Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte inamin na ginamit ang ‘kapangyarihan ng pangulo’ laban sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, salungat sa dating neutral na paninindigan

WHAT WAS CLAIMED

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “ginamit niya ang kapangyrihan ng pangulo” para kalabanin ng Kongreso ang ABS-CBN broadcasting network.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Noong Hulyo 2020, sinabi ng Malacañang na si Duterte at ang executive branch ay “neutral ang paninindigan” sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa panibagong prangkisa. Iginiit ng Malacañang na ang pagbasura sa aplikasyon ng prangkisa ng broadcasting network ay isang “natatanging karapatan” ng Kongreso.

By VERA Files

Jun 28, 2022

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Tatlong araw bago bumaba sa puwesto, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang punong ehekutibo para kalabanin ng mga mambabatas ang ABS-CBN. Taliwas ito sa mga naunang pahayag na hindi siya nakialam sa hindi pag-renew ng legislative franchise ng broadcasting network.

PAHAYAG

Sa panunumpa ng mga bagong halal na lokal na opisyal sa Davao City, naglabas ng galit si Duterte sa Maynilad at Manila Water, ABS-CBN, at Philippine Daily Inquirer, bukod sa iba pa, na inilarawan niya sa mga nakaraang talumpati bilang mga kumpanyang pag-aari ng mga “oligarchs.” Sinabi niya:

“Ang ABS-CBN kahit kailan ay hindi nagbayad ng buwis … Ana kawatan ng ABS-CBN     kaya tinira ko talaga sila. Ginamit ko ang kapangyarihan ng pangulo para sabihin sa Kongreso na nakikipag-ugnayan kayo sa mga salbahe. At kung magpapatuloy kayo sa pagyuko sa kanila, kawawa ang Pilipino.”

 

Pinagmulan: GMA News official YouTube channel, LIVESTREAM: Pres. Duterte leads oath-taking of local officials and House members in Davao City, Hunyo 27, 2022, watch from 18:10 to 19:40

 

ANG KATOTOHANAN

Noong Hulyo 2020, sinabi ng Malacañang na si Duterte at ang executive branch ay “nanatiling neutral ang paninindigan” sa aplikasyon para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sinabi ng noo’y presidential spokesperson Harry Roque sa isang pahayag noong Hulyo 10, 2020, noong araw ding tinanggihan ng House committee on legislative franchise ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong 25-taong lisensya, na:

“Ang desisyon ng House of Representatives Committee on Legislative Franchises na tanggihan ang aplikasyon ng prangkisa ng ABS-CBN Corporation ay tanging karapatan ng Kongreso na kinikilala namin sa Ehekutibo. Napanatili ng Palasyo ang isang neutral na paninindigan sa isyu dahil iginagalang nito ang pagkakahiwalay ng mga kapangyarihan sa pagitan ng dalawang magkapantay na sangay ng gobyerno.”

 

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office official website, On the House resolution on ABS-CBN Corporation, Hulyo 10, 2020

(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Mga nakaraang pahayag ni Duterte pinasisinungalingan ang sinabi ni Roque na ‘neutral’ ang presidente sa isyu ng ABS-CBN)

Noong Pebrero 2020, sinabi ni Duterte sa mga mamamahayag na hindi siya “manghihimasok” sa isyu nang tanungin kung tatanggapin niya ang paghingi ng tawad ng presidente ng network na si Carlo Katigbak, para sa pagpapalabas ng isang patalastas na kritikal sa kanya noong 2016 elections.

Sinabi ni Duterte na tinanggap niya ang paghingi ng tawad, pagkatapos ay idinagdag:

“Sa totoo lang, dumistansiya ako … Ito ngayon ay nasa — pinag-uusapan na nila sa Kongreso, ang lower House at ang Senate. At may plano na magpasa sila ng pinagsamang resolusyon … Ang kritikal na hakbang ay nasa Kamara at sinasabi ko sa inyo na hindi ako makikialam.”

 

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office official website, Media interview of President Rodrigo Roa Duterte … (transcript), Pebrero 26, 2020, panoorin mula 0:33 hanggang 1:34

Nawala sa ere ang ABS-CBN noong Mayo 5, 2020, matapos mag-expire ang 25-taong legislative franchise nito. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ano ang susunod para sa ABS-CBN matapos mawala ang prangkisa?)

Sinabi rin ni Duterte na ang ABS-CBN ay nagbabayad lamang ng buwis sa real estate para lamang sa apat na ektarya ng lupa bagama’t ito ay sumasakop sa isang 40-ektaryang ari-arian. Sa mga pagdinig ng Kongreso noong 2020, paulit-ulit na nilinaw ng mga opisyal mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Securities and Exchange Commission na ang network ay walang anumang pananagutan na buwis.

(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte mali sa pahayag na ‘lumabag’ sa pagbabayad ng buwis ang ABS-CBN)

Noong nakaraang Marso 31, muling nagbanta ang pababang pangulo na ang ABS-CBN ay “hindi na makakabalik sa ere” maliban na lamang kung ito ay magbabayad ng tamang buwis.

 

Tala ng editor: Ang link sa video ng pahayag ni Duterte noong Hunyo 27 sa Davao City ay hindi na mabuksan. Pinalitan ito ng livestream video ng parehas na talumpati ni Duterte mula sa GMA News. 

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

GMA News official YouTube channel, LIVESTREAM: Pres. Duterte leads oath-taking of local officials and House members in Davao City, Hunyo 27, 2022

Presidential Communications Operations Office official website, Speech of President Rodrigo Duterte in his meeting with the Filipino community, Abril 14, 2017

Presidential Communications Operations Office official website, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Cine Lokal Grand Launch, Abril 19, 2017

Presidential Communications Operations Office official website, SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE DURING THE PARTIDO DEMOKRATIKO PILIPINO – LAKAS NG BAYAN (PDP-LABAN) PROCLAMATION RALLY IN CEBU, Marso 31, 2022

Presidential Communications Operations Office official website, On the House resolution on ABS-CBN Corporation, Hulyo 10, 2020

ABS-CBN News official website, Duterte accepts ABS-CBN apology over 2016 pol ad, Pebrero 26, 2020

Presidential Communications Operations Office official website, Media interview of President Rodrigo Roa Duterte … (transcript), Pebrero 26, 2020

ABS-CBN News official website, ABS-CBN to go off air in compliance with NTC order, Mayo 5, 2020

ABS-CBN News official YouTube channel, WATCH: Senate hearing on ABS-CBN compliance with franchise terms and conditions, Pebrero 24, 2020

Supreme Court of the Philippines official website, G.R. No. 252119, Agosto 25, 2020

House of Representatives official YouTube channel, Committee on Legislative Franchises Joint with Committee on Good Government and Public Accountability Day 10, Hulyo 1, 2020

Presidential Communications Operations Office official website, Talk to the People,  Pebrero 8, 2021

Presidential Communications Operations Office official website, President Rodrigo Roa Duterte updates the nation on the government’s efforts in addressing the coronavirus disease (COVID-19) at the Malago Clubhouse in Malacañang on April 6, 2020. – Presidential Communications Operations Office, Abril 6, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.