VERA FILES FACT CHECK: Datos salungat sa pahayag ni Marcos na ekonomiya ng PH ‘pinakamabilis na lumalago’ sa mundo
Ipinakikita ng pinakabagong mga statistic mula sa Asian Development Bank (ADB) na sa rehiyon ng Asia-Pacific pa lamang, ang Pilipinas ay nasa ika-siyam na ranggo sa gross domestic product (GDP) growth rate.