VERA FILES FACT CHECK: Drilon mali ang pahayag na sa batas noong panahon ni PNoy exempted sa pagbabayad ng buwis ang napanalunan ng mga atleta
Sa pagtatama ng pahayag ni Palace Spokesperson Harry Roque na hindi pa naipapasa ng Kongreso ang batas na mag-eexempt sa mga atleta sa pagbabayad ng buwis sa kanilang mga napanalunan, nagkamali si Senate Minority Leader Franklin “Frank” Drilon sa pagsabing ang Republic Act No. 10699, na pinagtibay noong 2015 sa termino ng yumaong Pangulong Benigno Aquino III, ay nagbigay na ng tax exemption para sa mga napanalunan sa national at international na mga sports competition.