VERA FILES FACT CHECK: Duterte nagbago ng isip sa pagtatapos ng PH-US VFA
Mula sa pagmamalaking "hindi kailangan" ng Pilipinas ang United States para "mabuhay bilang isang bansa," si Pangulong Rodrigo Duterte, sa pamamagitan ng kanyang secretary of foreign affairs, ay nagdesisyon na ipagpaliban muna ng hindi bababa sa anim na buwan ang pagwawakas ng Visiting Forces Agreement (VFA) dahil sa mga "pampulitika at iba pang mga kaganapan sa rehiyon" sa kasalukuyan.