Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Gadon, kandidato para senador, mali tungkol sa 1987 charter

Ang pahayag ni Gadon ay hindi totoo; ang 1987 Konstitusyon ay pinagtibay ng walo sa bawat sampung mga Pilipino sa isang pambansang plebisito Pebrero 2 sa parehong taon.

By VERA FILES

Jan 13, 2019

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sa isang talakayan sa programang pinatatakbo ng gobyerno, ang kandidato para senador na si Lorenzo “Larry” Gadon ay nagbitaw ng maling impormasyon na ang 1987 Konstitusyon ay hindi sumailalim sa tamang proseso ng pagpapatibay.

PAHAYAG

Si Gadon, isang abugado na kilala sa kanyang kontrobersyal na mga pakulo, sa isang episode ng palabas na Pros & Cons ng Presidential Communications Operations Office noong Enero 4 ay nagsabing:

“Kung babalikan natin, ‘yung 1987 Constitution ay hindi naman talaga ‘yan representante ng talagang diwa ng mga Pilipino sapagkat yung ang nagbalangkas ng Konstitusyon na ‘yan ay pinili lang rin ni Cory Aquino.”

Idinagdag niya:

“At pagkatapos nilang gawin ang Konstitusyon, itinalaga na na ‘yun yung Konstitusyon. Hindi naman talaga yan dumaan sa sinasabing tamang proseso.”

Pinagmulan: PCOO, Pros & Cons with Usec. Joel Sy Egco – Charter Change, Enero 4, 2019, panoorin mula 21: 34-22: 03

ANG KATOTOHANAN

Ang pahayag ni Gadon ay hindi totoo; ang 1987 Konstitusyon ay pinagtibay ng walo sa bawat sampung mga Pilipino sa isang pambansang plebisito Pebrero 2 sa parehong taon.

Sa 21.8 milyong boto mula sa 83,000 mga presinto sa buong bansa, 16.6 milyon ang para sa pagpapatibay ng Konstitusyon at 4.95 million lamang ang hindi pabor. Mayroong 200,000 Pilipino na hindi sumali sa pagpili.

Ang plebisito ay ginanap wala pang apat na buwan pagkatapos na isumite ang binalangkas na Konstitusyon na ginawa ng Constitutional Commission na binuo ni dating Pangulong Aquino.

Ang 1986 na provisional constitution ay nag utos sa Komisyon na magsagawa ng mga pampublikong pagdinig upang “siguraduhin na ang mga tao ay magkakaroon ng sapat na pakikilahok sa pagbabalangkas ng Bagong Saligang Batas” at nagbigay ng 60 araw para sa isang plebisito matapos ang pagsusumite ng binuong konstitusyon.

Isang panukala na baguhin ang 1987 Konstitusyon at baguhin ang sistema ng gobyerno ng bansa mula sa unitary sa pederal ay inaprubahan ng House of Representatives noong Dis. 12.

Si Gadon, abugado ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang kasong pandarambong at isa sa kanyang in-house na mga tagapayo, ay isang masalitang tagasuporta ng agenda ng pederalismo ng gobyerno.

Kilala rin siya sa pangunguna sa petisyon na baguhin ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport pabalik sa Manila International Airport, at sa pagsampa ng reklamong impeachment laban kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si Gadon ay kasalukuyang nahaharap sa mga kaso ng disbarment, kasama ang pag gawa ng dirty finger at pagmumura sa mga tagasuporta ni Sereno sa isang rally noong Abril 2018.

Siya ay tumatakbo sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan, isang partidong pampulitika na itinatag ng diktador Ferdinand Marcos Sr.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

PCOO, Pros & Cons with Usec. Joel Sy Egco – Charter Change, Jan. 4, 2019

Official Gazette, Constitution Day – Evolution of the Philippine Constitution

Official Gazette, Proclamation 3, s. 1986

Official Gazette, Proclamation No. 58, s. 1987

Philstar.com, In final vote, House approves charter change, Dec. 12, 2018

ABS-CBN News, House approves draft federal charter on 3rd reading, Dec. 11, 2018

BusinessMirror, Draft federal charter hurdles House on third reading, Dec. 12, 2018

Rappler.com, Who is Larry Gadon, the man behind one Sereno impeachment complaint?, Oct. 6, 2018

ABS-CBN News, Duterte meets lawyer behind impeachment complaint vs Sereno, April 4, 2018

Philstar.com, Gadon denies Duterte’s hand in Sereno impeachment, April 4, 2018

Larrygadon.com, Meet Atty. Larry Gadon

Rappler Youtube Channel, Gadon curses, raises middle finger at Sereno supporters, April 9, 2018

Inquirer.net, 4TH disbarment case filed against Sereno accuser Gadon, April 25, 2018

CNN Philippines, Blogger files 4th disbarment case vs Gadon, April 24, 2018

ABS-CBN News, New disbarment case filed against Gadon, April 24, 2018

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.