Maaaring may katotohanan ang kanyang pahayag na pinagmamalupitan niya ang Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN, ngunit mali si Pres. Duterte sa pagmamalaki na siya lamang ang presidente na umatake sa parehong organisasyon ng media.
ANG PAHAYAG
Sa isang talumpati noong Agosto 24 sa Marawi City, sinabi ni Duterte:
“Kaya ako lang ang Presidente na bumibira ng Inquirer pati ABS-CBN. Binababoy ko talaga. Kasi alam nila basura eh.”
Pinagkunan: Speech of Pres. Rodrigo Roa Duterte during his Visit to Marawi City, panuorin mula 7:19 to 7:27
Karaniwan sa kanyang mga talumpati, gumamit ang presidente ng dalawang kolokyalismo, “bumibira” at “binababoy.” Ang una maaaring isalin bilang – umatake; ang ikalawa, malapit sa pandiwang pagmalupitan.
FACT
Taliwas sa kanyang paghahabol, hindi si Duterte ang unang pangulo na umatake sa Inquirer o ABS-CBN.
Nasangkot si dating Pres. Joseph Estrada, mayor ngayon ng Manila, sa isang advertising boycott laban sa Inquirer, na naglabas ng mga ulat na kritikal sa kanyang administrasyon.
Sinabi ng Committee to Protect Journalists, sa ulat nitong Attacks on the Press 1999: Philippines:
“Ang palasyo ng pampanguluhan ay isinangkot din sa isang advertising boycott na inorganisa laban sa pinakamalaking pang araw-araw na dyaryo sa bansa, ang Philippine Daily Inquirer, na nag ulat tungkol sa malawakang mga iskandalo sa pamahalaan. Noong Hulyo, halos lahat ng mga producer ng pelikulang Pilipino ay nagkansela ang kanilang mga advertisement sa Inquirer matapos ang isang pakikipagpulong sa presidente, na isang sikat na bituin sa pelikula bago pumasok sa pulitika. Sinabihan ang mga dyaryo sa Maynila ng ilan sa mga nasa pagpupulong na hiniling ni Estrada na bawiin nila ang kanilang mga advertisement bilang isang kapalit ng pagbibigay ng mga tax break sa industriya ng pelikula. “
Dagdag ng parehong ulat ng CPJ:
“Kasabay nito, maraming mga korporasyon na pag-aari ng gobyerno at mga negosyong pro-Estrada ang nagtanggal ng kanilang mga advertisement sa dyaryo.”
Ang katulad na bersyon ng pangyayaring ito ay lumabas din sa isang kabanata ng librong Southeast Asian Affairs 2000 na isinulat ni political science professor si Miriam Colonel-Ferrer, at sa isang artikulo na inilathala ng Center for Media Freedom and Responsibility.
Makalipas ang isang dekada, si dating Pres. Benigno Aquino III, sa ilang mga okasyon, ang umatake sa ABS-CBN, dahil sa tinawag niyang “negatibismo.”
Sa isang talumpati sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng pangunahing palabas ng ABS-CBN sa gabi na TV Patrol, tinuligsa ni Aquino ang anchor nito, si dating vice president Noli De Castro, dahil sa bitaw ng mga suntok sa kanyang administrasyon.
Sabi ni Aquino:
“Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa mismong pagsasa-ayos ng inirereklamo niya, pero ngayon tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na nga ang tutugon dito pero ang masakit nga ho, may gana pa tayong hiniritan nung nagpamana.”
Pinagkunan: Speech of former Pres. Benigno Aquino III during the 25th Anniversary of TV Patrol, panuorin mula 5:11 to 5:28
Muling binanatan ni Aquino si De Castro, na mas kilala bilang “Kabayan,” sa isang talumpati/speech noong 2014 sa Oriental Mindoro, ang bayang pinagmulan ng broadcaster. Sinabi niya:
“At ngayon, bagaman tinutugunan na natin ang mga problemang ipinamana sa atin, hindi pa rin nagsawa sa paghirit ang itinuturing kayong ‘kabayan’.”
Pinagkunan: Speech of President Aquino at the briefing on major infrastructure projects in Mindoro Island
BACKSTORY
Gayunman, sa lahat ng kanyang ipinapakita, at sa sarili niyang paglalarawan, pinagmamalupitan ni Duterte ang Inquirer at ABS-CBN, pinagbabantaang gagamitin ang puwersa ng pamahalaan laban sa dalawa.
