Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES FACT CHECK: Cayetano inulit ang mga pahayag na napatunayang mali sa panayam sa Al Jazeera

Ipinagtanggol ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano, sa pakikipanayam kay Mehdi Hasan ng Al Jazeera noong Okt. 6, ang giyera laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng tatlong huwad na pahayag, sa loob ng hindi bababa sa 12 minuto, na napasinungalingan na sa media.

By VERA Files

Oct 12, 2017

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ipinagtanggol ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, sa pakikipanayam kay Mehdi Hasan ng Al Jazeera noong Okt. 6, ang giyera laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng tatlong huwad na pahayag, sa loob ng hindi bababa sa 12 minuto, na napasinungalingan na sa media.

PAHAYAG

Anim na minuto sa panayam, sinabi ni Cayetano na “binago ang kahulugan” ng mga extrajudicial killings (EJKs) ng nakaraang administrasyon sa ilalim ni Benigno S. Aquino III. Sinabi niya:

“Binago ng nakaraang administrasyon ang kahulugan. Sinabi nila na ito ay extrajudicial lamang kung ikaw ay lider ng unyon, kung ikaw ay isang lider ng relihiyon, kung ikaw ay isang mamamahayag, kung ito’y ideolohikal. Kaya sinimulan nila ang pag-uulat ng 50, 100, 150. Nang dumating si Duterte, bumalik sila sa lumang kahulugan at sinuman ang pinatay o pinatay ay ibinibintang sa digmaan laban sa droga. ”

Pinagmulan: How the Philippines defends Duterte’s drug war, panoorin from 5:52 to 6:15

FACT

Ang pahayag, isang pag-uulit ng naunang pahayag na ginawa ni Cayetano sa ikatlong cycle ng Universal Periodic Review ng United Nations sa Geneva noong Mayo 8, ay walang batayan. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Was the definition of EJKs changed under the Duterte administration?)

Ang Pilipinas ay walang batas na nagbibigay ng kahulugan sa mga EJK, bagaman mayroong mga batas na nagbibigay ng buod kung ano ang mga ito. Noong 2007, tinukoy ng Korte Suprema ang “mga extra-legal na pagpatay” na kabilang sa pagpatay ng mga pinaghihinalaang kriminal nang walang angkop na proseso.

Ipinalagay ni Cayetano ang “pagbabago” ng kahulugan sa Administrative Order No. 35, na pinirmahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2012.

Nilimitahan ng utos, na naglalayong lumikha ng isang komite upang mapabilis ang resolusyon ng mga pagpatay, ang saklaw ng EJKs sa mga pampulitika at cause-oriented pagpatay, bukod sa iba pa. Ngunit dahil ito ay isang kautusan at hindi isang batas, hindi ito nagbibigay ng komprehensibong depinisyon ng EJKs.

PAHAYAG

Labing-dalawang minuto sa panayam, sinabi ni Cayetano na si Duterte ay “hindi kailanman nagbiro tungkol sa rape.” Sinabi niya:

“Hindi siya nagbiro. Sinasabi niya kung ano ang nangyari noong dekada 80, at kung ano ang sinabi niya, at kung ano ang konteksto nito. Siya ay hindi kailanman nagbiro tungkol sa rape, siya ay galit na galit tungkol sa rape… ”

Pinagmulan: How the Philippines defends Duterte’s drug war, panoorin from 12:18 to 12:29

FACT

Pinasinungalingan ng naunang katipunan ng mga sexist na komento ni Duterte, ang ilan ay pag-amin ng sexual assault, ang pahayag ni Cayetano na ang presidente ay hindi kailanman ginawang katawatawang usapin ang rape. (Tingnan VERA FILES FACT CHECK: Has Duterte never disrespected women?)

Sa maraming pagkakataon, ang mga sinasabi ni Duterte tungkol sa rape ay nagpapatawa sa madla at sinusundan ng batikos.

Sa kasagsagan ng kampanyang pampanguluhan noong 2016, si Duterte ay binatiko dahil sa pagsabing, bilang alkalde ng lungsod noon, siya ay “dapat na una” sa paggahasa sa Australian missionary na si Jacqueline Hamill, na ginahasa at pinatay ng mga bilanggo sa Davao City noong 1989.

Higit pa dito, sa iba pang talumpati, inaliw ng pangulo ang kanyang mga tagapakinig sa kuwento tungkol sa kanyang pag-amin sa isang paring Heswita kung paano niya nilabag ang pagkababae ng isang kasambahay.

Muling pinagkatuwaan ni Duterte noong Hulyo ang rape/panggagahasa, at itinuon naman ang kanyang atensiyon sa mga nanalo sa Miss Universe pageant, sinabing babatiin niya ang rapist na susubok kahit alam niyang maaaring siyang patayin pagkatapos.

Higit pa sa mga kwento na may kaugnayan sa panggagahasa, ipinangako niya na aangkinin ang responsibilidad sa panggagahasa na gagawin ng mga hukbo ng pamahalaan na itinalaga upang ipatupad ang batas militar sa Mindanao.

STATEMENT

Matapos ang kanyang pahayag na ang presidente ay hindi nagbibiro tungkol sa rape, agad sinabi ni Cayetano na ang Davao City, kung saan si Duterte ay naging alkalde sa mahigit na 22 taon, ay “isa sa pinakaligtas na lugar” sa bansa. Sinabi niya:

“Siya ay hindi kailanman nagbibiro tungkol sa rape, siya ay galit na galit sa rape, at ang Davao ay isa sa mga pinakaligtas na lugar.”

Pinagmulan: How the Philippines defends Duterte’s drug war, panoorin mula 12:27 to 12:32

FACT

Ang pahayag ni Cayetano ay inuulit lamang ang mga naunang pahayag ni Duterte tungkol sa umano’y maayos na kalagayan ng peace and order sa Davao City.

Iba ang kuwento ipinakikita ng datos ng Philippine National Police mula 2010 hanggang 2015. Ang Davao City ay ika-apat sa mga lungsod na may pinakamataas na bilang ng mga index crime. Mayroon din itong pinakamaraming bilang ng mga insidente sa pagpatay. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Is Davao City ‘relatively safe?’)

Kasama sa mga krimen sa index ang murder, homicide, physical injury, pagnanakaw at panggagahasa, bukod sa iba pa.

Salungat din sa pahayag ni Cayetano na ligtas ang Davao City pagdating sa rape, ipinakikita ng datos ng PNP Crime Environment na ang bilang ng mga insidente ng rape ay tumaas ng 23.4 porsyento noong huling termino ni Duterte bilang alkalde ng lungsod.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.