VERA FILES FACT CHECK: Roque kinontra si Año sa COVID house-to-house operation, sinisisi mga kritiko ng gobyerno
Sinasabing pakana na naman ng mga kritiko laban sa gobyerno, sinalungat ni Palace Spokesperson Harry Roque ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año nang sinabi niyang walang mangyayaring "operasyon sa bahay-bahay" upang hanapin ang mga taong nahawaan ng coronavirus disease 2019 ( COVID-19).