Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Panelo sa pagbitiw ni Robredo sa Gabinete nangangailangan ng konteksto

Ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pag alis ni Vice President Leni Robredo sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 ay kulang ng konteksto.

By VERA Files

Nov 21, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pag alis ni Vice President Leni Robredo sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 ay kulang ng konteksto.

PAHAYAG

Sa Nob. 6 na episode ng kanyang talk show na “Counterpoint” na ginawa ng Presidential Communication Operations Office, binatikos ni Panelo si Robredo dahil sa pagiging “hindi patas” matapos na umano’y “papurihan” sa kanyang Instagram account ang tugon ng mga lokal na opisyal ng Catanduanes, ngunit hindi si Duterte at pambansang gobyerno, o kahit si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na “mabuti” na nakabisita pa rin ang bise presidente sa Catanduanes na tinamaan ng bagyo. Ngunit idinagdag ng chief presidential legal counsel:

“Kaya lang, sabi niya, ‘Sana marami kaming resources para mas lalo akong nakatulong.’ Eh ikaw naman, eh kung hindi ka umalis sa Cabinet — hindi ka naman pinaalis — ‘di sana mas matindi ang dating, marami kang koneksyon. O ‘di ba? You created your own problem (Ikaw ang gumawa ng sarili mong problema).”

Pinagmulan: Presidential Communication Operations Office, SEC. PANELO SLAMS VP ROBREDO’S LOPSIDED REMARKS ON TYPHOON AFTERMATH, Nob. 6, 2020, panoorin mula 1:44 hanggang 2:08

ANG KATOTOHANAN

Bagamat totoo na si Robredo ay nagbitiw sa Gabinete ni Duterte noong 2016 bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), ginawa lamang niya ito matapos na pagbawalan nang pumunta sa mga pagpupulong ng Gabinete.

Noong Dis. 4, 2016, si Robredo ay sinabihan ng noo’y Cabinet secretary Leonico “Jun” Evasco Jr., sa isang text message, na “tumigil sa pagdalo sa lahat ng [mga pagpupulong] ng Gabinete” na iniutos ng pangulo.

Si Duterte, sa hindi bababa sa tatlong magkakahiwalay na panayam sa media, ay nagsabi na ito ay dahil sa umano’y pakikilahok ni Robredo sa mga “oust-Duterte” rally, na tahasang itinanggi ng bise presidente. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Panelo distorts reason behind order to bar Robredo from Cabinet meetings in 2016).

Sa kanyang resignation letter kay Duterte noong Dis. 5, 2016, sinabi ni Robredo na sa direktiba ng pangulo na huwag na siyang dumalo sa mga pagpupulong sa Gabinete ay “naging imposible para sa [kanya] na gawin ang [kanyang] trabaho.” Kaya, “ang pananatili sa iyong Gabinete ay naging hindi na makatuwiran,” dagdag niya.

Isang pagsusuri sa mga post ng bise presidente sa kanyang opisyal at personal na mga account sa Instagram mula Nob. 1 — nang unang mag landfall ang Super Typhoon Rolly — hanggang Nob. 6 ay walang ipinakitang mga post na pinupuri ang mga lokal na opisyal ng Catanduanes sa kanilang relief efforts.

Sa isang Nob. 3 tweet, nagbahagi si Robredo ng mga update sa kanyang pagbisita sa mga bayan ng Virac at Bato sa lalawigan. Habang nagkaroon ng matinding “pagkasira,” sinabi niya:

“…you can feel the LGUs at work, with most roads cleared and establishments starting to open. Catanduanos have played a big part with their sense of community: bigger and sturdier houses taking in those in smaller ones, looking out for neighbors.

(…mararamdaman mo ang mga LGU na nagtatrabaho, na ang karamihan sa mga kalsada ay nalinis at ang mga establisimiyento ay nagsisimulang buksan. Malaking bahagi ang naging papel ng Catanduanos na may pagpapahalaga sa pamayanan: ang may mas malaki at mas matibay na mga bahay ang tumutulong sa mga mas maliit, umaalalay sa mga kapit-bahay.)”

