Mixed signals ang ipinadala ng administrasyong Duterte sa United States (U.S) kaugnay ng isang “arrangement” sa mga usapin sa defense nang suspindihin nito kamakailan ng panibagong anim na buwan ang pagpapawalang-bisa ng Visiting Forces Agreement (VFA).
PAHAYAG
Sa isang pahayag noong Nob. 11, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kay White House National Security Adviser Robert O’Brien:
“[M]y President, Rodrigo Roa Duterte, has instructed me to convey with the appropriate formality his decision to extend the suspension of the abrogation of the Visiting Forces Agreement by yet another 6 months, to enable us to find a more enhanced, mutually beneficial, mutually agreeable, and more effective and lasting arrangement on how to move forward in our mutual defense.
(Inatasan ako ng aking Pangulo, Rodrigo Roa Duterte, na iparating sa naaangkop na pormalidad ang kanyang desisyon na palawigin ang pagsuspinde sa pagpapawalang- bisa sa Visiting Forces Agreement ng isa pang 6 na buwan, upang makahanap tayo ng mas pinahusay, parehong kapaki-pakinabang, kapwa katanggap-tanggap, at mas epektibo at pangmatagalang kasunduan sa kung paano uusad ang ating mutual defense.)”
Pinagmulan: Department of Foreign Affairs, Statement of Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin, Jr. on VFA Extension, Nob. 11, 2020, panoorin dito
ANG KATOTOHANAN
Ang dahilan na binanggit ni Locsin para sa pagpapalawig ng suspensyon sa liham noong Nob. 11 kay O’Brien — na para sa parehong bansa na “makahanap ng isang mas pinahusay … kapwa katanggap-tanggap … at pangmatagalang arrangment” sa defense — ay sumasalungat mga nakaraang pahayag ni Duterte at Malacañang.
Noong Peb. 11, ang petsa ng termination notice, sinabi ng noo’y presidential spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ang pangulo ay “hindi papansinin ang anumang inisyatiba na magmumula sa gobyerno ng United States upang sagipin ang VFA.”
Ang VFA ay isang bilateral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at U.S. na naglalahad ng mga tuntunin at kundisyon sa pagpasok at pagbisita ng U.S. troops sa bansa. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Visiting Forces Agreement, ipinapaliwanag)
Sa mga sumunod na panayam sa media, sinabi ni Panelo na si Duterte ay “hindi bukas” sa muling negosasyon. Hindi rin ito naghahanap ng bagong military agreements sa ibang mga bansa. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Palasyo kinontra ang AFP chief, sinabing PH ‘hindi bukas’ sa mga bagong military agreement)
Sa pagsipi sa pangulo, sinabi ni Panelo sa panayam ng media noong Peb. 12:
“Hindi pu-pwedeng forever (habang buhay) tayong…relying (umaasa)—umaasa tayo sa ibang bansa sa ating depensa eh. Kailangan palakasin natin ang ating puwersa, mga resources natin. Tumayo na tayong mag-isa.”
Source: ABS-CBN News, Duterte may also scrap EDCA, says Panelo: ‘Mukhang ayaw niya na rin’ | DZMM, Peb. 12, 2020, panoorin mula 0:23 hanggang 0:44
Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ng dating tagapagsalita na ang pangulo ay “maingat na pinag-aralan ang pagwawakas” ng kasunduan.
Mismong si Duterte, sa isang talumpati noong Peb. 26, ay nagsabing ang Pilipinas ay “walang karapatan na maging isang republika” kung hindi nito “kayang mabuhay bilang isang bansa” nang walang “lakas at kapangyarihan” ng militar ng U.S.
Kahit na matapos ang mga pag-uusap sa pagitan ni Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez at ang kanyang katapat tungkol sa pagkakaroon ng kasunduan na mas naaayon sa “pag-iisip” ng pangulo, sinabi ni Panelo na ang posisyon ni Duterte ay “hindi pa rin nagbabago.”
Ngunit noong Hunyo 1, ipinagbigay-alam ni Locsin sa U.S. Embassy sa isang diplomatic note ang tungkol sa desisyon ng gobyerno na pansamantalang suspindihin ang pagwawakas ng VFA “bunga ng political order at iba pang mga development sa rehiyon.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte nagbago ng isip sa pagtatapos ng PH-US VFA)
Tulad ng nakasaad sa tala ng Hunyo 1, ang suspensyon ay may bisa para sa paunang anim na buwan (hanggang Dis. 1) at maaaring palawigin ng isa pang anim na buwan, na pagkatapos “ang umpisa ng intial period sa Notę Verbale Blg. 20-0463 na may petsang Peb. 11, 2020 (magpapawalang-bisa sa VFA) ay magpapatuloy.”
Samakatuwid, sa extension ng Nob. 11, ang pagwawakas ng VFA ay magkakabisa “69 araw pagkatapos ng 1 Hunyo 2021,” sinabi ng Department of Foreign Affairs sa isang mensahe sa mga reporter.
Sa isang pahayag na malugod na tinatanggap ang pangyayari, sinabi ng U.S. Embassy na ang “alyansa ng U.S. at Pilipinas ay mananatiling mahalaga sa aming matatag, malalim na ugnayang bilateral na relasyon” at ang U.S. ay “magpapatuloy na malapit na katuwang ng Pilipinas upang palakasin ang aming ugnayan sa seguridad.”
Mga Pinagmulan
Department of Foreign Affairs, Statement of Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin, Jr. on VFA Extension, Nov. 11, 2020
Department of Foreign Affairs official Twitter account, SFA @teddyboylocsin Statement on VFA Extension, Nov. 11, 2020
Office of the Presidential Spokesperson official Facebook page, “On the termination of the Visiting Forces Agreement with the United States,” Feb. 11, 2020
Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “@DFAPHL The Deputy Chief of Mission of the Embassy of the United States has received the notice of termination of the Visiting Forces Agreement…,” Feb. 11, 2020
Official Gazette, Agreement Between the Government of the Republic of the Philippines and the Government of the United States of America Regarding the Treatment of United States Armed Forces Visiting the Philippines, Feb. 10, 1998
ABS-CBN News, Duterte may also scrap EDCA, says Panelo: ‘Mukhang ayaw niya na rin’ | DZMM, Feb. 12, 2020
Presidential Communications Operations Office, Interview with Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador S. Panelo by Michelle Ong – Early Edition/ANC, Feb. 13, 2020
RTVMalacanang, Oath-Taking of the NCCA Officials and Presentation of the 12th Ani ng Dangal Awardees (Speech), Feb. 26, 2020
CNN Philippines, HAPPENING NOW: Legal experts, diplomats, and former and incumbent officials weigh in on the termination of the [VFA], Feb, 28, 2020
Office of the Presidential Spokesperson, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo, March 2, 2020
Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “I issued this diplomatic note to the US ambassador. It has been received by Washington and well at that…,” June 2, 2020
U.S. Embassy in the Philippines, Statement of the U.S. Embassy in the Philippines on the Suspension of the VFA Termination, Nov. 12, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)