VERA FILES FACT CHECK: Marcos Jr. mali sa pagsabing ‘naging isyu lamang sa halalan’ ang West PH Sea dispute ngayong eleksyon ng Mayo 2022
Sa kanyang unang pagharap sa debate sa kampanya para sa eleksyon sa Mayo 2022, iginiit ng kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang West Philippine Sea (WPS) dispute ay naging isyu sa halalan lamang sa kampanyang ito. Ito ay hindi totoo.