Mali ang pahayag ni Communications Undersecretary for New Media and External Affairs Lorraine Marie Badoy na ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ay kinilalang terorista ng gobyernong Pilipinas at iba pang mga bansa.
Sa ikalawang ASEAN (Association for Southeast Asian Nations) Conference on Crime Prevention at Criminal Justice sa Thailand noong Peb. 27, sinabi niya na ang NDFP, ang legal front ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay “pinupuntirya” ang sektor ng kabataan at tinuturuan ang mga batang Pilipino na “mapoot at mawalan ng tiwala sa gobyerno.”
Pagkatapos sinabi ni Badoy, na nagsisilbi rin bilang pinuno ng bansa sa ASEAN Senior Officials Meeting Responsible for Information, na ang CPP, ang armadong grupo nito na New People’s Army (NPA), at ang NDFP ay idineklarang mga terorista sa Pilipinas at iba pang mga bansa, kabilang ang United States.
Ito ay isang pag-uulit ng kanyang pahayag sa mga naunang post sa Facebook at opinion articles na inilathala sa web-based newswire service provider ng gobyerno, ang Philippine News Agency.
Ang pahayag ni Badoy, gayunpaman, ay may bahagyang pagkakamali: ang NDFP ay hindi idineklarang terorista ng gobyerno ng Pilipinas at ng ibang mga bansang binanggit niya.
Panoorin ang video na ito.
VERA FILES FACT CHECK: Badoy errs in claiming NDF tagged as terror group by PH, other countries from VERA Files on Vimeo.
Ang CPP-NPA (hindi kasama ang NDFP) ay kasama sa opisyal na listahan ng mga grupo ng terorista ng U.S., U.K., New Zealand, Australia, at Canada. Gayunpaman, ang pahayag ni Badoy na ang CPP-NPA ay naiproklama na isang teroristang organisasyon sa Pilipinas ay nangangailangan ng konteksto.
Bagaman, sa katunayan, ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang deklarasyon noong 2017 sa pamamagitan ng Proclamation No. 374, ang CPP-NPA ay hindi pa ligal na idineklara bilang isang teroristang grupo ng mga korte ng Pilipinas.
Ang Sec. 17 ng Republic Act 9372, o Human Security Act (HSA), ay nag-uutos sa Department of Justice (DOJ) na magsampa muna ng petisyon sa isang “competent Regional Trial Court” para maipahayag ang isang “organisasyon, asosasyon, o grupo ng mga tao” bilang isang organisasyong terorista bago ito ituring na tulad nito.
Ang DOJ ay nagsampa na ng petisyon noong 2018 sa Manila Regional Trial Court kasunod ng direktiba ng pangulo, ngunit ang korte ay hindi pa nagpapasya sa kaso.
Noong Pebrero, muling binuhay ng Manila RTC ang petisyon ng DOJ matapos itong mabasura dahil sa kabiguan ng departamento na “magpahatid ng summons sa mga sinampahan ng kaso,” kasama si CPP founder Jose Maria Sison, “sa pamamagitan ng publication.”
Kung ang magpasya ang korte na pabor ng gobyerno, ang mga tao at mga nilalang na hinihinalang nauugnay sa CPP-NPA ay maaaring ipailalim sa pagsubaybay, ma freeze ang kanilang mga ari-arian, o makulong nang walang isinasampang kaso. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Bakit peligroso ang ‘red-tagging’)
Sa isang hakbang upang “palakasin” ang kampanya ng gobyerno laban sa terorismo, ipinasa kamakailan ng Senado sa ikatlo at panghuling pagbasa ang Senate Bill 1083, na naglalayong baguhin ang ilang mga probisyon ng HSA, tulad ng pagpapalawig sa pinapayagang panahon ng pagkakulong ng mga taong hindi pa sinasampahan ng kaso. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Mga kailangan mong malaman tungkol sa panukalang anti-terrorism bill ng Senado)
Mga Pinagmulan
Presidential Communications Operations Office Global Media Affairs, ASEAN Member States discussion about cyberspace misuse, Feb. 28, 2020
Philippine News Agency, The poisoned pen of Tonyo Cruz, Jan. 25, 2020
Philippine News Agency, The Pied Piper of Death aka Anakbayan 101, Jan. 15, 2020
Lorraine Marie Badoy official Facebook account, Breaking News , March 2, 2020
List of organizations declared as terrorist by several countries
- Federal Register of Legislation (Australia), Charter of the United Nations Act 1945 Listing Declaration (No. 2) 2019
- United Nations Office of Drugs and Crime, Security Council Resolution 1373 (2001)
- United States State Department, Foreign Terrorist Organizations, Accessed March 11, 2020
- New Zealand Police, Lists associated with Resolution 1373, Accessed March 5, 2020
- Public Safety of Canada, Regulations Implementing the United Nations Resolutions on the Suppression of Terrorism, Accessed March 11, 2020
- United Kingdom official government website, CONSOLIDATED LIST OF FINANCIAL SANCTIONS TARGETS IN THE UK, Accessed March 11, 2020
Presidential Communications Operations Office, Duterte declares CPP-NPA a terrorist group, Dec. 5, 2017
Official Gazette, Proclamation No. 374, series of 2017
Duterte tagging NDFP as a terrorist organization
- Philstar.com, Duterte labels CPP-NPA-NDF a terror group, Feb. 6, 2017
- CNN Philippines, Duterte: CPP-NPA-NDF a terrorist group, Feb. 6, 2017
- ABS-CBN News, Duterte to consider CPP-NPA-NDF as terrorist group, Feb. 5, 2017
Presidential Communications Operations Office, Media Interview – Cagayan de Oro City 2/5/2017, Feb. 9, 2017
GMA News Online, Court junks then revives petition to tag CPP, NPA as terrorist organizations, Feb. 11, 2020
Philippine News Agency, Court orders revival of DOJ bid to declare CPP-NPA terror group, Feb. 10, 2020
Manila Standard, CPP-NPA terror tag revival OKd by Manila RTC, Feb. 11, 2020
Official Gazette, Republic Act No. 9372
Senate of the Philippines official website, Senate Bill No. 1083
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)