Pagsagot sa isang fact check ng VERA Files na nagsasabing hindi totoo ang kanyang pahayag na “28 porsiyento” ng pondo ng International Criminal Court ay nagmumula sa Pilipinas, si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ay naninindigan na ang bansa ay nagbigay ng “malaking halaga” sa tribunal.
Isang ulat ng ICC noong Disyembre 2017 ang nagpapakita na ang Pilipinas ay nag-ambag ng 397,896 euros (P23.7 milyon) sa tribunal, o 0.28 porsiyento ng kabuuang kontribusyon, sa huling pagbabayad na ginawa noong Abril 2017. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Panelo wrong on ICC again, claims PHL contributes 28 percent of tribunal funds)
Halos kalahati ng kabuuang kontribusyon sa ICC ay mula sa limang bansa lamang – Japan, Germany, France, United Kingdom at Brazil – habang 89 porsyento ng kabuuang kontribusyon ang nagmula sa 20 bansa lamang.
Ang Pilipinas ay nasa ika-33 sa listahan.
Narito ang isang graph.
Pinagkunan:
International Criminal Court, Report of the Committee on Budget and Finance on the work of its twenty-eighth session