Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Paglipat mga preso sa Bilibid: 3 bagay na dapat mong malaman

Nailantad ang ilang kahinahinalang pagkilos sa imbestigasyon ng Senado sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) — kabilang na ang paglipat ng 10 “high profile" na mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa pasilidad ng Philippine Marines noong Hunyo 12. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Then and now: How these lawmakers stand on the death penalty)

By VERA Files

Oct 21, 2019

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Nailantad ang ilang kahinahinalang pagkilos sa imbestigasyon ng Senado sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) — kabilang na ang paglipat ng 10 “high profile” na mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa pasilidad ng Philippine Marines noong Hunyo 12. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Then and now: How these lawmakers stand on the death penalty)

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre na “inutos” niya ang paglipat, na sinabing ang mga bilanggo ay papatayin ng mga “tauhan” ng nakakulong na senador Leila De Lima. Tinawag ang pahayag ni Duterte na “kabaliwan na kaanyo ng demonyo,” sinabi ni De Lima na ang paglipat sa mga bilanggo ay sinadya upang “ihanda” ang mga saksi sa kanilang nalalapit na testimonya laban sa kanya.

Tinutukoy ni De Lima ang pito sa 10 na inilipat na mga preso ng NBP. Sina Peter Co, Hans Tan, Jojo Baligad, Vicente Sy, Froilan Trestiza, Nonilo Arile at Joel Capones ay tumestigo sa kanyang pagkakasangkot umano sa kalakalan ng iligal na droga.

Narito ang tatlong bagay na dapat mong malaman tungkol sa paglipat ng 10 bilanggo.

Mga kondisyon para sa paglilipat ng bilanggo

Section 6 ng Bureau of Corrections (BuCor) Act na nagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon ay nagbibigay sa ahensya ng awtoridad na ilipat ang mga bilanggo sa mga kampo ng militar o pulisya, pinangangasiwaan sa ilalim ng mga kondisyon ng BuCor, bilang isang “decongestion scheme at may kinalaman sa seguridad na dahilan.” Ang nasabing kasunduan ay dapat saklaw ng isang memorandum of agreement o understanding.

Wala pang sagot ang BuCor sa hiling ng VERA Files para sa kopya ng kasunduan sa Philippine Marines sa paggamit ng pasilidad nito bilang kulungan ng mga nasasakdal. Tinanggihan ng Department of Justice ang kahilingan ng VERA Files para sa parehong mga dokumento, na sinabing “wala (sa kanila) ang impormasyon.”

Tanging lalaking bilanggo lamang na itinuturing na “minimum security risk” — na maaaring “makatuwirang mapagkatiwalaan” na pagdusahan ang kanyang sentensya “sa ilalim ng hindi gaanong mahigpit na mga kondisyon” — ang maaaring payagan na ilipat sa isang pasilidad ng militar, ayon sa operating manual ng BuCor. Dapat din niya:


Sa pagdinig ng Senado noong Set. 4, si Justice Secretary Menardo Guevarra ay sumang-ayon kay Sen. Richard Gordon na kailangang makuha muna ang “pahintulot” ng korte bago ilipat sina Co at iba pa sa pasilidad ng Philippine Marines.

Noong Set. 7, isang araw matapos na aminin ni Duterte sa publiko na inutos niya ang paglipat, binago ni Guevarra ang kanyang posisyon, sinabing ang pag-apruba ng korte ay hindi na kinakailangan sa paglipat ang mga bilanggo sa isang BuCor “extension facility.”

Gayunman, sinabi ng abogado ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na si Lorenzo “Erin” Tañada at human rights lawyer at dating Sen. Rene Saguisag, sa isang panayam sa telebisyon noong Set. 9, ang paglilipat ng mga bilanggo ay nangangailangan ng pahintulot sa korte.

Sa isang email noong Oktubre 11, binanggit ng Office of the Court Administrator (OCA) ang Administrative Circular No. 6 ng Korte Suprema na may petsang Dis. 5, 1977, na nagsasabing:

No prisoner sentenced to death, reclusion perpetua or life imprisonment and who is confined in any penal institution shall be brought outside the said penal institution for appearance or attendance in any court unless authorized by the Supreme Court

(Walang bilanggo na pinarusahan ng kamatayan, reclusion perpetua o pagkabilanggo ng habangbuhay at nakakulong sa anumang institusyon ng penal ang dadalhin sa labas ng nasabing penal na institusyon para sa pagpapakita o pagdalo sa anumang korte maliban kung pinahintulutan ng Korte Suprema).”

