Ilang mga social media user, kabilang ang dating brodkaster ng ABS-CBN na si Jay Sonza, ang nag share sa Facebook (FB) ng niretokeng litrato ng isang ABS-CBN News van, na ipinangalandakang tumaob habang nangangalit ang Bagyong Ulysses sa Luzon noong Nob. 12.
PAHAYAG
Sa isang tinanggal na FB post, si Sonza, hayagang kritiko ng ABS-CBN, ang nagbahagi ng screengrab ng isang ulat mula sa primetime newscast ng network na TV Patrol tungkol sa isang ABS-CBN van na sinasabing tumaob habang kino-cover ang kontrobersyal na “dolomite” beach sa Manila Bay, habang binaha ng Bagyong Ulysses ang mga bahagi ng Metro Manila at mga karatig bayan. Ang nakasaad sa screengrab ng news ticker:
“ABS-CBN van tumaob habang binabantayan ang dolomite sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.”
Pinagmulan: Jay Sonza official Facebook account, “Isa lamang ito sa mga iniwang bakas ng Bagyong Ulysses…” [Archive], Nob. 13, 2020
Nagdagdag si Sonza ng isang caption:
“Isa lamang ito sa mga iniwang bakas ng Bagyong Ulysses. One must learn from experience (Dapat matuto ang tao sa karanasan).”
Hindi bababa sa 40 na iba pang mga FB account, kabilang ang maraming pages at groups na nagdadala ng pangalang “Duterte,” ang naglathala din ng dinoktor na litrato at nagsaya sa sinasabing pagbangga ng kotse na kinasasangkutan ng mga tauhan ng network.
ANG KATOTOHANAN
Mali ang post ni Sonza. Isang cursory search ang nagpakita na ang litrato ay manipulasyon ng kopya ng thumbnail ng isang ulat na balita sa TV Patrol mula Hunyo 2010.
Ayon sa ulat, ang van ng network na papunta sa Ilocos Sur ay tumaob sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) makaraan sumabog ang isang gulong nito sa likod. Nakaligtas sa sakuna ang tatlong tauhan ng ABS-CBN na nakasakay sa sasakyan.
Sa isang tweet noong Nob. 13, tinawag ng ABS-CBN News ang umiikot na imahe bilang “disinformation” at sinabi na ang pahayag ay hindi totoo. Ang reporter ng ABS-CBN na si Jerome Lantin, na nagbabantay sa sitwasyon sa Manila Bay noong Nob. 12, ay hindi nag-ulat ng pagkakasangkot sa anumang banggaan sa kalsada.
Ang pinakamaagang traceable na kopya ng dinoktor na litrato ay nai-post ng 10:03 a.m noong Nob. 12 ng isang gumagamit ng FB, na mayroong kasaysayan ng pag-post ng anti-ABS-CBN content. Ngunit sinulat ng netizen sa kanyang caption: “NOTE: EDITED MEDIA SATIRE.”
Si Sonza at maraming iba pang FB users, groups, pages ay nag-post ng binagong litrato nang walang katulad na disclaimer. Kabilang sa mga pinakamaagang nasubaybayan na kopya ng mga nasabing bersyon na walang caption na nagbibigay ng konteksto ay nai-post ng isang gumagamit ng FB na nakabase sa Davao City sa anim na grupo ng FB na pro-Duterte at overseas Filipino workers’ FB groups, halos isang oras at kalahati matapos na mailathala ang unang post, batay sa social media monitoring tool na CrowdTangle.
Ang maling post ni Sonza ay lumitaw isang araw matapos ang epekto ng malakas na pag-ulan at malakas na hangin ng Bagyong Ulysses, na nagresulta sa matinding pagbaha sa iba`t ibang bahagi ng Luzon, tulad ng Marikina City at mga bayan sa lalawigan ng Rizal, Cagayan, at Isabela.
Ang kanyang post ay nakakuha ng hindi bababa sa 483 shares, 688 comments, at higit sa 5,300 reactions bago niya ito tinanggal ilang oras pagkatapos mag-post. Ang ilan sa mga tagasunod ni Sonza na nagkomento sa post ay nagsaya sa pekeng insidente, at kinuwestiyon ang ABS-CBN sa pag cover sa kontrobersyal na dolomite beach ng Manila Bay sa kasagsagan ng isang mapanirang bagyo.
Ang tinaguriang dolomite beach, ang P28-milyong beach nourishment project, ay gumamit ng durog na dolomite rocks na kinuha sa minahan mula sa bayan ng Alcoy, Cebu upang makagawa ng isang artipisyal na white sand beach sa isang bahagi ng baybayin ng Manila Bay malapit sa compound ng U.S. Embassy. Sinimulang ng gobyerno ang pagtatambak ng mga dolomite noong unang bahagi ng Setyembre.
Ang proyekto, gayunpaman, ay umani ng batikos mula sa environmental groups at mga eksperto, tulad ng Oceana Philippines at University of the Philippines-Marine Science Institute, sa pagiging hindi epektibo sa pagtugon sa ecological problems ng Manila Bay tulad ng soil erosion at polluted na tubig, at ang potensyal na peligro na sanhi ng mga dolomite sa marine life at sa mga tao. (Tingnan ang Toxicologist: Dolomite particles may cause cancer, other diseases)
Mga Pinagmulan
Jay Sonza official Facebook account, Isa lamang ito sa mga iniwang bakas ng Bagyong Ulysses… [Archived], Nov. 13, 2020
ABS-CBN, Two ABS-CBN News crew survive road accident, June 10, 2020
ABS-CBN News official Twitter account, Spreading lies and malicious information at a time of calamity is a disservice to the country. Stop disinformation…, Nov. 13, 2020
ABS-CBN reporter Jerome Lantin, @JeromeLantin official Twitter account, Accessed Nov. 18, 2020
National Disaster Risk Reduction SitRep no. 03 re Preparedness Measures and Effects for TY ULYSSES, Nov. 13, 2020
Department of Environment and Natural Resources, Frequently Ask Questions (FAQs) on the Dolomite and the Beach Nourishment Project for the Rehabilitation of Manila Bay, Accessed Nov. 18, 2020
Department of Environment and natural Resources, Cebu’s Dolomite, Sept, 7, 2020
Dolomites dumped in September
- Philippine Star, Workers on Thursday prepare the white sand at the Manila Bay…, Sept. 3, 2020
- Inwquirer.net, DENR won’t stop ‘Manila Beach’ project despite criticisms, Sept.9, 2020
- Interaksyon, Workers on Thursday prepare the white sand at the Manila Bay, Sept. 3, 2020
Media man Ely Saludar, BiSERBISYOng LENI with Media man Ely | September 6, 2020 – Linggo, 9AM, Sept. 6, 2020
Oceana Philippines, STATEMENT: Oceana Raises Questions on Dumping of White Sand on Roxas Boulevard, Sept. 3, 2020
UP Marine Science Institute, Official Statement…, Sept. 30, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)