Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte mali sa COVID-19 response timeline, kasaysayan ng pandemic

Dalawang maling pahayag ang pinakawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagtugon ng gobyerno sa coronavirus disease (COVID-19) at kasaysayan ng mga nakaraang pandemic sa buong mundo.

By VERA Files

Jul 8, 2020

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Dalawang maling pahayag ang pinakawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagtugon ng gobyerno sa coronavirus disease (COVID-19) at kasaysayan ng mga nakaraang pandemic sa buong mundo.

PAHAYAG

Sa isang ginabing briefing sa telebisyon noong Hunyo 30, sinabi ng pangulo:

Nobody but nobody (Wala sinuman, walang tao) dito sa mundong ito was really or were prepared for [COVID-19]. Iyang pandemic (pandemya)[,] it comes about once in a century (ito ay dumadating isang beses sa isang siglo)…[H]indi natin akalain na in two days’ time after the warning was given by the WHO (sa loob ng dalawang araw pagkatapos ng babala na ibinigay ng WHO ) na it is a virulent, fast-moving microbe and we were — we were all advised to take precautions (ito ay isang nakamamatay, mabilis na kumalat na mikrobiyo at kami — lahat tayo ay pinapayuhan na mag-ingat).”

Dagdag pa ni Duterte:

Me, here, I immediately convened the IATF. Right there and then we organized ourselves into a body, a working body, to deal with the problem (Ako, narito, agad kong itinipon ang IATF. Dito agad na inayos namin ang grupo, nagtatrabahong grupo, upang harapin ang problema). Walang — wala tayong preparation (paghahanda) na ganito.”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Hunyo 30, 2020, panoorin mula 2:03 hanggang 3:37

ANG KATOTOHANAN

Ang mga pandemic ay hindi minsan lamang nangyayari sa bawat siglo.

Bagamat ang Spanish flu outbreak, na tinukoy ni Duterte at iba pang mga opisyal sa mga nakaraang talumpati, ay nangyari noong 1918 — higit sa 100 taon bago ang pagsisimula ng COVID-19 — nagkaroon na ng hindi bababa sa limang pandemic sa pagitan.

Noong 1957, lumitaw ang H2N2 virus sa East Asia na pinagsimulan ng isang pandemic (na kalaunan ay kilala bilang “Asian flu”), na naging dahilan ng tinatayang 1.1 milyong pagkamatay sa buong mundo. Noong 1968, ang H3N2 virus, na unang nakita sa United States, ay pumatay ng tinatayang 1 milyon. Pagkatapos, “pagkatapos ng naunang pagkalat sa North America” noong 2009, ang H1N1pdm09 virus o “swine flu” ay pumatay ng mga 151,700 hanggang 575,400 katao sa buong mundo sa unang taon ng sirkulasyon.

Ang Spanish flu pandemic, na kilala rin bilang 1918 influenza, ay nakaapekto ng halos 500 milyong katao at may tinatayang halos 40 milyon ang namatay. (See VERA FILES FACT CHECK: Cimatu mali sa pagsabing isang American Commonwealth ang PH noong 1918 Spanish flu pandemic; VERA FILES FACT CHECK: Mali si Duterte; Spanish flu hindi nauna sa WWI)

Ang mundo ay patuloy na nakikipaglaban sa cholera, ang “pinakamatagal” na pandemic mula pa noong 1961, at human immunodeficiency virus (HIV) mula nang ang mga unang kaso ng immunodeficiency syndrome (AIDS) ay iniulat noong 1981.

Ang pandemic ay ang “pagkalat ng isang bagong sakit sa buong mundo,” ayon sa World Health Organization (WHO).

Noong Mayo 26, 2014, inisyu ni Pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order No. 168, na nagtatag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ang inter-sectoral body ay ipinag-utos na:

“…establish preparedness and ensure efficient government response to assess, monitor, contain, control, and prevent the spread of any potential epidemic in the Philippines (itaguyod ang pagiging handa at tiyakin ang mahusay na pagtugon ng pamahalaan upang masuri, subaybayan, pigilin, kontrolin, at maiwasan ang pagkalat ng anumang potensyal na epidemic sa Pilipinas).”

Ang epidemic ay tumutukoy sa isang “pagtaas, kadalasan biglaan, sa bilang ng mga kaso ng isang sakit sa karaniwang inaasahan sa populasyon sa lugar na iyon,” ayon sa U.S. Centers for Disease Control.

Hindi lamang si Duterte ang opisyal na nagbitaw ng maling pahayag na ang pandemic ay minsan lamang nangyayari sa bawat siglo. Noong Abril 22, si acting Secretary Karl Kendrick Chua ng National Economic and Development Authority ay nagkamali rin sa pagsabing ang pandemic, tulad ng COVID-19, ay “isang beses na problema sa isang siglo.

