Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maling lider nang mag lintanya tungkol sa International Criminal Court (ICC).
PAHAYAG
Sa isang talumpati noong Dis. 5 sa isang awarding ceremony para sa mga overseas Filipino worker, si Duterte ay muling inireklamo ang ICC na naman, kinukwestiyon ang istraktura nito, ang legal na proseso nito at ang background ng mga hukom nito. Sinabi niya:
“Ang chairman ng ICC commission ay ang kapatid ng Hari ng Jordan.”
Pinagmulan: Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas and Overseas Workers Welfare Administration 2018 Model OFW Family of the Year Awards, Dis. 5, 2018, panoorin mula 26:01 hanggang 26:10
ANG KATOTOHANAN
Mali si Duterte.
Ang ICC ay pinamumunuan ni Judge Chile Eboe-Osuji, isang abogadong Nigerian na inihalal noong Marso upang maglingkod bilang pangulo ng korte sa loob ng tatlong taon, na pinalitan si Judge Silvia Fernández de Gurmendi.
Napagkamalan ni Duterte si Eboe-Osuji na si Prince Zeid Ra’ad Al Hussein, ang pinsan -hindi ang kapatid na lalaki – ni Jordan King Abdullah II Ibn Al Hussein at ang dating United Nations High Commissioner for Human Rights (UN OHCHR).
Di tulad ng OHCHR, ang ICC, isang independyenteng hukom na nilikha ng Rome Statute, ay hindi bahagi ng UN.
Si Zeid, na ang termino bilang UN human rights chief ay natapos noong Agosto, ay umani ng matinding galit ni Duterte nang iminungkahi niya na sumailalim sa psychiatric examination ang presidente matapos na iugnay ng gobyerno ng Pilipinas si Victoria Tauli-Corpuz, UN special rapporteur on the rights of indigenous peoples, sa mga komunistang rebelde.
Noong 2002, nagsilbi si Zeid bilang unang pangulo ng Assembly of States Parties (ASP), ang management oversight at legislative body ng ICC.
Ang parehong ICC at ASP ay itinatag sa ilalim ng Roma Statute ngunit tumatakbo bilang hiwalay na mga ahensya.
Ang ICC ay nagsisiyasat, nag-uusig at naglilitis sa mga indibidwal na akusado ng genocide, mga krimen laban sa sangkatauhan, mga krimen sa digmaan at mga krimen ng agresyon.
Ang ASP ay nangangasiwa, naghihirang ng mga hukom at prosekutor ng korte at nag-aapruba ng badyet.
Noong Marso, ang Pilipinas ay tumiwalag sa ICC matapos itong maglunsad ng isang paunang pagsusuri sa gobyerno kaugnay ng libu-libong pagpatay bunga ng giyera ng gobyerno laban sa droga.
Sa kabila nito, inihayag ng ICC noong Dis. 5 na patuloy itong “nagtitipon, tumatanggap at nagbabalik-aral ng impormasyon” sa umano’y mga krimen mula sa malawak na hanay ng mga pinagkukunan (ng impormasyon).
Sa parehong talumpati, inulit ni Duterte ang hindi bababa sa apat na maling pahayag na dati nang na fact check ng VERA Files.
Una, na nilikha ng European Union ang ICC, na itinatag ng Rome Statute. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte falsely claims the EU created the ICC)
Ikalawa, na nakuha ng Japan ang “pinakamalaking” aid pagkatapos ng World War II, na hindi posible batay sa opisyal na datos. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: In one speech, Duterte unloads 9 false claims)
Ikatlo, na ang Pilipinas ay walang langis sa kabila ng pagkakaroon ng isang oil field na nagsimula ng komersyal na produksyon noong unang bahagi ng 1979. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: In one speech, Duterte unloads 9 false claims)
Pang huli, na 3,000 pulis at mga sundalo ang napatay sa giyera laban sa droga, mas mataas kaysa sa kanyang bilang na 700 noong Nobyembre at 1,000 noong Agosto. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: In one speech, Duterte unloads 9 false claims)
Mga pinagkunan ng impormasyon:
BBC, The race to succeed Kofi Annan
GMA News Online, Jordanian King called ex-UN rights exec a fake, Duterte says, Sept. 27, 2018
Inquirer.net, For telling him to see a psychiatrist, Duterte says he almost lashed out at Jordanian prince, Sept. 27, 2018
International Criminal Court, Assembly of States Parties
International Criminal Court, How the court works
International Criminal Court, Judge Chile Eboe-Osuji
International Criminal Court, New ICC president elected for 2018-2021
International Criminal Court, Rome Statute of the International Criminal Court
International Criminal Court, Rome Statute of the International Criminal Court Philippines: Withdrawal
The Embassy of the Hashemite Kingdom of Jordan, His Majesty King Abdullah II
UN OHCHR, Zeid Ra’ad Al Hussein
United Nations, What is the International Criminal Court (ICC) and what is its relationship with the UN?