Bilang sagot sa pagkondena ng apat na senador sa “red-tagging” ni National General Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Monteagudo sa unyon ng mga empleyado ng Senado, sinabi ni Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy na ang mga korte ng Pilipinas ay nagpasiya na “walang red-tagging.”
Hindi totoo ang sinabi ni Badoy.
PAHAYAG
Ipinagtanggol ni Badoy, tagapagsalita rin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang pahayag ni Monteagudo. Sumipi sa desisyon ng Court of Appeals (CA) sa Karapatan et al. vs. Duterte et al., sinabi niya na ang korte ay nagpasiya na “walang sapat na ebidensya” para mapatunayan ang mga paratang ng red-tagging ng mga human rights group:
“Petitioners here alleged that they were viciously red-tagged as front organizations of the CPP-NPA-NDF which puts their life, liberty, and security at risk.”
(Sinabi ng mga petitioner dito na sila ay na red-tag bilang mga front organization ng CPP-NPA-NDF na naglalagay sa panganib sa kanilang buhay, kalayaan, at seguridad.)
Sinabi pa ni Badoy:
“How is it possible that our own legislators ignore what the Court of Appeals and the Supreme Court have already made clear: that there is no such thing as ‘Redtagging’ because there is no danger to life, liberty and security when someone is identified as ‘member of the CPP NPA NDF’?”
(Paano nangyayari na binabalewala ng ating sariling mga mambabatas ang nilinaw na ng Court of Appeals at ng Supreme Court: na walang bagay tulad ng ‘Redtagging’ dahil walang panganib sa buhay, kalayaan at seguridad kapag ang isang tao ay kinilala bilang ‘miyembro ng CPP NPA NDF’?)
Pinagmulan: PTV News, Press Statement of NTF ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy, Abril 7, 2021 (Archived)
ANG KATOTOHANAN
Bagaman ang desisyon ng CA, na isinulat ni Associate Justice Mario Lopez, ay talagang sinabi na mayroong kakulangan ng “sapat na ebidensya upang mapatunayan ang mga paratang ng mga petitioner” laban sa paglabag ng gobyerno at banta sa kanilang mga karapatan sa buhay, kalayaan, seguridad, at privacy, bukod sa iba pa, wala saan man sa desisyon na sinabi na walang red-tagging.
Ipinahayag noong Hunyo 28, 2019, ibinasura sa desisyon ng CA ang petisyon para sa writ of amparo at habeas data na inihain ng mga human rights group na Karapatan, Gabriela, at Rural Missionaries of the Philippines dahil sa kawalan ng mga judicial affidavit, pagkabigo na “humiling ng paunang pagsisiyasat” sa sinasabing paglabag o banta, at pagkabigo na ipakita na ang kanilang karapatan sa privacy ay nilabag ng mga respondent.
Kasunod ng pagpatay sa community health worker at aktibista na si Zara Alvarez noong Agosto 17, 2020, hinimok ng Karapatan ang Supreme Court (SC) noong Setyembre na pabilisin ang resolusyon ng petisyon. Ang kaso ay nakabinbin para sa review mula pa noong Hulyo 2020.
Ang red-tagging o red-baiting ay tumutukoy sa “pag-label, pag-brand, pag pangalan at pag-akusa sa mga indibidwal at/o mga samahan ng pagiging maka-kaliwa, mga subersibo, komunista o terorista (na ginamit bilang) isang stratehiya … ng mga ahente ng Estado, partikular na ang mga ahensya na nagpapatupad ng batas at militar, laban sa mga itinuturing na mga ‘banta’ o ‘mga kaaway ng Estado’.” (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Bakit peligroso ang ‘red-tagging’)
Sa isang post sa Facebook (FB) noong Abril 7, sinabi ni National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) Secretary General Edre Olalia na nililihis ni Badoy ang konteksto ng desisyon. Sinabi niya:
“She got it all wrong and mixed up. [The] SC never said that. CA ruling was pro hac vice and is in fact pending review by the SC … If she was a lawyer, she would have been disciplined for wrong attribution and erroneous citation for cherry picking out of context.”
(Mali ang kanyang pagkakaintindi sa lahat at naghalo-halo na. Walang sinabing gano’n ang SC. Ang desisyon ng CA ay pro hac vice at sa katunayan ay nakabinbin ang pagsusuri ng SC … Kung siya ay isang abugado, siya ay didisiplinahin dahil sa maling attribution at maling pagsipi para sa cherry picking na wala sa konteksto.)
Ang pro hac vice ay nangangahulugan na ang pagpapasya ay ginamit lamang “para sa okasyong ito.”
Samantala, ang writ of amparo ay isang lunas na magagamit ng “sinumang tao na ang karapatan sa buhay, kalayaan, at seguridad ay nilabag o binantaan ng isang labag sa batas na kilos o pagkukulang ng isang pampublikong opisyal o empleyado o pribadong indibidwal o entidad,” ayon sa isang resolusyon ng SC noong Oktubre 2007.
