Sa loob ng pitong oras noong Hunyo 21, binago ng Malacañang pahayag nito tungkol sa paggamit ng mga face shield sa loob ng gusali lamang bilang bahagi ng mga health at safety protocol laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang tanghaling press briefing, sinabi ni Palace Spokesperson Harry Roque na “ang malinaw ay ang mga face shield ay hindi na kailangan sa labas.”
Ngunit, sa isang tweet dakong alas-7 ng gabi, sinabi ng tagapagsalita, “ayon sa payo ng mga dalubhasa sa kalusugan at dahil sa Delta variant,” idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagsusuot ng mga face shield sa loob at labas ng bahay ay “ipinag-uutos pa rin.”
Kinumpirma ito ni Duterte sa kanyang pampublikong address na ipinalabas dakong alas-10 ng gabi noong araw na iyon. Humingi siya ng paumanhin sa mga Pilipino, sinabi na ang pamahalaan ay dapat na “panatilihin” ang sapilitang patakaran sa face shield dahil sa “klase ng agresibong impeksyon” ng mga bagong variant ng COVID-19 virus. Kapansin-pansin, hindi siya nakasuot ng face shield sa kanyang address.
Halos isang taon matapos na ipag-utos ng gobyerno ang pagsusuot ng proteksiyon sa panloob at panlabas na mga setting, ang ilang mga mambabatas at lokal na opisyal ay nanawagan sa mga lokal na eksperto sa kalusugan na muling pag-aralan ang sapilitan na patakaran ng gobyerno na magsuot ng face shield.
Sinubaybayan ng VERA Files Fact Check ang pag-usad ng patakaran ng gobyerno sa pagsuot ng face shield, at kung paano nagbago ang mga direktiba nito — sa ilang mga kaso ay bumaligtad — sa paglipas ng panahon.
Ang global team ng public health experts na binuo ng international non-profit Meedan ay nagsabing mayroong “limitadong patnubay para sa kung kailan o kung ang publiko ay dapat magsuot ng parehong mga face mask at mga face shield.”
Sinabi ng OCTA research group na “sinusuportahan” nito ang desisyon ng gobyerno na panatilihin ang ipinag-uutos na patakaran sa face shield, na sinasabing “ang science ay nagpapahiwatig na ang mga face shield ay nagbibigay ng may 9% karagdagang proteksyon” mula sa COVID-19 transmission.
Hindi inirerekumenda ng United States Centers for Disease Control and Prevention ang paggamit ng face shield lamang bilang kahalili ng mga face mask. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Isko Moreno mali sa binanggit na pag-aaral ng US ‘CDC’ tungkol sa low effectiveness ng mga face shield)
Sinabi ng World Health Organization sa interim guidelines for face masks nito na inisyu noong Disyembre 2020 na ang face shield ay “hindi dapat isaalang-alang bilang katumbas ng mga mask” sa mga tuntunin ng proteksyon na ibinibigay nito mula sa respiratory droplets, kabilang sa mga pangunahing paraan ng transmission ng COVID-19 virus.
Gayunpaman, ang parehong mga alituntunin ay nagmungkahi na ang mga face shield ay “maaaring isaalang-alang bilang isang kahalili” para sa mga taong hirap makarinig, pati na rin ang mga may kapansanan sa pag-iisip at respiratory impairment, na isinasaalang-alang na ang mga face shield ay “inferior” sa mga mask sa paghadlang sa droplet transmission.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
PTV Philippines Official Youtube Channel, PANOORIN: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque | June 21, 2021, June 21, 2021
Radio Television Malacañang – RTVM Official Facebook Page, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan | Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19, June 21, 2021
Business Mirror, DOH: Continue wearing face shields, Covid cases are still increasing, June 3, 2021
Rappler, Review sought for mandatory wearing of face shields in PH, June 9, 2021
Manila Bulletin, DOH says face shield an ‘added protection’ vs COVID-19, June 5, 2021
Timeline Sources
- Department of Health, Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines, May 15, 2020
- Department of Transportation, Memorandum Circular No. 2020-014, Aug. 3, 2020
- Official Gazette of the Philippines, Joint Memorandum Circular No. 20-04-A, s. 2020, Aug. 15, 2020
- Department of Labor and Employment, DTI and DOLE Supplemental Guidelines strengthen worker protection against Covid-19, Aug. 16, 2020
- Official Gazette of the Philippines, Resolution No. 68 Series of 2020, Sept. 3, 2020
- Department of Health, DOH COVID-19 CASE BULLETIN #173, Sept. 3, 2020
- Department of Health, Resolution No. 88 Series of 2020, Dec. 14, 2020
- Department of Health, MEMORANDUM CIRCULAR No. 2021-0007, Jan. 12, 2021
- PTV Philippines Official Facebook Page, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque | May 24, 2021, May 24, 2021
- Department of Health, DOH: FACE SHIELDS PROVIDE ADDED LAYER OF PROTECTION AGAINST COVID-19, June 4, 2021
- PTV Philippines Official Youtube Channel, PANOORIN: Public Briefing #LagingHandaPH | June 16, 2021, June 16, 2021
- PTV Philippines Official Youtube Channel, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque | June 17, 2021, June 17, 2021
- Sen. Tito Sotto Official Twitter Account, Last night, the President…, June 17, 2021
- PTV Philippines, PANOORIN: Symbolic Vaccination ng mga seafarers sa Palacio de Maynila, Roxas Blvd., Manila, June 17, 2021
- PTV Philippines Official Youtube Channel, PANOORIN: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque | June 21, 2021, June 21, 2021
- Radio Television Malacañang – RTVM Official Facebook Page, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan | Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19, June 21, 2021
Meedan, About, Accessed June 25, 2021
Meedan’s Health Desk, How effective is it to use only a face shield to protect from COVID-19?, Updated June 18, 2021
Manila Standard, Face shield use science-based, says Palace, June 25, 2021
CNN Philippines, OCTA supports mandatory face shield policy, June 25, 2021
ANC Official Youtube Channel, Expert: Face shields provide additional 9% protection against COVID-19 | ANC, June 17, 2021
U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Guidance for Wearing Masks, Updated April 19, 2021
World Health Organization, Mask use in the context of COVID-19: Interim Guidance, Dec. 1, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)