Pinagmulan: Leni Robredo official Twitter account, “Amid the damage…,” Nob. 3, 2020

Nang araw ding iyon, sa kanyang personal na Facebook account, sinabi ng bise presidente, “sa kabila ng pagkasira [sa Catanduanes]” — kabilang sa “pinakamatinding tinamaan” ng super typhoon — “maramdaman mong nagtratrabaho ang mga lokal na pamahalaan.

Isang araw bago ito, nag-post si Robredo ng update sa Facebook tungkol sa kanyang pagbisita sa Camarines Sur, na matindi ring nasaktan ng Super Typhoon Rolly, na nagsasabing:

It is times like this when you wish you had more resources or more mandate. But then you get to talk to barangay officials, tanods, village leaders. They are the ones taking care of these people on a daily basis. I am sure their frustrations are far greater than ours. And we can never thank them enough for all the work they are doing for our people.

(Ito ang mga panahon na sana mas maraming mapagkukunan o may higit na kakayahang mag utos. Ngunit makakausap mo ang mga opisyal ng barangay, mga tanod, pinuno ng nayon. Sila ang nangangalaga sa mga taong ito araw-araw. Sigurado ako na ang kanilang pagkadismaya ay mas malaki matindi kaysa sa atin. At hindi magiging sapat ang ating pasasalamat sa lahat ng mga ginagawa nila para sa ating mga kababayan.)”

Pinagmulan: Leni Gerona Robredo Facebook account, “Some updates before I call it a day…,” Nob. 2, 2020

Sa pinakabagong ulat nito, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kabuuang 522,600 pamilya o halos dalawang milyong katao ang apektado ng bagyo, na sumalanta sa Regions II, III, IV-A, IV-B, V, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region.

Sa parehong ulat, naitala ng council ang humigit-kumulang na 170,773 na bahay at P5-bilyong halaga ng mga pananim, livestock, fisheries, at agricultural facilities ang nasira sa mga apektadong rehiyon.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacañang, Counterpoint with Secretary Salvador Panelo 11/6/2020, Nov. 6, 2020

Presidential Communications Operations Office Official Facebook Page, SEC. PANELO SLAMS VP ROBREDO’S LOPSIDED REMARKS ON TYPHOON AFTERMATH, Nov. 6, 2020

Office of the Vice President of the Philippines, Statement of Vice President Leni Robredo on her Resignation as HUDCC Chair, Dec. 4, 2016

Presidential Communications Operations Office, PRRD names VP Robredo Housing Secretary, July 7, 2016

Office of the Vice President of the Philippines, Statement of VP Leni Robredo on her appointment as Chairperson of HUDCC, July 7, 2016

Vice President Leni Robredo official Facebook page, Criticism is not conspiracy…, Dec. 30, 2016

Vice President Leni Robredo official Facebook page, Vice President Leni Robredo’s resignation letter, Dec. 5, 2016

Instagram, Vice President Leni Robredo’s Official Instagram Account, Accessed Nov. 19, 2020

Instagram, Leni Robredo’s Personal Instagram account, Accessed Nov. 19, 2020

Facebook, VP Leni Robredo, Accessed Nov. 19, 2020

Facebook, Leni Gerona Robredo, Accessed Nov. 19, 2020

Twitter, Leni Robredo (@lenirobredo), Accessed Nov. 20, 2020

Leni Gerona Robredo Facebook account, Some updates before I call it a day, Nov. 2, 2020

Leni Gerona Robredo Facebook account, Visited Catanduanes this morning, Nov. 3, 2020

Relief Web of the UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, Philippines: Super Typhoon Goni (Rolly) and Typhoon Vamco (Ulysses) – Flash Update No. 4 (as of 12 November 2020, 11 p.m. local time), Nov. 12, 2020

National Disaster Risk Reduction and Management Council, Situation Report No. 12 for Super Typhoon Rolly, Nov. 11, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.