VERA FILES FACT CHECK: 2 hirit ni Panelo tungkol sa mga hakbang sa pag-iwas sa COVID, MALI
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na "hindi kinakailangan" ang bakuna para makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), at ang New Zealand at Vietnam ay hindi nagpataw ng mga lockdown upang masugpo ang pandemic. Mali ang parehong pahayag.