Ang writ of habeas data ay isang proteksyong panghukuman mula sa isang “labag sa batas na kilos” ng isang pampublikong opisyal sa kurso ng “pagtitipon, pagkolekta, o pagtatago” ng impormasyon tungkol sa naargabyadong tao o partido. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ang mga panganib ng red-tagging sa ilalim ng Anti-Terrorism Law)
Ang Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO) ay nagsabi noong Abril 9 na pinag-aaralan nito ang mga ligal na hakbang laban sa kanila Monteagudo at Badoy dahil sa kanilang “malisyosong” pag-label at pag-uugnay sa mga miyembro ng unyon sa mga komunistang grupo.
Ang red-baiting ng SENADO ay naganap dalawang linggo matapos magsampa si Sen. Franklin Drilon ng isang panukalang batas na naghahangad na gawing kriminal ang red-tagging, na may pagkabilanggo ng 10 taon at ganap na disqualification sa paghawak sa pampublikong posisyon.
Si Badoy ay patuloy na iniuugnay sa mga komunista ang mga kritiko ng gobyerno, mga institusyon, at mga organisasyon ng media.
Ito ang pang-apat na beses na na-flag ng VERA Files Fact Check si Badoy para sa kanyang maling mga pahayag na may kinalaman sa CPP-NPA-NDF:
- VERA FILES FACT CHECK: Badoy itinanggi ang Lumad, mali sa pagsabing mga ‘Reds’ ang lumikha ng katagang ito
- VERA FILES FACT CHECK: Badoy pinagbintangan ang madre na komunista; inulit ang maling paratang na terorista ang NDF
- VERA FILES FACT CHECK: Badoy mali sa pagsabi na ang NDF ay tinukoy bilang terror group ng PH, at ng ibang mga bansa
Mga Pinagmulan
Senate of the Philippines, Joint Statement of Senate Minority Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Leila de Lima and Sen. Francis Pangilinan, April 7, 2021 (archived version)
National Intelligence Coordinating Agency website, About Us: Leadership
Director-General Alex Paul Monteagudo personal Facebook, The Senate of the Philippines is manned by CPP-NPA-NDF front organization…, April 5, 2021
Court of Appeals, G.R. No. 00067: Karapatan et. al vs. Duterte et. al.,, June 28, 2019
PTV News, Press Statement of NTF ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy, April 7, 2021 (archived)
Court of Appeals Case Status Inquiry System, G.R. No. 00067: Karapatan et. al vs. Duterte et. al.,, June 28, 2019
Karapatan.org, Karapatan urges SC: grant the petition for review of amparo and habeas data amid worsening attacks on rights defenders, Sept. 1, 2020
Karapatan.org, Karapatan urges SC to grant petition for review on CA’s dismissal of rights groups’ amparo case, July 26, 2019
ABS-CBN News, ‘I might be killed’: Karapatan shows SC slain activist Zara Alvarez’s 2019 affidavit seeking protection, Sept. 1, 2020
Rappler, Remember Zara Alvarez? Group urges SC to review protection order for rights activists, Sept. 1, 2020
CNN Philippines, Human rights defenders seek Supreme Court protection after Zara Alvarez killing, Sept. 1, 2020
NUPL President Atty. Edre Olalia Facebook, Re Badoy’s claim that SC says there is no such thing as red-tagging, April 7, 2021
Merriam Webster, Pro Hac Vice
Supreme Court of the Philippines, A.M. No. 07-09-12-SC: The Rule on the Writ of Amparo, Sept. 25, 2007
Rappler, Senate employees’ union eyes legal action vs NICA chief, Badoy, April 9, 2021
GMA News Online, SENADO mulls next steps vs. NICA chief’s red-tagging move, April 9, 2021
Inquirer.net, Senate workers’ union exploring legal actions after being linked to Reds, April 9, 2021
Senate of the Philippines, Senate Bill No. 2121: An Act Defining and Penalizing Red-tagging, March 24, 2021
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Official Facebook, READ l Communications Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy, NTF ELCAC spokesperson, in a rejoinder to a statement of SENADO…, April 13, 2021
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Official Facebook, LOOK | Undersecretary Lorraine Marie Badoy’s statement during the Virtual Press Conference on the Simultaneous Anti-Crime and Law Enforcement Operations in CALABARZON, March 10, 2021
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Official Facebook, LOOK | Undersecretary Lorraine Marie Badoy’s statement during the Virtual Press Conference on the Simultaneous Anti-Crime and Law Enforcement Operations in CALABARZON, March 10, 2021
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Official Facebook, BASAHIN | Ang mga representante ng Makabayan Bloc ay mga matataas na ranggong kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF)…, Sept. 7, 2020
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Official Facebook, READ | Statement of the NTF ELCAC Spokesperson, Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy, on the Termination of the DND-UP Agreement of 1989…, January 20, 2021
Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy’s Facebook, CNN tweeting and retweeting the call for donations of LFS- a known front of the terrorist CPP NPA NDF, Nov. 13, 2020
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Official Facebook, READ | NTF ELCAC Spokesperson, Undersecretary Lorraine T. Badoy on Rappler’s ALCADEV school article…, March 4, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)