Sa isang talumpati/speech noong Abril 27, nagbanta siyang harangin ang pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, na inakusahan niya ng “panloloko” sa kanya at iba pang mga kandidato sa pamamagitan ng hindi pag-ere sa kanilang mga advertisement noong panahon ng eleksyong 2016.
Ang iba’t ibang mga ulat ng balita ay nagsasabi na sinabi ni Duterte:
“Inocho ninyo. Pu**** *na harap-harapan mag-kolekta kayo, tapos i-estafa ninyo kami. Kaya magsasampa ako ng reklamo. Kongreso, hindi kelangan i-renew ito.”
Pinagkunan: Rappler, SunStar, BusinessWorld
Naunang maglabas ang ABS-CBN ng isang pahayag na nagsasabing ang prangkisa nito para makapagpatakbo ng mga istasyon ng telebisyon at radyo ay mawawalan ng bisa sa 2020, at ang sinasabing ang prangkisa ay hindi na ipagpapatuloy ay “purong/pawang haka-haka.”
Sa isa pang talumpati/speech noong Agosto 16, nagbanta si Duterte ng kasong economic sabotage dahil sa di-nababayarang buwis laban sa mga may-ari ng Inquirer, na sinabi niyang naglalathala ng mga di-kanais-nais na editorial tungkol sa kanya.
Sabi ni Duterte:
“Kayo ‘yung pu**** *na nakatira diyan sa gobyerno, 50 taon … Tapos, hindi kayo nagbayad sa gobyerno ng kahit na anong buwis. At kumulekta kayo diyan sa Mile Long. Alam mo kung ano ‘yan? Pareho ‘yan kay Mighty King. Mag-bayad ka ng stamps? Iyan ay economic sabotage. ‘Pag ‘yan ang finile ni Aguirre sa inyo, pasok kayong lahat. Kasama kayo ni De Lima. Walang piyansa ‘yan.”
Pinagkunan: Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the 19th Founding Anniversary of the Volunteers against Crime and Corruption, panuorin mula 38:53 to 39:44
Ang Mile Long ay tumutukoy sa isang ari-arian na dating inookupahan ng Sunvar Realty, isang ahensya ng real estate na pag-aari ng mga Prieto-Rufino, mga may-ari rin ng Inquirer.
Ang negosyanteng si Ramon Ang ay kasalukuyang may hawak ng majority stake sa broadsheet. Minsan nang sinabi ni Duterte sa isang talumpati na inalok ni Ang na ibili siya ng isang jet.
Mga pinagkunan:
Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the 19th Founding Anniversary of the Volunteers against Crime and Corruption
Database on the Killing of Journalists in the Philippines since 1986
Manila Bulletin. Ramon Ang buys out Prietos from PDI
CNN Philippines. Ramon Ang accepts offer to invest in Inquirer Group
ABS-CBN News. Ramon Ang to buy majority stake in Inquirer
Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Groundbreaking Ceremony of Biyaya ng Pagbabago Housing Project
Arrival Statement and Press Conference by President Rodrigo Roa Duterte on his visits to Cambodia, Hong Kong, and China
Speech of President Rodrigo Duterte during the Cine Lokal Grand Launch, watch from 13:45 to 14:18
Press Conference, Davao City, June 2, 2016, watch from 27:34-31:30
Sunstar. Duterte threatens to block renewal of ABS-CBN’s congressional franchise
Businessworld. Duterte nixes ABS-CBN franchise renewal
Rappler. Duterte to block renewal of ABS-CBN franchise
Speech of President Aquino at the briefing on major infrastructure projects in Mindoro Island
GMA Network. PNoy calls out media for negative reporting, defends Cabinet members
The Manila Standard. Aquino slams ‘negativism’ in media, draws fire in turn
DZRH News. Media told: remove ‘negativism’
Speech of President Benigno Aquino III during the 25th Anniversary of TV Patrol, watch 4:55 to 5:28
The Media and Political Change in Southeast Asia
Philippine Press Freedom Report 2007
Back to the past: A timeline of press freedom
Attacks on the Press 1999: Philippines