Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte urong-sulong tungkol sa banta ng komunista, mali ang pahayag sa mga bakuna

Habang nagpapatong-patung ang mga petisyon laban sa bagong Anti-Terror Law, nagsalawahan si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagsabing ang mga komunista ang "numero unong banta" sa bansa hanggang sa sila ang "pinakamaliit" na alalahanin niya.

By VERA Files

Jul 13, 2020

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Habang nagpapatong-patung ang mga petisyon laban sa bagong Anti-Terror Law, nagsalawahan si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagsabing ang mga komunista ang “numero unong banta” sa bansa hanggang sa sila ang “pinakamaliit” na alalahanin niya.

Panoorin ang video na ito:

VERA FILES FACT CHECK: Duterte flip-flops on communist threat, makes wrong claim on vaccines from VERA Files on Vimeo.

Sa kanyang briefing noong Hulyo 7, mali rin ang pahayag ni Duterte tungkol sa kung paano gumagana ang mga bakuna.

PAHAYAG

Pinaalalahanan ang publiko na habang ang ilang mga lugar ay binawasan ang paghihigpit sa quarantine, ang banta ng novel coronavirus (SARS-CoV-2) — na nagiging sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) – ay nagpapatuloy, sinabi ng pangulo:

The only thing that would make it useless actually would be a vaccine. But the vaccine is an antibody produced by the body to fight [infection] (Ang tanging bagay na magpapawalang silbi dito ay isang bakuna. Ngunit ang bakuna ay isang antibody na ginagawa ng katawan upang labanan ang impeksyon). Ibang klase ito, galing sa katawan natin.”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Hulyo 7, 2020, panoorin mula 25:30 hanggang 25:55

ANG KATOTOHANAN

Ang bakuna at antibodies, habang magkakaugnay, ay dalawang magkaibang bagay.

Ang bakuna ay isang produkto na may “patay” o “mahinang” bersyon, o mga bahagi ng mikrobyo o virus na nagdudulot ng isang partikular na sakit (tulad ng COVID-19). Ginagamit ito pagkatapos para sanayin ang immune system ng isang tao na makabuo ng antibodies upang makadebelop ng immunity nang hindi niya kailangan muna magkasakit. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Limang mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa COVID-19 antibodies)

Kapag ang bakuna ay itinurok na sa isang indibidwal, “pag-aaralan” ng adaptive immune system ng katawan ang “foreign at potensyal na mapanganib” na sangkap at “aalamin ang pinakamabisang paraan kung paano lalabanan ang invader,” sinabi sa VERA Files ni molecular biologist Denise Mirano-Bascos, na ang interes sa pananaliksik ay immunology, sa isang naunang panayam. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Sagot sa limang tanong tungkol sa bakuna laban sa COVID-19)

Kasama sa prosesong ito ang paggawa ng antibodies, o mga protina na gawa ng immune system, na may kakayahang makilala at ipawalang-bisa ang dayuhang sangkap.

Sa kanyang unang media briefing tungkol sa krisis ng COVID-19 noong Peb. 3, minaliit ni Duterte ang isyu, “tiniyak” sa publiko na ang virus ay “mamamatay nang kusa” kahit na walang bakuna. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabing nagbabala siya tungkol sa ‘nakamamatay’ na COVID-19 mula pa sa simula. Hindi naman.)

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), July 7, 2020

RTVMalacanang, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), June 22, 2020

PTV, CPP-NPA, nananatiling teroristang grupo, April 29, 2018

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), April 23, 2020

U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Basics of Vaccines, Accessed July 9, 2020

World Health Organization, Q&A; on vaccines, Aug. 26, 2019

U.S. National Human Genome Research Institute, Antibody, Accessed July 9, 2020

RTVMalacanang, Briefing on the 2019 Novel Coronavirus – Acute Respiratory Disease, Feb. 3, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flop, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.