Muling iginiit ni Communications Undersecretary Lorraine Badoy, na tagapagsalita rin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na si Bise Presidente Leni Robredo ay “nakipagsabwatan” sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at mga piling party-list group sa halalan noong Mayo.
PAHAYAG
Sa isang Facebook post, nagpahayag ng pagkadismaya si Badoy na nagawa ng Kabataan party list na “napataas ng kalahating milyong ang boto (nito)” habang ang iba pang mga grupo na na-red-tag sa kanyang tinatawag na “CPP-NPA-NDF partylist groups,” ay nagkaroon ng “malaking pagbaba” ng mga nakuhang boto noong May 9 elections kumpara sa mga nakaraang botohan.
Pagkatapos ay sinabi niya:
“We attribute these votes to the treachery of Leni Robredo who colluded with the CPP NPA NDF…”
(Ang mga boto na ito ay dahil sa kataksilan ni Leni Robredo na nakipagsabwatan sa CPP NPA NDF…)
Pinagmulan: NTF-ELCAC Official Facebook Page, READ | Statement on CPP-NPA-NDF Partylists Groups (archive), Mayo 22, 2022
Sinisi niya si Robredo, na hindi naman nag-endorso sa Kabataan party list, at sinabing:
“For the record, if Leni Robredo had not conspired with this terrorist organization, there would have been one less seat in Congress for this terrorist organization…”
(Para sa kaalaman [ng lahat], kung hindi nakipagsabwatan si Leni Robredo sa teroristang organisasyong ito, mababawasan sana ng isang puwesto sa Kongreso para sa teroristang organisasyong ito…)
ANG KATOTOHANAN
Pinabulaanan ng abogadong si Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, ang mga akusasyon ni Badoy, at sinabing ang mga ito ay “malinaw at ganap na kasinungalingan,” at “pinabulaanan nang paulit-ulit.”
Binigyang-diin ni Gutierrez na walang naipakitang pruweba upang patunayan ang “walang taros na paratang.”
Sa isang text message sa VERA Files Fact Check, sinabi ng papasok na Kabataan party list Rep. Raoul Manuel na ang pahayag ni Badoy ay bahagi ng “disinformation efforts” ng NTF-ELCAC upang talunin ang representasyon nito ng mga kabataan sa Kongreso.
Si Badoy, na isang undersecretary sa Presidential Communications Operations Office, ay nagsabi sa parehong post na ang task force ay nagsampa ng disqualification cases laban sa Kabataan, Gabriela Women’s Party list, at Alliance of Concerned Teachers, at nakatakdang magsampa pa ng maraming kaso.
Sa isang pahayag noong Mayo 25, nanawagan si Gabriela Women’s Party list Rep. Arlene Brosas na ibasura ang disqualification case na isinampa ng NTF-ELCAC, at sinabing ito ay “nakaangkla sa red-tagging at pekeng mga pahayag.”
Si Badoy ay nahaharap sa mahigit walong reklamo sa Office of the Ombudsman, kabilang ang mga paglabag umano sa Republic Act 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards para sa mga pampublikong opisyal at empleyado.
Ang mga reklamo ay batay sa nilabag niya umanong batas sa pag red-tag sa human rights groups, health care workers, aktibista, think tank Ibon Foundation, at mga personalidad tulad ni Maria Ressa, chief executive officer ng online news Rappler; Rep. Sarah Elago, ang outgoing Kabataan party list representative; at Ana Patricia Non, organizer ng Maginhawa community pantry.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
NTF-ELCAC Official Facebook Page, READ | Statement on CPP-NPA-NDF Partylists Groups (archive), May 22, 2022
Personal Communication (Viber) with Raoul Manuel, May 26, 2022
Gabriela Women’s Partylist Official Twitter Account, “This old, fabricated…”, May 25, 2022
Office of the Ombudsman, Republic Act No. 6713, Accessed May 27, 2022
On Badoy’s cases at the Ombudsman
- Human rights groups
-
- CNN Philippines, More groups file complaint vs Badoy over red-tagging of Robredo, supporters, March 30, 2022
- Inquirer.net, Badoy hit with another complaint at Ombudsman for red-tagging Robredo, March 30, 2022
- Philstar.com, Badoy faces second admin complaint in a week over red-tagging of VP Robredo, March 30, 2022
- Health care workers
- Inquirer.net,Health workers file raps vs Badoy on Ombudsman for alleged red-tagging, April 7, 2022
- Philstar.com, Lorraine Badoy sued again at Ombudsman for tagging health workers as CPP-NPA, April 7, 2022
- GMA News Online, Health workers group files raps vs. Badoy for alleged red-tagging, April 7, 2022
- Activists
- Philstar.com, NTF-ELCAC’s Lorraine Badoy sued at Ombudsman over red-tagging spree, March 23, 2022
- CNN Philippines, Badoy faces 3 new Ombudsman complaints for red-tagging Robredo, March 23, 2022
- Business World Online, Anti-communist task force’s Badoy faces complaints for red-tagging, spreading ‘fake news’, March 23, 2022
- Ibon Foundation
- Ibon Foundation, IBON files historic first red-tagging complaint with Ombudsman against Parlade, Badoy, Esperon, Feb. 9, 2020
- Inquirer.net, Ibon sues Parlade, Badoy, Esperon for red-tagging activists, Feb. 10, 2020
- Philstar.com, IBON asks ombudsman to ‘punish’ Duterte admin officials for red-tagging, Feb. 10, 2020
- Maria Ressa
- Philstar.com, Lorraine Badoy sued — again — at Ombudsman for labeling Maria Ressa as state enemy, April 19, 2022
- CNN Philippines, Maria Ressa files complaint vs. Badoy over red-tagging, name-calling, April 19, 2022
- Inquirer.net, Maria Ressa sues Badoy over ‘malicious, defamatory’ name-calling, April 19, 2022
- Sarah Elago
- Inquirer.net, Elago files raps vs NTF-ELCAC top brass at Ombudsman, Dec. 7, 2020
- Rappler, Elago files complaint vs 6 NTF-ELCAC officials over red-tagging, Dec. 7, 2020
- Philstar.com, More raps filed vs NTF-ELCAC execs over red-tagging, fake news, Dec. 7, 2020
- Ana Patricia Non
- Rappler, Badoy faces another complaint for red-tagging community pantries, April 13, 2022
- Inquirer.net, Mom of food pantry advocate sues Lorraine Badoy, April 14, 2022
- Philstar.com, Badoy sued for red-tagging community pantries, April 14, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)