Pinagmulan: Office of the Court Administrator, Response Letter, Okt. 11, 2019

Pito sa 10 ang inilipat na mga bilanggo na saksi sa nakabinbin na kaso

Kabilang sa 10 bilanggo ng NBP, pito — Arile, Baligad, Sy, Tan, Trestiza, Capones, at Co — ay mga saksi sa kaso ng droga laban kay De Lima, isang kriminal na pagkakasala. Batay sa operating manual ng BuCor, tinanggalan dapat ng karapatan ang mga ito sa naturang paglipat.

Noong Nobyembre 2018, naghain ng petisyon si De Lima sa Court of Appeals na hadlangan, bukod sa iba pa, ang mga bilanggong ito bilang mga testigo ng estado laban sa kanya matapos tanggihan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang kanyang mosyon. Si Ferdie Maglalang, pinuno ng Media and Communication Unit ni De Lima, ay nagsabi sa VERA Files sa isang text message noong Okt.17 na ang mosyon ay nakabinbin pa.

Inilarawan ang mga bilanggo na ‘high risk’

Lahat ng 10 bilanggo ng Bilibid na inilipat ay inilarawan bilang “high risk at high profile” sa kopya ng kanilang paglipat ng pagkakulong sa Philippine Marines na nilagdaan ni dating BuCor Director General Nicanor Faeldon noong Hunyo 12, tulad ng ipinakita sa ulat ng ABS-CBN.

Ang maximum security na mga bilanggo ay tinukoy ng manual na mga nasentensiyahan ng kamatayan o may pinakamababang parusa na 20 taong pagkabilanggo, bukod sa iba pa. Sa 10 bilanggo, sina Co, Sy, at Trestiza ay napatunayang pinagdudusahan ang reclusion perpetua o pinakamababa ang 20 taon hanggang 40 taon sa kulungan.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, SPEECH OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE DURING THE GROUNDBREAKING CEREMONY AND TIME CAPSULE LAYING FOR THE NAGA PERMANENT HOUSING PROJECT, Sept. 6, 2019

Senate of the Philippines, De Lima refutes Duterte’s claims about her continued influence over Bilibid inmates as ‘insanity in its most diabolical form’, Sept. 11, 2019

Senate of the Philippines, Sen. Leila M. de Lima’s Statement on Duterte’s and Panelo’s lying about the reason for the transfer of high-profile convicts-witnesses from Bilibid to Marines HQ, Sept. 9, 2019

Official Gazette, Revised IRR of Republic Act No. 10575, May 23, 2016

Department of Justice, Response Letter, Sept. 26, 2019

Bureau of Corrections, Operating Manual

People’s Television, Senate Hearing on Good Conduct Time Allowance Law – Day 3 – Part 2, Sept. 4, 2019

CNN Philippines, Justice chief now says no court order needed for inmates’ transfer to Marine barracks, Sept. 7, 2019

Philippine News Agency, DOJ clarifies terms of transfer for inmates, Sept. 7, 2019

ABS-CBN News, DOJ chief: President has power to order prisoner transfers, Sept. 7, 2019

ANC 24/7, Only courts have jurisdiction over prisoners’ transfer: human rights lawyers | ANC, Sept. 8, 2019

Office of the Court Administrator, Response Letter, Oct. 11, 2019

Congress of the Philippines, Committee Report No. 14, Oct. 18, 2016

GMA News Online, De Lima asks CA to bar convicts from testifying against her, Nov. 26, 2018

Philstar.com, De Lima asks Court of Appeals to bar convicts from testifying against her, Nov. 26, 2018

Rappler.com, De Lima to CA: Stop convicts from testifying against me in drug case, Nov. 26, 2018

Senate of the Philippines, De Lima asks Court to vacate order vs. motion to disqualify 13 witnesses, Oct. 1, 2018

ANC 24/7, Duterte admits ordering transfer of inmates to Marines barracks | The World Tonight, Sept. 6, 2019

Supreme Court, G.R. No. 150663, February 05, 2004 (Peter Co)

Supreme Court of the Philippines, G.R. NO. 171397, September 27, 2006 (Vicente Sy)

Supreme Court, G.R. No. 193833, November 16, 2011 (Froilan Trestiza)

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.