Nabulabog ang social media noong Biyernes ng umaga nang ilabas ng Philstar.com ang isang ulat sa Philippine Star na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 29 ang isang bagong batas na ipinagbabawal ang fake news.
ANG PAHAYAG
Ang headline ng istorya online noong Sept. 1 online ay “Ang pagkalat ng fake news isang krimen na ngayon.”
Sinabi nito:
“Pinirmahan ni Pangulong Duterte ngayong linggo ang Republic Act 10951, na kinabibilangan ng isang probisyon na nagpapataw ng mga parusa sa taong napapatunayang nagkakalat ng fake news na maaaring makaapekto sa pampublikong kaayusan.
(Pinagkunan: Philstar.com, Spreading fake news now a crime, Sept. 1, 2017)
Ang istorya ay nakuha na ng lagpas 24,000 likes sa Facebook, at 4,680 shares.
FACT
Ang batas na nagpapataw ng parusa sa maling balita ay umiiral na, tulad ng nakasaad sa Revised Penal Code (RPC), na ipinasa noong 1930.
Sa kanyang sponsorship speech noong Enero, sinabi ni Sen. Franklin Drilon, ang may-akda ng Republic Act No. 10951, ang bagong batas ay sinususugan lamang ang batas upang ibalik ang “proportionality ng krimen at parusa,” sa pamamagitan ng pag update ng lumang mga parusa upang tumugma sa kanilang mga katumbas sa pera sa 2017.
“Maaari natin tuwirang sabihin na ang pagtaas ng multa ay walang kinalaman sa pagtaas ng insidente ng fake news,” sabi ni Drilon sa VERA Files.
Iniugnay ng Philstar ang anggulo ng fake news sa Article 154 ng Code/Batas, na nagbabawal sa “ipinagbabawal ng batas na paggamit ng mga paraan ng paglalathala at ipinagbabawal na pananalita.”
Sinasabi sa parehong Artikulo, “Ang sinumang tao na sa pamamagitan ng pag imprenta ng litograpya, o anumang iba pang paraan ng paglalathala ay dapat maglathala o gumawa ng paraan upang mailathala bilang balita ng anumang maling balita na maaaring magdala ng panganib sa pampublikong kaayusan, o maging sanhi ng pinsala sa interes o reputasyon ng Estado. ”
Gayunpaman, sinabi ni Drilon na “ang mga sinususugan na probisyon ay hindi pinipili,” dahil tinatalakay ng batas ang lahat ng 99 krimen na may mga parusang multa sa RPC, kabilang ang Article 154.
Sa pag-aayos ng mga halaga, ginamit ng batas ang pormula ng Department of Justice: I-divide/Hatiin ang alinman sa “halaga ng ari-arian o pinsala, halaga na may kinalaman sa krimen, o multa” ng minimum na sahod na P2.50 noong 1930, at imultiplika ng P500, ang kasalukuyang pinakamataas na minimum wage rate.
Nangangahulugan ito na ang parusa para sa Article 154, na mula P200 hanggang 1000 noong taong 1930, ngayon ay nasa P40,000 hanggang P200,000, bukod pa sa hanggang anim na buwan na pagkakabilanggo.
Sabi ng abogadong si Marlon Anthony Tonson ng Philippine Internet Freedom Alliance ang bagong batas ay tumutukoy lamang sa pagsasaayos ng mga multa at hindi ang paglikha ng isang bagong krimen, sa kasong ito, ang fake news.
“Ang pagtukoy sa isang bagong krimen sa ilalim ng (RPC) ay maaari lamang gawin sa isang hiwalay na batas na ginawa para sa partikular na layuning iyon,” sinabi ni Tonson sa VERA Files sa isang text message.
BACKSTORY
Isang hiwalay na panukalang batas laban sa fake news ang nakabinbin sa Committee on Public Information and Mass Media ng Senado.
Si Sen. Joel Villanueva ang may akda ng Senate Bill No. 1492, na naglalayong parusahan ang mga tao at mga platform na maglalathala o magkakalat ng fake newss sa babasahin, broadcast at online, na doble multa para sa mga opisyal ng gobyerno.
Partikular na itinatakda ng panukala ang fake news na naglalayong mag hasik ng “takot, dibisyon, gulo, karahasan at poot, at black propaganda.”
Mga pinagmulan:
Cruz, R. C. (2002). The Revised Penal Code with Related Laws, Fourth Edition. Quezon City: UP Law Complex.
Sponsorship speech of Sen. Franklin Drilon, Jan. 31, 2017