Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Jay Sonza sa pagbigay ng solong kredito kay Duterte sa unang ‘landport’ ng bansa

Nagakamali ang dating newscaster na si Jay Sonza sa pagbibigay ng natatanging kredito sa administrasyong Duterte kaugnay ng pagtatatag ng unang integrated land transport terminal ng bansa, ang Parañaque Integrated Terminal Exchange.

By VERA FILES

Nov 15, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Nagakamali ang dating newscaster na si Jay Sonza sa pagbibigay ng natatanging kredito sa administrasyong Duterte kaugnay ng pagtatatag ng unang integrated land transport terminal ng bansa, ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sinabi ni Sonza sa isang status update sa Facebook Nob. 5 na dalawang taon lamang ang kinailangan ni Duterte para maitayo ang terminal na limang presidente ang nabigong gawin sa loob ng tatlong dekada.

PAHAYAG

Nang araw mismo na
pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PITX, sinulat ni Sonza:

“Umabot ng higit sa 30 taon at 5 Pangulo (Cory Aquino, Fidel Ramos, Erap Estrada, Gloria Arroyo at Noynoy Aquino) bago ang isang disenteng integrated terminal para sa mga pampublikong sasakyan ang maitayo.

“Dalawang taon lamang sa puwesto, ang administrasyong Duterte kasama ang suporta mula sa pribadong sektor, ang proyekto ay tapos na.

“Daig pa ang mga airport terminal sa ganda, linis, kagamitan at facilities. Maari naman palang mangyari ang dapat kung gugustuhin
.”

Pinagmulan: Sonza, J., “It took more than 30 years and 5 Presidents,” Nob. 5, 2018

KATOTOHANAN

Habang ang “landport” ay binuksan sa ilalim ng administrasyong Duterte, ang proyektong PITX ay nagsimula noong Nob. 15, 2012, sa ilalim ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ayon sa Build Build Build website ng gobyerno.

Ang proyektong ito ay sakop ng Executive Order No. 67 na inilabas ni Aquino noong Peb. 21, 2012, na nag-uutos sa paglikha ng dalawang integrated terminal transport terminal sa hilaga at timog Metro Manila. Ang proyektong Public-Private Partnership ay dating tinatawag na Southwest Integrated Terminal Exchange.

Ang pag-bid para sa
proyekto ay
binuksan noong Enero 2014, kung saan ang MWM Terminals Inc. ang
nanalo pagkaraan ng isang taon.

Sa isang pahayag sa opisyal na Facebook page isang araw pagkatapos ng inagurasyon ng PITX, sinabi ng Department of Transportation na ang proyekto ay hindi nagsimula sa ilalim ng Duterte:

“Una sa lahat, ang administrasyong Duterte ay hindi natutulan na hindi nito pinamunuan ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na proyekto.

Ang concession agreement para sa proyekto ay nilagdaan noong 24 April 2015, sa ilalim ng nakaraang administrasyon. Gayunman, malinaw ring inilabas lang ang ‘Notice to Proceed’ para sa proyekto noong 17 October 2016.”

Pinagmulan: opisyal na Facebook page ng Department of Transportation, “PAGLILINAW sa mga isyung ibinabato kaugnay ng PITX,” Nob. 6, 2018

Idinagdag pa ng DOTr na nagsimula ang konstruksiyon noong Okt. 21, 2016, at natapos noong Abril 17.

Ang P9-trilyong Build, Build, Build na programa ni Duterte madalian ang pag-apruba at pagpapatupad ng 75 pangunahing proyektong imprastrakturang na naglalayong “mapalakas ang paglago ng ekonomiya,” ayon sa National Economic Development Authority.

Maraming mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build ang nauna pa sa termino ni Duterte. Kabilang sa mga ito ang pagpapalawak ng Mactan-Cebu International Airport, na nagsimula noong 2010 sa ilalim din ni Aquino, at pagpapagawa ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway na iminungkahi noong 1996, panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ang hindi totoong post ni Sonza ay maaaring umabot sa higit 1.3 milyong tao. Ang trapiko sa istorya mula sa social media ay nagmula higit sa lahat sa mga pahina ng Duterte Today, DuterteSerye, at BONGBONG MARCOS: CYBER SQUAD.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.