Dalawang maling akusasyon ang pinakawalan ni Lorenzo “Larry” Gadon, isang abogadong kandidato sa pagka-senador, sa isang pahayag na tadtad ng pagmumura laban sa Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia Research, mga kumpanyang gumagawa ng survey.
Nahuhuli sa pinakahuling survey ng mga kandidatong gusto ng mga botante, si Gadon ay nagpetisyon noong Enero 21 sa Commission on Elections (Comelec) na pagbawalan ang dalawang kumpanya na maglabas ng mga resulta ng survey bago mag eleksyon. Sinabi niya na ang mga survey ay “paraan ng pagkokondisyon ng pag-iisip (ng tao).”
PAHAYAG
Ilang linggo pagkatapos ilabas ng media ang resulta ng senatorial survey na iniuugnay sa SWS at Pulse Asia, binatikos ni Gadon ang dalawang kumpanyang gumagawa ng survey sa isang viral na video sa Facebook:
“Limampu’t-limang milyon ang botanteng Pilipino. Mag-su-survey sila ng 1,800 tapos idedeklara nila ‘yung mga top 12 daw? Aba eh nakapakalaking kalokohan!”
Pinagmulan: Facebook.com, MOCHA USON BLOG, Enero 21, 2019, panoorin mula 0:08 hanggang 0:19
Ang video, na share ng 61 pahina ng Facebook kasama na ang sa dating Communications Assistant Secretary Mocha Uson, ay maaaring umabot sa 7.3 milyong tao.
ANG KATOTOHANAN
Mayroong higit 61 milyong rehistradong botante na magpapasiya ng resulta ng halalan sa Mayo 13, ayon sa Comelec. Ang binigay ni Gadon na bilang (ng botante) ay kulang ng 6 milyon.
Noong Setyembre 2018, nag survey ang SWS ng 1,500 katao sa buong bansa: 600 mula sa Balance Luzon at 300 bawat isa sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Noong Disyembre, ang Pulse Asia ay nag interbyu ng 1,800 katao, na pinili batay sa detalyadong pamamahagi na ito.
Ang bilang ng mga taong sumagot sa survey ng SWS at Pulse Asia kaugnay ng eleksiyon ay may batayan sa istatistika.
Ang bilang ng mga taong tinanong sa bawat survey ay nakuha sa pamamagitan ng “sampling,” isang proseso ng istatiska na ginagamit ng mga mananaliksik sa buong mundo upang pumili ng isang sample ng mga indibidwal na kakatawan sa isang populasyon.
Ang Philippine Statistics Authority, ang sentral na ahensya ng istatistika ng gubyerno, ay gumagamit ng sampling sa survey nito sa buong bansa ng mga kabahayan para makakuha ng datos tungkol sa puwersang manggagawa, demograpiko ng kalusugan, kinikita at ginagastos, at iba pa.
Ginagamit din ng mga mananaliksik ang sampling para malaman kung aling mga katangian ang pinahahalagahan ng lipunan sa mga kalalakihan at kababaihan, upang siyasatin ang ugnayan sa pagitan ng paggamit ng social media at depresyon, at upang alamin ang ranggo ng mga pinakamasasayang bansa sa mundo, bukod sa iba pang mga bagay.
Sa mga survey sa halalan, sa halip na mag interbyu ng bawat miyembro ng populasyon — halimbawa, 61 milyong rehistradong botanteng Filipino — inaalam ng mga kumpanyang gumagawa ng survey ang kinatawang “sampol” na sumasalamin sa mga pananaw ng bobotong populasyon sa isang partikular na panahon.
Ipinaliwanag ng American Association for Public Opinion Research (AAPOR), isang pangkat ng mga propesyunal na mananaliksik ng opinyon ng publiko at mga survey, ang lohika sa likod ng sampling: “Kung maaari nating piliin ang mga tumutugon sa survey nang palambang at naaangkop mula sa mas malaking populasyon, ang mga resulta mula sa palambang na sample ay napakalapit sa kung ano ang makukuha natin sa pamamagitan ng pakikipanayam sa bawat miyembro ng populasyon.”
Ang World Association for Public Opinion Research (WAPOR) at ang World Association for Social, Opinion and Market Research (ESOMAR) ay nagsabi na habang ang survey bago mag eleksyon ay inaasahan na maging tumpak sa kanilang mga pagtatantya ng pagbilang ng boto, sila ay “hindi dapat ituring na mga prediksyon talaga, “kung hindi bilang” isang salamin ng opinyon nung oras na isinagawa ang survey. ”
Mga pinagkunan ng impormasyon:
American Association for Public Opinion Research, Why Sampling Works
American Association for Public Opinion Research, What is a Random Sample?
American Association for Public Opinion Research, Sampling Methods for Political Polling
Gallup International, Happiness, Hope, Economic Optimism: Gallup International’s 41st Annual Global End of Year Survey
Inquirer.net, Senate bet says surveys a form of mind conditioning, fake news, Jan. 21, 2019
Pew Research Center, Strong Men, Caring Women, July 24, 2018
Philippine Statistics Authority, Average Family Income in 2015 is Estimated at 22 Thousand Pesos Monthly (Results from the 2015 Family Income and Expenditure Survey), Oct. 24, 2016
Philippine Statistics Authority, Technical Notes on the Labor Force Survey (LFS), May 4, 2012
Philippine Statistics Authority, National Demographic and Health Survey 2018, October 2018
Pulse Asia Research, December 2018 Nationwide Survey on the May 2019 Senatorial Elections
Pulse Asia Research, Ulat ng Bayan June 2018 Technical Details
Social Weather Stations, SWS survey on senatorial preferences reported in Inquirer.net (10/12/2018) was sponsored by Mr. Alde Joselito Pagulayan, Oct. 12, 2018
Wiley Online Library, Association between social media use and depression among U.S. young adults, Jan. 19, 2016