Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: VP Sara bumaligtad sa isyu ng death threats vs Marcos

WHAT WAS CLAIMED

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang pahayag na “patayin” sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Araneta at House Speaker Martin Romualdez ay isang “conditional act of revenge” na “maliciously taken out of logical context.”

OUR VERDICT

Flip-flop:

Tatlong araw matapos magbanta, dalawang beses na sinabi ni Duterte na “no joke” para idiin na may sinabihan siya na patayin si Marcos, ang first lady at House speaker oras na mamatay siya. Itinuring ito ng pangulo at mga opisyal ng seguridad na isang “aktibong banta.”

By VERA Files

Nov 29, 2024

1-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Nahaharap sa subpoena mula sa National Bureau of Investigation si Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang “mga seryosong banta” laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang broadcast na batbat ng pagmumura noong Nob. 23, binatikos ni Duterte ang kanyang UniTeam mate na si Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez, na inaakusahan niya ng pagsisinungaling at katiwalian.

Ito ay nang sumugod siya upang makasama ang kanyang chief of staff na si Zuleika Lopez, na nananatili sa detention center ng House of Representatives matapos siyang ma-contempt dahil sa “undue interference” sa imbestigasyon sa mga confidential funds ng Office of the Vice President.

Basahin ang FACT CHECK: Sara Duterte wrongly claims law bars discussion on confidential funds

Sinabi ng Palasyo na itinuturing nito ang mga pahayag ni Duterte bilang isang “aktibong banta” laban sa pinakamataas na opisyal ng bansa, na nag-udyok sa mga ahensya ng pagpapatupad ng batas na patindihin ang mga security protocol.

Panoorin sa video na ito ang mga pahayag ni Duterte:

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.