VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos tungkol sa layunin ng ICC nakapanliligaw
Nakapanliligaw ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang International Criminal Court (ICC) ay walang hurisdiksyon na imbestigahan ang mga pagpatay na may kaugnayan sa digmaang droga sa Pilipinas dahil ang tribunal na nakabase sa Netherlands ay “binuo upang magbigay ng hustisya sa mga lugar kung saan walang hudikatura.”