VERA FILES FACT SHEET: Update sa paunang pagsusuri ng ICC sa giyera kontra droga, ipinaliwanag
Sinabi ng International Criminal Court (ICC) noong Dis. 5 na "nais nitong wakasan" sa 2020 ang paunang pagsusuri nito sa mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan na isinagawa ng gobyernong Duterte kaugnay ng giyera laban sa iligal na droga.





