Mabilis na kumikilos ang international scientific community sa pag debelop ng kauna-unahang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) na nahawahan na ang may halos apat na milyong tao.
Nagsimula sa unang bahagi noong Enero ang ilang mga pananaliksik sa mga kandidatong bakuna, pagkatapos na maihiwalay at malathala ng mga Chinese scientist ang genome sequence ng causative agent ng sakit na tinatawag na SARS-COV-2 (Severe Acute Respiratory Syndrome-Coronavirus -2).
Ilang mga siyentipiko at world leaders ang optimistikong nagsabi na ang bakuna para sa COVID, na makakatulong sa publiko para hindi kapitan ng sakit, ay maaaring madebelop ngayong taon o sa unang bahagi ng 2021. Si World Health Organization (WHO) Chief Tedros Abeyasinghe ang nagsabi na ang tanging paraan para makontrol ang pagkalat ng novel coronavirus ay sa pamamagitan ng isang bakuna.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, isa sa umaasang mga pinuno, na naniniwala siyang bakuna “ang numero unong lunas” laban sa COVID-19, na unang sumulpot sa Wuhan City, China noong Disyembre 2019. Si Duterte, na naunang nagsabi na ang sakit ay “kusang mamamatay” lang, ay nag-aalok ngayon ng P50-milyong gantimpala para sa sinumang Pilipino na nagkakagawa ng bakuna. Nangako rin siya na agad na tatanggalin ang Luzon-wide community quarantine oras na matuklasan at magkaroon nang bakuna sa bansa.
Pero nagbabala ang ibang mga eksperto na maaaring walang madebelop na bakuna para sa coronavirus kailanman, tulad ng nangyari sa mga nakaraang paglaganap ng iba pang mga coronavirus, tulad ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome-Coronavirus (MERS-COV).
Narito ang limang bagay na kailangan mong malaman tungkol sa mga bakuna at kung bakit mahalaga ang mga ito:
1. Ano ba ang bakuna?
Ang bakuna ay mga produkto na may “patay” o “mahina” na bersyon, o mga bahagi, ng isang bacteria o virus na nagdudulot ng isang partikular na sakit, tulad ng COVID-19, na ginagamit para maihanda ang immune system ng katawan upang makadebelop ng pangmatagalan na kaligtasan sa sakit. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Limang mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa COVID-19 antibodies)
Mayroong apat na pangunahing uri ng mga bakuna na ikinategorya batay sa antigens na ginagamit ng mga siyentipiko para madebelop ang mga ito, ayon sa E-learning Course on Vaccine Safety Basics ng WHO. Ito ang mga live attenuated, inactivated, subunit, at toxoid vaccine.
2. Paano dinedebelop ang mga bakuna bago ma aprubahan para sa pangkalahatang pampublikong paggamit?
Ang pagdebelop ng bakuna ay isang “mahabang, kumplikadong proseso” na karaniwang tumatagal ng 10 hanggang 15 taon, ayon sa College of Physicians of Philadelphia.
Dumadaan ito sa anim na general stages na nagsisimula sa exploratory stage, na sinusundan ng mga clinical trial, pag-apruba ng gobyerno, at manufacturing bago ito ituturing na handa na para sa pampublikong paggamit, batay sa isang explainer ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
Ang mga taon na ginugugol sa pagdebelop ng isang bakuna ay nag-iiba. Ang unang bakuna para sa baiki — na, ayon sa ulat ng National Geographic at Straits Times, ay kabilang sa pinakamabilis na naaprubahan — ay umabot ng halos apat na taon matapos maihiwalay ang causative agent nito noong 1945.
Sa kabilang banda, ang mga bakuna para sa iba pang mga viral na sakit, tulad ng Human Immunodeficiency Virus type 1 (HIV-1) na unang natuklasan noong 1983 ng isang pangkat ng French scientists, ay sumasailalim pa rin sa pananaliksik.
3. Paano gumagana ang bakuna sa loob ng katawan?
Ang layunin ng lahat ng mga bakuna ang pasiglahin ang immune response laban sa mga pathogen, o nakakapinsalang foreign organisms, na maaaring magdulot ng sakit.
Sa sandaling humina ang pathogen — dahil sa bakuna — o isang bahagi nito, (sa kaso ng mga subunit na bakuna), ay kinikilala bilang “foreign at may potensyal na panganib,” ang adaptive immune system ng katawan (binubuo ng B cells at T cells) ay “pag-aaralan” ito at “titignan kung ano ang pinakamahusay na paraan kung paano haharapin ang mananalakay,” sinabi ni molecular biologist Denise Mirano-Bascos, na ang interes sa pananaliksik ay immunology, sa VERA Files sa isang pakikipanayam sa email.