Ang pahayag ni Duterte na kaagad niyang tinipon ang IATF-EID dalawang araw matapos lumabas ang babala ng WHO ay hindi rin tama.

WHO first warned the public of the novel coronavirus (eventually officially labeled as SARS-CoV-2) on Jan. 4. In a tweet, WHO then said:

Unang nagbabala ang WHO sa publiko tungkol sa novel coronavirus (kalaunan ay opisyal na tinawag na SARS-CoV-2) noong Enero 4. Sa isang tweet, sinabi ng WHO noon:

#China has reported to WHO a cluster of #pneumonia cases —with no deaths— in Wuhan, Hubei Province. Investigations are underway to identify the cause of this illness.

(Iniulat ng #China sa WHO ang isang kumpol ng mga kaso ng #pneumonia — walang pagkamatay — sa Wuhan, Hubei Province. Nagsasagawa ng mga pagsisiyasat upang matukoy ang sanhi ng sakit na ito.)”

Kinabukasan, ang WHO ay naglabas ng unang disease outbreak news report. Sa oras na iyon, sinabi ng ahensya na mayroon pa ring “limitadong impormasyon upang matukoy ang pangkalahatang peligro” ng pagsiklab sa Wuhan. Nagpatuloy ang ulat sa pagpayo “laban sa paglalatag ng anumang mga paghihigpit sa paglalakbay o kalakalan sa kasalukuyang magagamit na impormasyon …”

Kalaunan inihayag ng global health agency noong Enero 9 na ang mga awtoridad ng China ay “gumawa ng paunang determinasyon ng isang novel (o bago) na coronavirus” bilang sanhi ng kumpol ng mga kaso ng pneumonia.

Unang nagpulong ang IATF-EID para sa banta ng novel coronavirus noong Enero 28, 24 araw pagkatapos ng unang babala ng WHO sa publiko. Nang panahong iyon, mayroong 4,537 na nakumpirma na mga kaso ng impeksyon at 106 ang naitalang pagkamatay sa buong mundo, na ang karamihan ay nasa mainland China at wala pa sa Pilipinas. (Tignan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte inulit ang maling pahayag na una ang PH na mag COVID lockdown sa Asia)

Idineklara ng WHO ang banta ng novel coronavirus bilang isang public health emergency of international concern makalipas ang dalawang araw, noong Enero 30, sa parehong araw naitala sa bansa ang unang nakumpirmang kaso.

Binale-wala ni Duterte noong una ang banta ng COVID-19, sinabi sa isang press briefing noong Peb. 3 na ang virus ay “kusang mamamatay kahit na walang bakuna.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabing nagbabala siya tungkol sa ‘nakamamatay’ na COVID-19 mula pa sa simula. Hindi naman.)

Tala ng editor: Ang fact check na ito ay ginawa ng isang mag-aaral mula sa University of the Philippines Diliman bilang bahagi ng kanyang internship sa VERA Files.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), June 30, 2020

RTVMalacanang, Meeting with the IATF-EID and Talk to the People on COVID-19 5/25/2020, May 25, 2020

RTVMalacanang, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19, June 22, 2020

Other pandemics

World Health Organization, What is a pandemic?, Feb. 24, 2010

Official Gazette, Executive Order No. 168, s. 2014, May 26, 2014

U.S. Center for Disease Control and Prevention, Lesson 1: Introduction to Epidemiology, Accessed July 7, 2020

FactRakers, Coronavirus pandemic is not a ‘once-in-a-century problem,’ April 24, 2020

Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio, April 22, 2020

World Health Organization, Timeline of WHO’s response to COVID-19, June 29, 2020

World Health Organization, #China has reported to WHO a cluster of #pneumonia cases —with no deaths— in Wuhan, Hubei Province [Flag of China]. Investigations are underway to identify the cause of this illness., Jan. 4, 2020

World Health Organization, Pneumonia of unknown cause – China, Jan. 5, 2020

World Health Organization, WHO Statement regarding cluster of pneumonia cases in Wuhan, China, Jan. 9, 2020

Department of Health, Advisory No. 1 Novel Coronavirus (2019-nCoV) Health Event, Jan. 29, 2020

World Health Organization, WHO Director-General’s statement on IHR Emergency Committee on Novel Coronavirus (2019-nCoV), Jan. 30, 2020

Department of Health, DOH CONFIRMS FIRST 2019-NCOV CASE IN THE COUNTRY; ASSURES PUBLIC OF INTENSIFIED CONTAINMENT MEASURES, Jan. 30, 2020

 

Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.