VERA FILES FACT CHECK: Sa ikatlong beses sa loob ng dalawang buwan, Duterte bumalimbing sa Cha-cha
Dalawang linggo matapos baguhin ang kanyang pahayag at sabihin ang kanyang kondisyon sa pagsuporta sa pag-amyenda sa 1987 Constitution, muling tinuligsa ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na isulong ang Charter change. Ito ang pangatlong beses mula noong Enero na nagbago siya ng paninindigan sa isyu.