Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Badoy pinagbintangan ang madre na komunista; inulit ang maling paratang na terorista ang NDF

Inulit ni Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy ang isang maling pahayag na ang National Democratic Front (NDF) ng Pilipinas ay isang pangkat ng mga terorista habang iniuugnay ang aktibista na si Sr. Mary John Mananzan sa samahan.

By VERA Files

Jun 30, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Inulit ni Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy ang isang maling pahayag na ang National Democratic Front (NDF) ng Pilipinas ay isang pangkat ng mga terorista habang iniuugnay ang aktibista na si Sr. Mary John Mananzan sa samahan.

PAHAYAG

Sa isang 14-talata na Facebook post noong Hunyo 17, tinawag ni Badoy na komunista si Mananzan, vice president for external affairs ng St. Scholastica’s College, matapos na “mariing kinondena” nito ang hatol ng korte kay Maria Ressa sa kasong cyberlibel.

Sinabi ni Badoy na si Mananzan, na chair emerita ng women’s rights group na GABRIELA, ay isang “matagal na kaalyado” ng Communist Party of the Philippines (CPP), ng armadong grupo nitong New People’s Army (NPA), at NDF:

[Mananzan] is also emeritus chairperson of GABRIELA, an above-ground organization of the terrorist group, CPP NPA NDF, that has brought so much harm, so much death and destruction to our beloved Philippines ([Si Mananzan] ay emeritus chairperson din ng GABRIELA, isang legal na samahan ng teroristang grupo, CPP NPA NDF, na nagdala ng labis na pinsala, labis na pagkamatay at pagkawasak sa ating minamahal na Pilipinas).”

Pinagmulan: Lorraine Marie Badoy official Facebook page, “Mary John Mananzan, high ranking official of a school I admire, the St. Scholastica College…,” Hunyo 17, 2020

Inulit ni Badoy, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC), ang paninindigang ito sa isang Facebook post noong Hunyo 21 habang mas idiniin pa niya ang bintang sa aktibistang Katolikong madre.

ANG KATOTOHANAN

Ang NDF ay hindi pa opisyal at ligal na idineklarang teroristang organisasyon sa Pilipinas.

Habang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte — sa pamamagitan ng Proclamation No. 374, series of 2017 — ang CPP-NPA (hindi ang NDF) bilang isang grupo ng terorista, hindi pa ito kinikilala ng mga lokal na korte.

Sa ilalim ni Sec. 17 ng Human Security Act (HSA), ang Department of Justice (DOJ) ay dapat magsampa muna ng isang petisyon sa isang “competent regional trial court” upang ideklara ang isang “organisasyon, asosasyon, o grupo ng mga tao” bilang isang teroristang samahan.

Noong Pebrero, muling binuhay ng Manila Regional Trial Court ang petisyon ng DOJ noong 2018 sa bagay na ito, matapos itong pinawalang-saysay dahil sa kabiguan ng gobyerno na “maghatid ng summons sa respondents ng kaso sa pamamagitan ng publication.”

Kinakatawan ng NDF ang CPP sa negosasyong pangkapayapaan sa gobyerno ng Pilipinas noon pang 1992.

Ginawa ni Badoy ang parehong mga maling pahayag noong nakaraan sa mga Facebook post, mga artikulo ng opinyon na inilathala sa “newswire service” ng Philippine News Agency, at sa kanyang mga opisyal na mga engagement.

Sa pangalawang ASEAN (Association for Southeast Asian Nations) Conference on Crime Prevention and Criminal Justice noong Pebrero, mali rin ang sinabi niya na ang NDF, kasama ang CPP-NPA, ay idineklarang isang teroristang organisasyon sa United States at iba pang mga bansa. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Badoy mali sa pagsabi na ang NDF ay tinukoy bilang terror group ng PH, at ng ibang mga bansa)

Nauna nang nagsalita si Mananzan laban sa pamunuan ni Duterte at ng kanyang mga patakaran, kabilang na ang madugong giyera laban sa droga at pagsisikap na ibalik ang parusang kamatayan.

Tinanong si Palace Spokesperson Harry Roque, sa kanyang June 23 press briefing, tungkol sa mga posibleng panganib ng red-tagging, matapos ang pahayag kamakailan ng pangulo na ang mga rebeldeng komunista ang “numero unong banta” sa bansa. Ipinagwalang-bahala niya ang mga pananaw ni Badoy tungkol kay Mananzan sa kanyang Facebook post bilang “personal na mga opinyon,” na nasa loob ng kanyang mga karapatan sa kalayaan sa pagpapahayag.

