VERA FILES FACT CHECK: Kakaibang solusyon ni Marcoleta sa gutom ng mga Pilipino batay sa maling impormasyon
Sa paghahangad na matugunan ang gutom at kakulangan ng pagkain ng mga mahihirap na Pilipino, sinabi ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta na ang mga astronaut ay nagtatagal ng ilang buwan sa kalawakan nang hindi nagluluto o kumakain dahil kumakain sila ng pagkain na tumatagal ng mahabang panahon. Hindi ito totoo.



