VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Roque tungkol sa rate ng pagbabakuna sa mga bansa sa Asia mali
Sa pagtugon sa mga kritiko na nagsabing nahuhuli ang Pilipinas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination drive sa Asia, hindi tama ang sinabi ni Palace Spokesperson Harry Roque na tatlong bansa lamang sa rehiyon ang nagsimula ng kanilang pagbabakuna hanggang sa Peb. 2.