May kinalaman ito sa paggawa ng antibodies na may kakayahang kumilala at mapawalang-bisa ang foreign substance.
Sa gayon, ang mga bakuna ay “tinuturuan” ang immune system tungkol sa isang partikular na pathogen at “kung paano ang pinakamahusay na pakikitungo dito” para sa susunod na makatagpo muli ng katawan ang mananakop, malalaman na nito ang gagawin, dagdag ni Bascos, isang propesor sa University of the Philippines-National Institute of Molecular Biology and Biotechnology.
Karamihan sa mga bakuna ay maaaring magbigay ng immunity sa mahabang panahon. Halimbawa, ang proteksyon mula sa isang kumbinasyon ng mga bakuna ng tigdas at rubella, na karaniwang ibinibigay sa mga bata na may edad na 1 hanggang 2 taon, ay “malamang na magtagal” hanggang sa pagtanda.
Habang ang isa o ilang mga dosis ay kinakailangan para sa ilang mga bakuna, mayroong iba na nangangailangan ng maraming dosis, tulad ng bakuna sa trangkaso, na dapat ibigay isang beses bawat taon.
4. Ano ang hinahanap ng WHO sa isang bakuna para sa COVID?
Sa Target Product Profiles, inilista ng WHO ang kailangang mga katangian ng mga kandidatong bakuna ng COVID-19, na nagsabing, bukod sa iba pa, ito ay:
- angkop para sa lahat ng edad, o kahit paano sa sapat na gulang (kabilang ang mga matatanda), at ligtas na gamitin sa mga buntis at nagpapasuso na kababaihan;
- ibinibigay sa isang solong dosis o may kaunting dosis ng booster; at,
- epektibo para sa hindi bababa sa 70 porsyento ng populasyon, na may pare-pareho na mga resulta sa matatanda.
Alinsunod sa utos nito na “magbigay ng gabay” sa mga member state ng United Nations hinggil sa mga bagay sa patakaran sa kalusugan, ang WHO ay inatasan na bumuo ng “mga rekomendasyon na patakaran sa pagbabakuna na nakabatay sa ebidensya.”
Maaari rin itong magbigay ng isang emergency use listing ng mga bakuna sa panahon ng public health emergencies, na isasaalang-alang ang pagsusuri ng kanilang pagiging epektibo at kaligtasan, kung sakaling walang bakunang may lisensya.
5. Ano ang status ng pananaliksik sa bakuna para sa COVID?
Sa ngayon, wala pa ring naaprubahang bakuna para sa sakit. Ngunit mayroong hindi bababa sa 110 na mga pananaliksik sa bakuna para COVID-19 noong Mayo 5, na may walo na sumasailalim sa clinical evaluation, ayon sa WHO.
Kabilang sa mga developer na nangunguna sa paghahanap ng bakuna laban sa COVID-19 ay ang Cansino Biological Inc., kasama ang Beijing Institute of Biotechnology, sa China; Moderna sa United States; at ang University of Oxford sa United Kingdom. Ang bawat isa ay may hindi bababa sa isang kandidatong bakuna na nasa phase 2 ng clinical trials.
Ang global effort para makadebelop ng mga bakuna para sa novel coronavirus ay naaayon sa international collaboration na binuo ng WHO, na kinabibilangan ng mga siyentipiko, manggagamot, funders, at mga manufacturer na nangangakong “makatulong na mapabilis ang pagkakaroon ng isang bakuna laban sa COVID-19.”
Noong Mayo 4, inanunsyo ng WHO na ito ay nakalikom ng € 7.4 bilyong halaga ng mga pangakong donasyon mula sa mga pinuno ng 40 bansa upang suportahan ang pananaliksik at pagdebelop ng mga bakuna para sa COVID-19, diagnostics, at therapeutics.
Sinabi ni Bascos, na naniniwala na maaaring lima hanggang 10 pa ang bibilangin bago magkaroon ng bakuna para sa coronavirus, na ang pag-apruba ng isang repurposed na gamot ngayong taon ay magiging “mas makatotohanang management strategy” para sa sakit sa ngayon.
