Maaaring maantala ang hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na, pagdating ng Disyembre, wala nang COVID-19 sa Pilipinas sa tulong ng novel coronavirus vaccine ng Russia.
Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director Genera Eric Domingo sa isang panayam noong Agosto 13 sa ANC na kailangang makumpleto ng bakuna ang phase 3 ng mga clinical trial nito bago mairehistro at maaprubahan para sa pamamahagi. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Sagot sa limang tanong tungkol sa bakuna laban sa COVID-19)
Nangangahulugan na dapat itong na “subukan sa ilang libong mga pasyente,” natagpuan na “napakaliit o walang malubhang epekto,” at napatunayan na “epektibo sa pag-induce ng isang immune response.”
Ang Sputnik V, ang COVID-19 vaccine na tinaguri ni Russian President Vladimir Putin bilang “una sa mundo,” ay hindi pa natatapos ang ikatlong yugto ng mga clinical trial — isang mahalagang hakbang bago ito magamit sa pangkalahatang populasyon.
Kinumpirma ng Presidential Spokesperson Harry Roque noong Agosto 12 na ang bansa ay makikilahok sa phase 3 trials ng gamot, na sabay-sabay na gaganapin sa Russia at Pilipinas mula Oktubre 2020 hanggang Marso 2021.
Ang mga pag-aaral sa Phase 3 ay “madalas na hakbang bago pa maaprubahan ang isang bagong paggamot,” ayon sa World Health Organization (WHO) page tungkol sa mga clinical trial. Nilaktawan ng Russia ang karaniwang pagkakasunud-sunod ng pamamaraan at sa halip ay inirehistro muna ang bakuna nito bago subukan ito para sa ikatlong yugto.
Sinabi ni Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development, sa isang panayam noong Agosto 13 sa CNN Philippines na pagkatapos ng mga clinical trial — inaasahan na magtatapos sa unang bahagi ng Enero 2021 — ang mga manufacturer ng bakuna ay pag-aralan at isusumite ang ulat sa mga awtoridad ng Russia. Kapag naaprubahan, ang ulat ay isusumite sa regulatory authorities ng ibang mga bansa, kabilang ang FDA ng Pilipinas.
Ang pagsusuri ng FDA sa mga resulta ay tinatayang magpapatuloy sa loob ng isa hanggang dalawang buwan. Kasunod ng timeline na ito, sinabi ni Montoya na maaaring maaprubahan ang bakuna bandang Abril 2021, sakaling pumasa ito sa masusing pagsusuri ng FDA. Pagkatapos lamang nito maaaring ibenta ang bakuna sa merkado ng Pilipinas.
Halos 1,000 malusog, sapalarang napiling mga Pilipino ang makikilahok sa nasabing mga trial. Mga indibidwal na may edad 18 hanggang 59 taong gulang ang bibigyan ng unang pagkakataon na makalahok sa mga pagsubok, ayon kay Dr. Nina Gloriani, propesor sa University of the Philippines Manila College of Public Health at miyembro ng sub-Technical Working Group ng bansa para sa mga vaccine trial.
Gayunpaman, ang listahan ng WHO noong Agosto 10 ng lahat ng mga kandidatong bakuna para sa COVID-19 ay nagpapakita na ang Sputnik-V, na binuo ng Gamaleya Institute sa Russia, ay nasa unang yugto pa lang ng mga clinical evaluation.
Sa 28 kandidatong bakuna sa buong mundo na nasuri na sa klinika, anim lamang ang nasa ikatlong yugto ng mga pagsubok, kabilang ang mga bakuna na binubuo sa United Kingdom, China, at United States.
Maraming pagdududa kaugnay sa bakuna, na may mga ulat na maaaring “minadali” ito ng Russia para mauna sa COVID-19 vaccine development sa buong mundo.
Ito, na ginatungan pa ng kawalan ng magagamit na datos ang publiko sa Sputnik-V, ay nagbubunga ng mga katanungan tungkol sa pagiging epektibo at kaligtasan nito.
Sinabi ng WHO, sa bahagi nito, na ito ay “malapit na nakikipag-ugnay sa mga awtoridad sa kalusugan ng Russia” sa pagtalakay sa proseso ng prequalification para sa bakuna. Kasama dito ang “isang mahigpit na pagsusuri at pagtatasa” ng lahat ng natipon na datos mula sa mga clinical trial.
Noong nakaraang linggo, sinabi rin ni WHO spokesperson Christian Lindmeier na ang anumang bakuna na “dapat ay […] na dumadaan sa lahat ng iba’t ibang mga trial at pagsubok bago mabigyan ng lisensya para sa pag-roll-out,” na nasipi sa mga ulat sa media.
Lumabas ang pahayag na ito pagkatapos sabihin ni Russian Industry and Trade Minister Denis Manturov na target ng bansa ang serial production ng bakuna “na kasing aga ng Setyembre,” ayon sa state media TASS noong Agosto 3.
Dalawang araw bago nito, binanggit ng state-run news agency RIA Novosti si Russian Health Minister Mikhail Murashko sa pagpapahayag na ang pagbabakuna ng masa sa bansa ay nakaplano para sa Oktubre.
Mga Pinagmulan
Inquirer.net, Palace: Duterte willing to be ‘guinea pig’ for Russia vaccine, but it depends on PSG, Aug. 12, 2020
Manila Bulletin, Palace: Duterte willing to be a guinea pig for Russia’s COVID-19 vaccine if PSG allows it, Aug. 12, 2020
The Times of Israel, Philippines’ Duterte says he’ll be Russia vaccine ‘guinea pig’, Aug. 12, 2020
The Business Times, Philippines’ Duterte will be Russia vaccine ‘guinea pig’ as talks begin, Aug. 12, 2020
Presidential Communications Operations Office, Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Pinky Webb (CNN Philippines – The Source), Aug. 12, 2020
Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Aug. 11, 2020
Russian Direct Investment Fund Youtube channel, Meeting of the President of Russia with the Government members, 11.08.20, Russia-24, Aug. 11, 2020
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Aug. 13, 2020
CNN Philippines Youtube channel, DOST: Meeting with vaccine manufacturer productive, Aug. 13, 2020
Department of Health, WATCH: DOH Presscon, July 8, 2020
ABS-CBN News Youtube channel, Philippines to be ‘very careful’ in potential Russian vaccine trial: FDA, Aug. 13, 2020
World Health Organization, Clinical trials, n.d.
World Health Organization, DRAFT landscape of COVID-19 candidate vaccines, Aug. 10, 2020
CNN Philippines, Putin says Russia has approved ‘world first’ Covid-19 vaccine. But questions over its safety remain, Aug. 11, 2020
The New York Times, Russia Approves Coronavirus Vaccine Before Completing Tests, Aug. 11, 2020
The Washington Post, Russia unveils coronavirus vaccine ‘Sputnik V,’ claiming breakthrough in global race before final testing complete, Aug. 12, 2020
Reuters, WHO says discussing new COVID-19 vaccine with Russia, Aug. 11, 2020
The Independent, Coronavirus: Philippine president Duterte offers to be ‘injected in public’ with Russian vaccine to dispel safety concerns, Aug. 11, 2020
The Jakarta Post, WHO urges Russia to follow guidelines on virus vaccine, Aug. 5, 2020
TASS, Three Russian firms to start serial production of COVID-19 vaccine in September, Aug. 3, 2020
RIA Novosti, В России завершились клинические испытания вакцины от коронавируса, Aug. 1, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flop, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)