Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos sa bumababang utang ng gobyerno nakaliligaw

WHAT WAS CLAIMED

Bumaba ang ginawang pangungutang ng pambansang pamahalaan mula P2.58 trilyon noong 2021 hanggang P2.16 trilyon noong 2022, na nagpapatunay na epektibo ang patakaran sa pamamahala ng budget ng kanyang administrasyon.

OUR VERDICT

Nakapanlinlang:

Ang datos ay tumutukoy lamang sa mga kabuuang utang o bagong utang na hiniram ng gobyerno. Bagama’t tama na bumaba ang mga ito, sinabi ng Freedom from Debt Coalition na tumaas pa rin ng 13.71% o P1.67 bilyon ang natitira o kabuuang utang ng pambansang pamahalaan — mula P12.1 trilyon noong 2021 hanggang P13.8 trilyon noong 2022 — dahil ang gobyerno ay nanghihiram ng higit sa binabayaran nito.

By VERA Files

Mar 17, 2023

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iba’t ibang post sa social media na bumaba ang pangungutang ng pambansang pamahalaan mula P2.58 trilyon noong 2021 hanggang P2.16 trilyon noong 2022, na nagpapatunay na epektibo ang patakaran sa pamamahala ng budget ng kanyang administrasyon.

Ito ay nakaliligaw.

PAHAYAG

Nakasaad sa mga caption ng mga post sa social media ni Marcos na:

“Mas mababa ng 16% ang ating inutang para sa 2022 kumpara sa taong 2021! Patunay ito na epektibo ang ating polisiya sa pangangasiwa ng ating budget at pagpapababa ng pagdepende natin sa utang para matugunan ang mga pangangailangan natin sa bansa.”

 

Pinagmulan: Bongbong Marcos official Facebook page, Mas mababa ng 16% ang ating inutang…, Marso 13, 2023

ANG KATOTOHANAN

Ang mga post ni Marcos ay tumutukoy lamang sa mga gross borrowing o bagong utang na hiniram ng gobyerno. Bagama’t tama ang sinabi niya na bumaba ang mga ito, ipinunto ng Freedom from Debt Coalition na tumaas pa rin ang outstanding o kabuuang utang ng pambansang pamahalaan dahil mas malaki ang utang ng gobyerno kaysa binabayaran nito.

 

Ang natitirang utang ng gobyerno ay tumaas ng 13.71% o P1.67 bilyon — mula P12.1 trilyon noong 2021 hanggang P13.8 trilyon noong 2022.

Sinabi rin ng Coalition na ang mga gross borrowing ay hindi isang tamang tagapagpahiwatig ng isang pagpapabuti ng pambansang debt burden dahil 40% ng mga kita ng gobyerno mula sa buwis noong 2022 ay napunta sa pagbabayad ng utang ng bansa.

Tinantya ng Bureau of Treasury ang debt-to-gross domestic product ratio ng bansa sa 60.9%, mas mataas sa international threshold na 60%. Ito ay naglalagay sa Pilipinas sa panganib ng credit downgrade, na magpapahirap at magtataas ng babayaran na interes kapag humiran ng pera ang bansa. (Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Is the Philippine debt still ‘manageable’?)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Bongbong Marcos official Facebook page, Mas mababa ng 16% ang ating inutang…, March 13, 2023

Bongbong Marcos official Twitter, Mas mababa ng 16% ang ating inutang…, March 13, 2023

Investopedia, Should You Look at Net Debt or Gross Debt?, accessed on March 16, 2023

Freedom from Debt Coalition, Personal communication (Email), March 15, 2023

Bureau of Treasury, National Government Debt Service, 2022

Bureau of Treasury, National Government Financing, 2022

Bureau of Treasury, National Government Cash Operation Report, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.