Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: ‘Buy one, get scammed free’: Mga scam, nagkalat sa social media nitong 2022

Iba-iba ang mga modus ng bogus posts na nagkalat sa social media: mga biglaang anunsyo ng ayuda, mga gamot ng iba’t ibang sakit at mga pila ng tao na bibili ng bagsak-presyo na aircon.

By Enrico Berdos and Bryan Manalang

Dec 28, 2022

1-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Noong nagsimula ang COVID-19 pandemic, maraming Pilipino ang nahikayat na gumamit ng mga serbisyo online. Mula sa pagtanggap ng ayuda, pakikihalubilo sa mga kapamilya’t kaibigan, hanggang sa pagsa-shopping, lumaki ang pakinabang ng karaniwang tao sa internet. Ngunit kasabay rin nito ang pagdami ng online scams.

Ngayong 2022, 41 sa 383 online claims na dinebunk ng VERA Files Fact Check ay mga scam.

Iba-iba ang mga modus ng bogus posts na nagkalat sa social media: mga biglaang anunsyo ng ayuda, mga gamot ng iba’t ibang sakit at mga pila ng tao na bibili ng bagsak-presyo na aircon.

Magbalik-tanaw tayo sa mga scam na na-fact-check ng VERA Files Fact Check mula Enero hanggang Nobyembre.

Panoorin ang video.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.