 2009-2010.

Nakikipaglaban pa rin ang mundo sa cholera, itinuring na “pinakamatagal na patuloy” na pandemic mula pa noong 1961, at ang human immunodeficiency virus (HIV) mula nang ang mga unang kaso ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) ay iniulat noong 1981. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte mali sa COVID-19 response timeline, kasaysayan ng pandemic)

Ang pinakahuli ay ang COVID-19, na idineklara ng World Health Organization (WHO) bilang isang pandemic noong Marso.

Tinukoy ng WHO ang pandemic bilang “pandaigdigang pagkalat ng isang bagong sakit.

Pangalawa, ang pahayag ni Mabanta na “national record-shattering” ang iniulat na 17,727 bagong mga nakarekober sa COVID-19 noong Nob. 1 lamang ay kulang sa konteksto.

Ang malaking bilang ng mga nakarekober na iniulat noong Nob. 1, Linggo, ay nagmula sa isang linggong proseso ng pagsasaayos ng datos na ginamit ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng Oplan Recovery. Ang reconciled data sa ilalim ng Oplan Recovery, na inilalabas tuwing Linggo mula noong Hulyo, ay nagresulta sa isang malaking bilang ng mga bagong nakarekober.

Ang pinakamataas na bilang ng mga nakarekober na iniulat ng DOH ay 40,397 noong Agosto 16, na binubuo ng 39,843 na time-based recoveries. Ngunit sa isang pagsusuri sa COVID-19 Tracker ng DOH nakita na ang higit sa 40,000 mga nakarekober noong Agosto 16 ay nabawasan at naging 4,184, mula noong Nob. 16, dahil sa pagwawasto ng datos bunga ng naantalang pag-uulat o hindi kumpletong pagsumite ng datos.

Ayon sa datos na ibinigay ng DOH hanggang Nob.10, hindi bababa sa 417 sa 34,315 na mga kaso ang nakumpirma na nakarekober noong Agosto 16. Ang natitirang 33,898 na mga entry, na may hindi natukoy na mga petsa ng recovery ngunit inihayag noong Agosto 16, ay idinagdag sa petsa.

Samantala, isa pang 703 na mga entry na binubuo ng 236 na napatunayang bilang ng pagkamatay, 120 na reclassified bilang mga active (critical) na mga kaso, at 347 na tinanggal dahil duplicate o na-deactivate ang naalis sa recovery data para sa Agosto 16.

Sa isang tugon sa VERA Files noong Nob. 14, ipinaliwanag ng DOH na “… ang mga pagbabago sa outcome ay maaaring sanhi ng pagkaantala sa pag-update ng status ng kaso o hindi kumpletong pagsumite ng datos sa aming information systems.”

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire na ang Oplan Recovery ay isang inisyatiba na kinabibilangan ng “collection, validation at reconciliation” ng datos ng mga pasyente ng COVID-19 sa pagitan ng DOH at mga local government unit. Ito ay “activated upang subaybayan ang mga katayuan ng kumpirmadong mga kaso ng COVID-19, partikular ang pagkamatay at recoveries upang matiyak na ang aming datos ay updated at tumpak,” ayon sa DOH.

DOH process reconciling data of COVID-19 time-based recoveries under Oplan Recovery

Ang
isang linggong proseso na sinusundan ng DOH sa pagsasaayos ng data ng
COVID-19 na time-based recoveries sa ilalim ng Oplan Recovery. Photo
courtesy: Department of Health

Sa ilalim ng Oplan Recovery, ang DOH ay gumagamit ng time-based at symptom-based strategy bilang batayan para sa pag release ng mga mild at asymptomatic na mga pasyente na nakakumpleto ang 14 na araw ng quarantine nang hindi nagpapakita ng anumang mga sintomas at pagkakaroon ng kumpirmadong testing upang masuri kung mayroon pa silang mga viable na coronavirus sa kanilang katawan. Ang mga pasyente na iyon ay tina-tag bilang “time-based recoveries” sa COVIDKaya platform ng DOH pagkatapos ng validation ng datos.

Gayunpaman, ang time-based at symptom-based strategy ay hindi nalalapat sa mga immune-compromised COVID-19 na pasyente o sa mga may underlying conditions tulad ng HIV / AIDS, dahil nangangailangan sila ng mas mahabang panahon ng paggaling at ibang clinical assessment, kabilang ang testing.

Hanggang noong Nob. 16, may 374,366 katao sa bansa ang nakarekober mula sa COVID-19, mula sa 409,574 na nahawahan. Ang bilang ng mga namatay ay umabot sa 7,839.

Ang recovery rate ng Pilipinas, o ang proporsyon ng pinagsamang kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 at mga nakarekober, ay kasalukuyang nasa 91.40%, habang ang case fatality rate ay nasa 1.90% hanggang noong Nob. 16. Ang pinakahuling reproduction number ng COVID-19 ay 0.93, noong Okt. 30, ibig sabihin, ang isang positibong indibidwal ay maaaring makahawa ng average na 0.96 na mga tao.

Ang bilang ng mga nakarekober pati ang recovery rate, bukod sa iba pang mga sukatan, ay mahalaga sa pagsubaybay sa pag-usad ng tugon ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Mga numerong gamit sa pagsukat ng tagumpay ng tugon ng gobyerno sa COVID-19 ipinaliwanag)

 

Mga Pinagmulan

Franco Mabanta official Facebook account, Rise and shine!!, Nov. 2, 2020 (Archived copy)

World Health Organization, Influenza – Past pandemics, Accessed Nov. 4, 2020

World Health Organization, World now at the start of 2009 influenza pandemic, June 11, 2009

World Health Organization, WHO Director-General’s opening remarks at the media briefing on COVID-19 – 11 March 2020, March 11, 2020

World Health Organization, Cholera: The Forgotten Pandemic, Oct. 22, 2018

U.S. Centers for Disease Control and Prevention, The Global HIV/AIDS Pandemic, 2006, Aug. 11, 2006

World Health Organization, What is a pandemic?, Feb. 24, 2010

Department of Health, Case Bulletin #232, Nov. 1, 2020

Department of Health, DOH REPORTS 39K RECOVERIES FROM OPLAN RECOVERY, Aug. 16, 2020

Department of Health, Alamin Aug. 1, 2020

Department of Health, Heads up!, July 30, 2020

Rappler.com, Department of Health updates on coronavirus in the Philippines | Sunday, August 16, Aug. 16, 2020

Department of Health, What is the general process in tagging… – Department of Health (Philippines), Aug. 22, 2020

Department of Health, TIME-BASED AND SYMPTOM-BASED STRATEGY, Aug. 12, 2020;

Department of Health , DOH TAGS 38K RECOVERIES FROM OPLAN RECOVERY, July 30, 2020

Department of Health, DOH ISSUES GUIDELINES ON EXPANDED COVID-19 TESTING, June 11, 2020

Department of Health, Case Bulletin #247, Nov. 16, 2020

LEADS for Health Security and Resilience Consortium, The LEADS for Health Security and Resilience Consortium, Accessed Nov. 5, 2020

Department of Health, DOH NCOV Tracker, Accessed Nov. 10, 2020

Department of Health, COVID-19 Philippine Situation No. 203, Nov. 16, 2020

Department of Health, LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #155… – Department of Health (Philippines), Aug. 16, 2020

Mabanta as Marcos’s social media strategist

Mabanta as political operator and strategist

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.