Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES YEARENDER: Ang pinaka-paulit-ulit na maling pahayag ng 2017

Apat sa kanila ay mula sa pangulo.

By VERA Files

Dec 20, 2017

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sinasabi ng isa sa mga batas ng propaganda ito, “Ang kasinungalingan na madalas inuulit ay parang nagiging totoo.”

Lumalayo sa ng tema mga speech na madalas tungkol sa galit niya sa droga, mga pulis at mga karapatang pantao, si Pangulong Rodrigo Duterte ay regular na nagbibitaw ng at nag uulit ng mga kasinungalingan na parang totoo ang mga ito.

Binilang ng VERA Files ang pinakamadalas ulitin na maling pahayag na na fact check sa taong ito at nakuha ang top five. Apat sa kanila ay mula sa pangulo.

1. Mga mahihirap lang ang gumagamit ng shabu

Ang paboritong maling pahayag ni Duterte, na binigkas ng hindi bababa sa 22 beses mula Hulyo hanggang Disyembre, ay ang paggamit ng shabu ay limitado sa mga mahihirap. Mga taong mayaman, sinabi niya, ay gumagamit ng heroin o cocaine.

FACT

Ipinakita sa pinakahuling survey ng Dangerous Drugs Board na ang pahayag na ito ay walang istatistikang batayan at ang paggamit ng bawal na gamot ay walang kinikilalang katayuan sa lipunan.

2. Ang pag gamit ng cannabis ay humahantong sa mas mataas na panganib ng kanser sa baga

Habang binabasa ang isang piraso ng papel at inuugnay sa isang pag-aaral ng United Nations, inulit ni Duterte ang maling pahayag ng hindi bababa sa walong beses mula Oktubre hanggang Nobyembre.

FACT

Pinili ni Duterte ang mga natuklasan ng isang pag-aaral sa UN para suportahan ang kanyang pahayag kahit na ang karamihan sa mga siyentipikong ebidensya ay nagpapakita na may katamtamang katibayan na walang istatistikang kaugnayan sa pagitan ng paggamit ng cannabis at panganib ng kanser sa baga.

3. Parami ng parami ang mga pulis at sundalo ang napapatay araw-araw sa giyera laban sa droga

Walong beses mula Marso hanggang Oktubre, sinabi ni Duterte na lumalala ang giyera laban sa droga sa kung titignan ang bilang ng mga pulis at mga sundalo na napatay, na pinalalaki ang kanyang bilang mula sa “tatlo hanggang apat” hanggang “anim hanggang walong” araw-araw.

FACT

Hinid kailanman tumugma ang bilang ng presidente sa mga opisyal na bilang, #RealNumbersPH, na nagbibigay ng mas mababang bilang: tatlong tagapagpatupad ng batas na napapatay bawat 20 araw sa mga operasyon ng laban sa droga.

4. Ang magandang rekord ng karapatang pantao ng Pilipinas sa United Nations

Sa hindi bababa sa pitong beses, binaluktot ng Department of Foreign Affairs at ang Presidential Communications Operations Office ang mga katotohanan tungkol sa report card ng karapatang pantao ng Pilipinas sa United Nations.

Kabilang dito ang isang balita na nagsabing 95 mga bansa ay kumbinsido na walang mga extrajudicial killing sa Pilipinas. Ang istorya ay binawi nang maglaon.

FACT

Sa ikatlong cycle ng Universal Periodic Review, 44 sa 95 na bansa ang nagpahayag ng pagkabahala sa mga namamatay sa giyera laban sa mga droga, na higit sa walong bansa na nagbibigay ng kwalipikadong suporta.

5. Ang ‘walang kaparis’ na 9 porsiyentong paglago ng ekonomiya ng Davao City

Sa hindi bababa sa pitong talumpati, sinabi ni Duterte na ang ekonomiya ng Davao, ang kanyang modelo ng peace and order, ay lumago ng 9 porsiyento noong siya ay mayor — isang tagumpay na sabi ng pangulo ay walang iba pang lungsod o lalawigan ang nakamit.

FACT

Mali. Mula 2010 hanggang 2015, ang Central Visayas at Zamboanga Peninsula ay nakapagtala ng mas mataas na paglago ng ekonomiya kaysa sa 9.3 porsyento ng Davao.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.