“Ang pagkakaroon nito, kasama ang isang mahusay na management protocol para sa COVID-19, ay makakatulong na maibalik sa atin ang isang antas ng normalcy habang naghihintay ng bakuna. At, siyempre, ang maayos na kasanayan sa kalinisan, cough etiquette, at makatuwirang social distancing ay kinakailangan upang maiwasan ang sakit na mayroon o wala mang bakuna, ”sabi niya.
Mga Pinagmulan
World Health Organization, Public statement for collaboration on COVID-19 vaccine development, April 13, 2020
World Health Organization, Situation Report No. 112, May 11, 2020
World Health Organization, WHO R&D; Blueprint novel Coronavirus (nCov),
World Health Organization, Coronavirus (COVID-19) events as they happen, Accessed May 5, 2020
World Health Organization, WHO Director-General’s opening remarks at the media briefing on COVID-19 – 27 April 2020, April 27, 2020
RTVMalacanang, PRRD’s Meeting with the IATF-EID and Talk to the Nation on COVID-19 4/13/2020, April 23, 2020
RTVMalacanang, Briefing on the 2019 Novel Coronavirus – Acute Respiratory Disease 2/3/2020, Feb. 3, 2020
Presidential Communications Operations Office, COVID-19 vaccine reward, increased to P50 million – Presidential Communications Operations Office, April 24, 2020
COVID-19 vaccine may not come
- CNN, What happens if a coronavirus vaccine is never developed?, May 3, 2020
- CBS New York, Max Minute: Experts Caution Coronavirus Vaccine May Never Be Developed, Leaving Treatments As More Suitable Option, May 4, 2020
- The Guardian, Don’t bet on vaccine to protect us from Covid-19, says world health expert, April 18, 2020,
United States Centers for Disease Control and Prevention, Basics of Vaccines, Accessed May 12, 2020
World Health Organization, MODULE 1 – Types of vaccine, Accessed May 6, 2020
World Health Organization, MODULE 1 – How vaccines work, Accessed May 6, 2020
World Health Organization, WHO Vaccine Safety Basics: Welcome, Accessed May 6, 2020
Email interview, Denise Mirano-Bascos, May 5, 2020
University of the Philippines-National Institute of Microbiology and Biotechnology, , National Institute of Molecular Biology and Biotechnology faculty, Accessed May 6, 2020
World Health Organization, DNA vaccines, Accessed May 12, 2020
History of Vaccines, Vaccine Development, Testing, and Regulation, Accessed May 6, 2020
U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Vaccine Testing and Approval Process, Accessed May 6, 2020
Pharmaceutical Technology, Tracing the story of mumps: a timeline, April 25, 2018
Mumps produced fastest among other vaccines
- U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Mumps, Accessed May 6, 2020
- National Geographic, Why a coronavirus vaccine could take way longer than a year, April 10, 2020
- Strait Times, Coronavirus: Record rush to find vaccine for Covid-19 is cause for optimism, April 15, 2020
United States Department of Health & Human Services’ official website for HIV, AIDS.gov 30 years of HIV/AIDS Timeline, Accessed May 11, 2020
Nobel Prize official website, Françoise Barré-Sinoussi – Biographical, Accessed May 11, 2020,
United States National Human Genome Research Institute, Antibody | Talking Glossary of Genetic Terms | NHGRI, Accessed May 11, 2020
Children’s Hospital of Philadelphia, Making Vaccines: Process of Vaccine Development | Children’s Hospital of Philadelphia, Oct. 21, 2019
World Health Organization, Vaccine-preventable diseases and vaccines, Accessed May 6, 2020
U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Understanding How Vaccines Work, July 2018
World Health Organization, WHO Target Product Profiles for COVID-19 Vaccines Version 3 – 29 April 2020, April 29, 2020
World Health Organization, Immunization, Vaccines and Biologicals: Policy Recommendations, n.d.
World Health Organization, Emergency Use Listing Procedure, January 9, 2020
World Health Organization, Draft landscape of COVID 19 candidate vaccines, As of May 11, 2020, May 11, 2020
Chinese Clinical Trial Registry, Chinese Clinical Trial Register (ChiCTR) – The world health organization intecollege of ational clinical trials registered organization registered platform, Accessed May 6, 2020
Moderna, Moderna Reports First Quarter 2020 Financial Results and Provides Business Updates, May 7, 2020
Clinicaltrials.org, University of Oxford, Accessed May 6, 2020
Clinicaltrials.org, Inovio Pharmaceuticals, Accessed May 6, 2020
World Health Organization, Coronavirus (COVID-19) events as they happen, Accessed May 5, 2020
Wikimedia Commons, Vaccine
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)