Kung ang korte ay pumabor sa pamahalaan at ligal na ideklara ang CPP-NPA na isang grupo ng terorista, ang mga tao at mga nilalang na hinihinalang nauugnay sa samahan ay maaaring mailagay sa ilalim ng pagsubaybay, ma-freeze ang kanilang mga ari-arian, o nakakulong pa nang walang isinasampang kaso. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Bakit peligroso ang ‘red-tagging’)

Sa pagtugon sa mga pahayag ni Badoy, sinabi ni GABRIELA sa isang pahayag noong Hunyo 18: “Kinakargahan ni Badoy ang mga baril ng rehimen para maaresto o mapinsala si Sister Mary John at iba pang mga kritiko ng rehimeng Duterte.”

Sa kanyang mga Facebook post at panayam, nangangalap ng suporta si Badoy para sa ipinanukalang Anti-Terrorism Act of 2020, na naglalayong “palakasin” ang kampanya ng gobyerno laban sa terorismo, at kasalukuyang naghihintay na lamang ng pirma ng pangulo.

Oras na maisabatas, palalawakin ng batas ang kahulugan ng terrorist acts, pahabain ang panahon ng pagpapakulong ng tao matapos ang isang pag-aresto ng walang warrant, at palawigin ang pagsubaybay sa mga komunikasyon ng isang suspek. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Mga kailangan mong malaman tungkol sa panukalang anti-terrorism bill ng Senado)

Tala ng editor: Ang fact check na ito ay ginawa ng isang mag-aaral mula sa University of the Philippines Diliman na isang intern sa VERA Files.

 

Mga Pinagmulan

Lorraine Marie Badoy official Facebook page, “Mary John Mananzan, high ranking official of a school I admire, the St. Scholastica College…,” June 17, 2020

St. Scholastica’s College, Institutional Administrators

Mary John Mananzan official Facebook page, “I strongly condemn the conviction of Maria Ressa And Reynaldo Santos Jr…,” June 16, 2020

GMA News Online, FULL TEXT DECISION FROM SC PIO, June 15, 2020

Rappler, Maria Ressa, Rey Santos Jr. convicted of cyber libel, June 15, 2020

ABS-CBN News, Rappler chief Maria Ressa found guilty of cyber libel, June 15, 2020

Gabriela USA, GABRIELA celebrated silver anniversary with 10th congress and grand reunion, Nov. 30, 2009

NDFP, Revolutionary united front organization of the Filipino people, n.d.

Official Gazette, Proclamation No. 374, series of 2017

Official Gazette, Republic Act No. 9372

Manila RTC revives DOJ petition to declare CPP-NPA a terrorist organization

Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, Hague Declaration Sept 01 1992

Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, Peace Process with the Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front (CPP/NPA/NDF), Accessed June 29, 2020

Lorraine Marie Badoy official Facebook page, Breaking News, March 2, 2020

Philippine News Agency, The poisoned pen of Tonyo Cruz, Jan. 25, 2020

Philippine News Agency, The Pied Piper of Death aka Anakbayan 101, Jan. 15, 2020

Presidential Communications Operations Office Global Media Affairs, ASEAN Member States discussion about cyberspace misuse, Feb. 28, 2020

Rappler, Filipinos facing threat ‘worse than Martial Law’, Feb. 25, 2018

Inquirer.net, Activist nun warns of erosion of Filipinos’ moral fiber, Feb. 25, 2018

Inday Espina-Varona, “Sr, Mary John Mananzan of The Movement Against Tyranny: The country will be better off without Duterte…”, Aug. 27, 2018

GMA News official Twitter account, “Mensahe ni Sister Mary John Mananzan, convenor ng Movement Against Tyranny, kay President Duterte…,” December 2017

National Catholic Reporter, Philippine church leaders expect more deaths as police relaunch drug war, Jan. 16, 2018

The Guardian, Rodrigo Duterte hopes to gain control of Senate in Philippines mid-terms, May 13, 2019

RTVMalacanang, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 6/23/2020

PTV, WATCH: President Rodrigo Roa #Duterte Public Address, June 22, 2020

GABRIELA, On Lorraine Badoy’s Redtagging of Sr. Mary John Manzanan, June 18, 2020

Lorraine Marie Badoy showing support for the Anti-terrorism Bill:

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.